Mabilis lang kami naka dating sa mall ni kuya, nandon na nga din agad yung kasama n'ya kaya medyo nahiya ako dahil na late kami ng dating.
Mabait s'ya, at mabilis ko din naman nakapag palagayan ng loob. Siguro dahil na din sa kakulitan ni kuya na sabi ng sabi na mag bonding daw kami.
Hindi ko nga alam kung nag eenjoy sila sa date nila dahil mas iniintindi pa nila ako. Ang hirap lang din talaga maging thirdwheel. Sabi ko naman sa kanila ay wag ako intindihin dahil namimili din naman talaga ako ng ibang gamit.
"Clandestine, may gusto ka pa ba puntahan?" Ashley, kuya's girlfriend ask me.
Agad akong umiling dito.
"No, I'm okay. Dito lang naman talaga ko inaya ni kuya. Besides, madami din ako kailangan na bilin."
Tumingi ako kay kuya na busy sa pag titipa sa cellphone nito.
"Kuya, mauuna na ko umuwi sainyo. Since, nabili ko na lahat ng kailangan ko. At maenjoy n'yo na din itong date n'yo."
Tumingin sakin si kuya.
"Sige, hatid na muna kita."
"No kuya. Ayos lang, mag taxi na lang ako or grab. Wag mo na iwan si Ashley dito."
Nakakahiya naman na iiwan n'ya pa dito ang date n'ya para lang ihatid ako.
Tinitigan ako nito at parang tinatantya pa ako.
Ngumiti ako dito.
"I can manage kuya. Come on."
Hindi naman na ito nakipag talo kaya ng sinabi nito na s'ya ang mag bubook ng grab ko ay hinayaan ko na lang.
Hindi din naman ako nag antay ng matagal dahil dumating agad yung grab. Hinatid pa nila ko ni Ashley sa labas kaya nakapag paalam pa ko sa mga ito.
Sinalubong agad ako ng mga kasam bahay ng makita nila na bumaba ako ng sasakyan at bitbit ng mga pinamili ko.
Nagpasalamat ako sa grab bago pumasok.
Umakyat agad ako at inayos ang ibang damit na napamili ko. Nag shower lang ulit ako ng matapos at nahiga sa kama. Anong oras pa lang naman pero pakiramdam ko ay napaka daming nangyari sa araw na to.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Dala-dala ko ang mga gamit ko habang inaantay ang sundo ko. Kanina pa ko init na init dito dahil kakagaling ko lang sa last subject namin.
Medyo malayo pa naman yon dito sa main gate kaya ang layo pa ng nilakad ko.
Magtetext na sana ulit ako sa driver namin ng may humalik sa pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko at napalingon sa lalaking nasa harapan ko. Malaki ang ngiti nito sa akin.
Napasimangot ako, "Bakit hindi ka nagpakita kanina?"
Kinuha nya sakin ang bit-bit kong libro, "Kase po ayokong maabala ka sa klase mo. Mamaya hindi ka na naman makapag focus sa trigo nyo.”
Inirapan ko ito pero tinawanan lang ako. "Kanina ka pa ba dito?"
Tumango ako, "Ang tagal nga nung sundo ko.”
“I text mo. Sabihin mo wag kana sunduin. Ako na maghahatid sayo."
Napatingin ako sa kanya, "Eh pano? Maglalakad tayo?" Natatawang sabi ko dito.
Sa totoo lang ay nasanay na nga ako na lakarin ang pauwi saamin basta s'ya ang kasama ko. Mas naeenjoy ko din kasi talaga dahil minsan, dahil may madadaanan kaming kainan, tapos kakain kami ng ibat-ibang klase ng tuhog.
"Oo. Para mas matagal tayong magkasama.” Hinawakan nito ang kamay ko at hinatak na ako.
Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako, "Kapag napagod ka papasanin kita.”
Napanguso ako pero ang totoo ay tinatago ko lang ang ngiti ko, sasabog na kase yung puso ko sa kilig. Hindi naman kasi nakaka pagod ang mag lakad, depende na lang siguro kung sino ang kasama.
Sabay na kaming naglakad pauwi sa bahay. Hawak nito ang kamay ko at sa kabila naman ay hawak n'ya ang libro ko.
Napatingin na naman ako sa suot n'ya. "Nag sideline ka na naman ba?"
Nilingon ako nito. "Oo, may kailangan kase kaming bilhin na gamit. Medyo mahal kaya kailangan ko ng pera."
Sa tagal na din namin na magka relasyon. Alam na alam ko na yata ang lahat sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ako na lang sana ang bumili para hindi ka na nag sideline."
Lagi na lang kase s'ya nagtatrabaho kapag ganyang kailangan n'ya ng pera, okay lang sana kung magaan lang ang trabaho. Kaya lang minsan nakita ko s'yang nagdedeliver ng mga kahoy, at buhat-buhat pa n'ya, ang bigat kaya ng mga iyon.
Minsan doble pa ang trabaho n'ya. Tapos sa susunod na araw may pasok s'ya, wala na s'yang pahinga. Kaya nagkakasakit na din s'ya minsan kase inaabuso n'ya ang katawan n'ya. Kaya ko naman sana bilhin ang mga kailangan n'ya dahil sobra-sobra naman ang allowance ko. Kaso ayaw din n'ya, hindi ko naman daw obligasyon na bilhin ang mga bagay na kailangan n'ya.
Alam ko naman na iniisip din n'ya ang pwedeng sabihin ng ibang tao. Wala naman akong pakielam sa kanila.
Pero nirerespeto ko din ang gusto n'ya, at ayoko kasi na nakikipag talo sa kanya sa mga ganitong problema dahil ayokong isipin n'ya na naaawa lang ako sa kanya.
"Alam mong hindi kita pa gagastusin kung konektado sa pag aaral ko Destine." Seryoso ang pagkaka sabi nito sa akin.
"Pero kung sakali na kailanganin mo ng tulong ko.. Alam mo na nandito lang ako diba?"
Umiling ito.
"Wala kang gagastusin para sa akin Destine. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Nang tumitig ako sa kanya ay napa tango na lang ako dito.
"Magboboard exam ako, maghahanap ng magandang trabaho. Mag iipon ako para sa ating dalawa.”
Sandali akong natahimik habang naglalakad kami at napaisip sa sinabi nito.
Lihim akong napa ngiti.
"Ibig sabihin ba ay iniisip mo na tayo na talaga hanggang sa huli?"
"Oo naman. Bakit, ayaw mo ba?"
Hinampas ko ito. "Gusto." Mahina ang pagkaka sabi ko nito kaya niloko pa n'ya ko.
Nagtatawanan tuloy kami sa daan.
"Nga pala. Yung kapatid ko kasi may project siya, medyo about engineering ‘yun. Baka naman pwede mo siya tulungan? Kinukulit ako no’n nu’ng nakaraan na sabihin ko sa’yo."
"Oo naman,wala namang problema sa akin ‘yon. Malakas ka naman sa akin."
Kumapit ako sa braso nito, "Thank you... Darius."
Ngumiti ito sa akin.
Napadilat ako ng narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong nasa harap ko ngayon, at pintuan ng kwarto ko.
Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko.
Ngayon ko lang ulit naramdaman na parang hindi ako mapakali.
"What are you doing here?"
Halos hindi ko naintindihan ang sariling tanong ko dito.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Sorry. Akala ko ito yung library.."
Tumalikod na ito sa akin, akala ko ay aalis na ito pero narinig ko muna ang sinabi nito bago mawala sa paningin ko.
"Akala ko ay nananaginip ako ng nakita kita kanina."
Kinurot ko ang sarili ko sa pag babaka sakali na panaginip nga ito. Pero ng masaktan ako ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan sa nangyari.
Lumabas ako ng kwarto at tinignan kung saan ito nag punta.
Naabutan kong kausap nito si papa at pumasok sila ng library.
Darius is here.
Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang t***k nito.
Hanggang ngayon ba naman ganoon pa din epekto n'ya sa akin?
Parang ayoko ng lumabas ng kwarto kahit nakailang tawag na sakin si manang para bumaba na at kumain.
Pero kung hindi naman ako lalabas ay ano namang sasabihin nila sakin?
Napa buntong hininga ako at napag pasyahang bumaba na. Nakadinig agad ako ng tawanan sa hapag kainan.
Pagka bungad ko ay nakita ko kagad si Darius at Venus na magkatabi. Napansin naman kaagad nila ang pagdating ko kaya lahat sila ay napatingin sakin.
Tumikhim nalang ako.
"Iha kanina ka pa tinatawag ni manang."
Sa sobrang kaba ay hindi ko na nakuhang sagutin si mama.
Naupo ako sa tabi ni kuya na tahimik lang na kumakain. Nandito na din pala s'ya.
Hindi ko alam kung tama ba itong nangyayari? Alam ko na naka move on na ako. Pero bakit harapan na nila binabale wala yung nangyari noon.
"Kakauwi mo lang ba kuya?" Baling ko dito.
Sumulyap ito sakin "Medyo kanina pa ako nandito."
Kumain na ulit ito kaya kumain na din ako, kung kanina ay maingay sila ngayon naman ay ang tahimik nila.
Gusto kong tumayo na lang at hindi na tapusin ang pagkain ko, pero nanaig ang pasensya ko at inisip na matatapos din to.
Pero nagulat ako ng padabog na binagsak ni kuya ang kutsara at tinidor n'ya.
"Seriously. What are you thinking?"
Napatingin ako dito.
"Grey ano na naman ang problema mo?" Nakakunot noo si papa ng bumaling ito kay kuya.
"No. What's your problem vice governor?"
"Kuya.." Mahinang saway ko dito.
Nakaramdam ako ng kaba.
"Grey anak. May bisita tayo, please lang wag sa harap ng pagkain. Lorenzo tumigil ka na." Saway sa kanila ni mama.
Napatingin ako kay Venus na tahimik lang at nakayuko. Ang katabi naman nito ay tahimik lang din.
Tumayo si kuya. "Nakakalimutan n'yo yata na yang bisita n'yo ang dahilan kung bakit umalis si Clandestine."
Ngumisi si kuya at tinignan si Darius. "Ang lakas ng loob mo na tumapak dito sa bahay namin, akala mo ba kahit gobernador ka ay aatrasan kita?"
"Grey!" Tumayo na si papa.
"What? Totoo naman! Hindi n'yo
iniisip yung pwedeng maramdaman ni Clandestine kapag nakita ang lalaki na yan."
Tumayo ito.
"Ano ba ang gusto n'yo mangyari? Umalis ulit ang kapatid ko dahil sa pagiging makasarili n'yo?"
Tumalikod ito at lumabas ng bahay.
Umupo si papa at uminom sa tubig nya.
"Gov. Pasensya na sa anak namin." Paumanhin ni mama dito.
"It's fine ma'am."
Hindi ako makatingin sa kanila at hindi ko din maisip kung ano ang pwede sabihin.
Tumayo ako at humarap sa kanila. "Excuse me."
Hindi na ako nag antay pa ng sagot mula sa kanila at lumabas. Luminga ako kung nasan si kuya pero hindi ko s'ya makita.
Napakunot noo ako ng may madinig na ingay sa labas.
Dumiretso ako dito, bubuksan ko na sana ang gate ng pumasok si kuya at pabalyang sinara ito.
Nanlaki ang mata ko sa itsura nito.
"Kuya! What happened?" Agad akong lumapit dito at inalalayan ito.
Napangiwi ako ng makita ang duguang kilay nito at putok na labi.
May mga galos din sya sa braso
"Sino may gawa nito sayo? Nasa labas pa ba?" Iniupo ko ito.
"May mga nag rarally sa labas. Pag labas ko kinuyog agad ako, hindi napigilan ng mga body guards natin."
"May nag rarally? Nang gantong oras?"
At isa pa, hindi dapat dito ginagawa iyon. Bahay na namin ito, maiintindihan ko sana kung sa harap ng kapitolyo.
Hinawakan ni kuya ang labi nya "I don't know. Damn politics! Damn that Governor."
"Kakausapin ko sila." Lalabas na sana ako ng pigilin ako ni kuya.
"No Tine. You stay here, mamaya ikaw naman pagkaguluhan nila doon."
"Tatawagin ko na lang si manang para magamot yang sugat mo kuya. Sasabihin ko na din kila papa kung anong nangyayari sa labas."
Tumango na lang ito kaya nagmadali nakong pumasok sa loob.
"Papa."
Tumingin agad ito sakin
"May mga nag rarally sa labas, kuya's hurt."
Tumayo ito "What? Nasan ang kuya mo? Ginantihan ba n'ya?"
Napakunot noo ako dito. "Hindi ko alam papa, pero siguradong hindi."
Tumango ito at napabuntong hininga. "Mabuti naman."
"Pa?" Anong mabuti naman?
"Tawagin mo na lang si manang para magamot ang kuya mo at may mga body guard naman sa labas Clandestine, you don't need to worry." Naupo na ulit ito at parang walang nangyari.
Napatingin ako kay Darius na nakatingin din sakin kaya nag iwas nalang ako ng tingin at hinanap si manang.
Naguguluhan man ay mas minabuti ko na lang na maka alis sa harap nilang lahat.
Nang makita ko si manang ay sinabihan ko kagad na puntahan si Kuya. Nauna kong lumabas at kasunod ko ito, habang papalapit ako sa pinag iwanan ko kay kuya ay nadinig kong mas lumakas ang sigawan sa labas.
Ano ba ang nangyayari?
Nang medyo nalilibang na si kuya sa pag gamot sa kanya ni manang ay nag lakad na ako palapit sa gate at binuksan ito. Nakita ko kagad ang mga bodyguards namin pero mas ikinagulat ko ang mga pulis na nasa labas.
"Alam namin na nandyan si Gov! kailangan namin sya makausap para sa lupang kinukuha nila na pag mamay ari namin!" Nadinig ko ang sigaw ng medyo may katandaan na nasa unahan.
Madami din sila at lahat sila ay may hawak na card na may mga nakasulat.
Hindi ko na halos maintindihan yung iba nilang sinasabi dahil nagkagulo na sila kaya sinara ko na din yung gate.
Lumapit na ulit ako kay kuya na tapos ng gamutin.
"Kuya lagi bang ganito dito?"
Tumango ito, "Pero mas malala ngayon, dati naman ay hindi sila ganyan kadami at kaingay."
Tumabi ako ng upo dito, "Okay kana ba?"
Tumango ito.
"Hindi ka ba galit sa mga taong gumawa sayo n'yan sa labas dahil ikaw ang napagtuunan nila?"
Nilingon ako nito, "Tine. Kung alam mo lang kung paano tumakbo ang buhay dito, you'll understand the people who shout for their pride. Ano man yang kinukuha o pinaglalaban nila, sigurado ako na dahil may karapatan talaga sila."
Siguro ay may mga bagay na hindi din talaga natin maiintindihan kung wala tayo mismo sa posisyon nila.
"Kuya, I need to loosen up. Sa pool lang ako."
Para kasing sasabog yung isip ko sa dami ng nalalaman ko.
"Go ahead. Im fine here, maya-maya ay papasok na din ako."
Tumayo na ako at pumasok sa loob para kumuha ng pamalit. Hindi nako tumingin sa sala kung san sila nandoon.
Sa kabila na ko dumaan pagkatapos para hindi nako sa sala madaan, dumiretso ako ng swimming pool namin.
Huhubadin ko na sana ang robe ko ng may madinig akong nag uusap.
"Oo naman po vice gov, akong bahala sa mga kasama ko."
"Mabuti naman kung ganon,basta kayo na bahalang mag parte dyan. Alam mo naman kung anong totoo, hindi ba? Kayo ng bahala mag tanggol samin. Sa totoo lang mahirap ang kalagayan namin sa ngayon, pero umaasa pa din ako na maaayos na ito sa madaling panahon."
Napaurong ako at nag tago sa may gilid kung nasaan ang shower.
Humalakhak ang kausap nito.
"Ayoko nalang paproblemahin ang governor natin kaya tayo na ang kikilos, nang maayos nalang to."
"Makakaasa po kayo sa samahan namin vice. Aalis na din po kami at kakausapin ko ang lahat ng nasa labas para sabihin sa kanila ang nangyari. Ang mahalaga naman po ay hindi nababalewala ang mga hinaing namin. Lalo na kung palagi naman po may kapalit na ganito."
Nakita ko ang pag tapik nito sa balikat ng kausap n'ya.
"Salamat. Paano mauna nako sa loob? Sasamahan kana lang palabas ng guard namin."
"Sige po."
Tumalikod na si papa at pumasok sa loob, umalis na din ang kausap nito kasama ang isa sa body guard namin.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinundan ng tingin ang taong pumasok sa bahay.
"Papa..."
Bakit gumagamit sila ng pera para lang mabulag nila ang iba sa kapangyarihang meron sila?
Nanlaki ang mata ko ng may humila sa kamay ko.
"Clandestine."
Napatingin ako sa taong may hawak ng kamay ko ngayon at napa lunok ako ng magtama ang tingin namin.
"Darius.."
Hinila ko ang kamay ko dito na nabitawan naman kaagad n'ya.
"Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ito sumagot, at naka titig lang sa akin.
Hindi ko makayang tignan ito ng matagal, at hindi ko din kaya na makasama s'ya sa isang lugar na kaming dalawa lang.
"I..." Tila nag alangan pa ito sa gusto n'yang sabihin.
"Kung wala kang sasabihin, makaka alis ka na."
Hindi ko man ito matignan ng deretso sa mata n'ya. Ramdam ko yung tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Darius?"
Napalingon kami pareho sa nag salita.
Nakakapag taka na automatic na nag tago ang katawan ko sa malagong halaman na wala din naman ilaw.
Tumikhim ito.
Lumapit ang kapatid ko dito at tila luminga.
"Anong ginagawa mo dito?"
Napansin ko pa ang pag sulyap ni Darius sa kung nasaan ako.
"Nag pahangin lang ako."
Nag iwas ako ng tingin ng kumapit sa braso nya si Venus at sabay silang pumasok ng bahay.
Napapikit ako at naramdaman ko ang pag bigat ng dibdib ko. Hanggang kelan ko kailangan tiisin na makita 'to?
"Ginawa nila kong tanga."
Mahinang bigkas ko habang tinitignan ang daan kung saan sila pumasok.
Ilang araw na din kami hindi nagkikita ni Darius. Busy din kase s'ya sa pag rereview dahil exam na. Ang hirap pa naman ng exam sa engineering.
Napabuntong hininga ako at sinara ang libro ko, kanina pa ko nagrereview pero ni isang word wala manlang ako maalala dito.
Kinuha ko yung phone sa bag ko at nagtext kay Darius na magkita naman kami ngayon.
Namimiss ko na din kase sya, napangiti ako ng magtext agad ito.
Honey
: Sorry Hon. Hindi kase ko pwede ngayon, pagkatapos kasi ng exam ko pupuntahan ko kapatid mo. Nagpapatulong sya diba.
Napanguso ako at tinawagan na lang ito. Agad naman n'yang sinagot.
"Destine."
Nag pigil ako ng ngiti ng madinig ang boses nito.
"I miss you Darius. Hindi ba pwedeng bukas nalang kayo magkita ng kapatid ko?"
"Hon, alam mong nung nakaraan pa ko kinukulit non. Nakakahiya naman pag tinanggihan ko ulit."
Tumayo na ko at sinukbit ang bag ko. "Pwedeng sumama na lang ako sainyo kung ganon?"
"Okay lang din. Nandito pa ko sa Engineering building, magkita na lang tayo sa main gate para hindi ka na maglakad ng malayo. Malapit na kami mag exam, patayin ko na to."
Napatango ako kahit hindi nito nakikita. "Okay sige. See you later honey."
"Sige na."
Binaba ko na yung phone at naglakad palabas ng school, dun muna ko sa malapit na kainan para malapit lang sa gate.
Pagpasok ko ay umorder muna ko ng inumin at tyaka naghanap ng pwesto.
"Venus!" Tawag ko dito at ngumiti.
Nanlaki ang mata nito. "Oh, ate."
Naglakad ako palapit dito at naupo sa harap n'ya.
"May kasama ka ba?" Binaba ko sa kabila ang bag ko bago tignan ito.
Umiling sya, "Actually I'm waiting for kuya Darius, ngayon n'ya kasi ko tutulungan."
Darius is always helping her, with all her projects and home works. Minsan nga ay mga kaibigan o kakilala pa namin ang nagsasabi sakin na madalas nila makita na mag kasama ang kapatid ko at si Darius. I just told them that they are just doing something for Venu's project, which is true naman.
Sobrang hirap din naman kasi talaga ng ibang project nya, I am willing to help her..Kaso, ayaw naman n'ya.
"Oo nasabi n'ya nga sakin, saan ba kayo gagawa? Sa bahay natin? I'll just come with you. Wala na din naman akong lakad."
Napa tigil ito sa pagkalikot sa phone n'ya at tinignan ako.
"Wag na ate."
Napakunot noo ako, "Why?"
Tumikhim ito, "Baka kase hindi makapag concentrate si kuya pag nandoon ka.
Tumawa ako. "Baliw, kaya non makapag concentrate kahit mag sayaw pa ko sa harap non. Dont worry okay?" Uminom ako sa binili ko.
Saglit kaming natahimik kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag iinternet.
"Ate do you still remember the free ticket na binigay sakin ng kaklase ko?"
Nanlaki ang mata ko. "Yes! Yung ticket sa concert ng coldplay?"
Ngumiti ito "Oo, dalawa na nga ticket na nandito sakin. Pwede mong isama si kuya Karlos."
Napatili ako, "Oo sige! I'm sure matutuwa yung baklita na yon, ngayon yon diba?"
Kinuha agad nito yung ticket sa bag n'ya at inabot sakin. Kinuha ko kagad 'to sa kamay nya.
"Hala! Maaga start nito?"
Tumango s'ya "Kaya kontakin mo na si kuya Karlos para makapag handa na kayo pumunta don. Anong oras na din."
Napatingin ako sa relo ko, "Hala. Anong oras na pala."
"Go ate. Madami na ding tao don."
Tatayo na sana ko bitbit ang bag ko ng maalala kong may usapan kami ni Darius. Napatingin ako kay Venus.
"Why? May problema ba ate?"
"May usapan nga pala kase kami ni Darius na magkikita kaming dalawa sa main gate."
Ngumiti ito,"Ako na magsasabi kay kuya ate. Sige na!"
Ngumiti ako dito at hinalikan ito sa pisngi na ikinasimangot nya.
"Thank you Venus." Tumakbo na ko palabas.
Miss ko na si Darius kaya lang Coldplay na to. Alam n'ya naman na idol na idol ko to kaya I'm sure maiintindihan ako non.
Dinial ko kagad ang number ni Karlos.
"Bakla! May ticket ako sa concert ng coldplay. Tara na!"
Katulad ko ay tumili din ito. Napag usapan namin na sa venue na kami magkita.
Sasakay na sana ko ng sasakyan ng makita ko si Darius na kakalabas lang ng gate. Kakawayan ko sana ito pero hindi nya ko napansin at nagdere-deretso sa loob kung nasaan si Venus.
Nakita ko pang tumayo si Venus at yumakap kay Darius. Napakunot noo ako ng medyo umiwas si Darius.
Napapikit ako ng masilaw ako sa sinag ng araw.
"Maam, tara na po ba?"
Napatingin ako sa driver namin.
"Opo."
Bago sumakay ay tumingin ulit ako sa loob kung nasan si Venus at Darius.
Mukhang may pinag uusapan na sila dahil seryoso na silang dalawa.
Napangiti nalang ako at pumasok na ng sasakyan. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Darius.
Honey
: Sinabi na ba ni Venus sayo? Sorry hon. You know I'm crazy with them, magkita tayo bukas ha? I miss you. I love you muaaa.
Sa kalagitnaan ng panunuod ng concert, ay tila hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung excited lang ba ako sa pinapanuod ko o may mali sa nararamdaman ko.
I suddenly remember Darius, kaya I checked my phone to find out that he only seen my messages. Kaya tinext ko ulit ito.
But, again. I received nothing in return.
Natapos ang concert ng hindi n'ya ako kinokontak.