Nagpatuloy ang relasyon nina Meng at Maia ganoon din sina Calix at Yñigo. Hindi na masyado pang nag-usisa si Calix o si Yñigo kay Meng patungkol kay Maia. Halos naging araw-araw din ang pagpunta ni Maia kina Meng ngunit sa likod ito dumadaan katulad ng kung paano nakapunta si Meng noon kina Maia. Nakakaalis si Maia sa kanila ng hindi alam ng katulong nila dahil sadya niyang inilolock ang pinto ng kuwarto nila at binibilinan ang katulong na 'wag siyang istorbohin. Kapag nakikita na nila ang pagdating ng sasakyan ni Dr. Saavedra ay mabilis ng dadaan sa likod ng bahay si Maia. Ngunit kaiba ng araw na iyon. Eksaktong pagtuntong kasi ni Maia sa pader na bakod ay nagkataon namang paglabas ng katulong nila. Binilisan na lamang ni Maia ang pagbaba nang marinig na ang busina ng sasakyan. "Ako na a

