Chapter 29

1593 Words

Sinubukang hawakan ni Maia ang kamay ni Meng subalit iwinaksi lang ng huli ang kamay niya. "Lumayo ka sa akin..." saad ni Meng na napahaplos pa sa kaniyang tiyan. Sinusubukan niyang kalmahin ang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa ipinagbubuntis niya. "H-hindi ko maintindihan, Meng. Ano bang sinasabi mong sobre?" puno ng pagtatakang tanong ni Maia, "ang sinasabi ko sa 'yo ay ang tungkol sa amin ni Felix," dagdag pa niya. "Ngayon Felix, kanina daddy?" nang-uuyam na sabi ni Meng. Napasapo naman sa noo si Maia at napailing-iling, "pakinggan mo naman sana muna ako, Meng." "Kanina pa ako nakikinig sa 'yo," may pagkapilosopong saad ni Meng. Napapikit na lang si Maia sa inasta ni Meng pagkatapos ay itinaas nito ang dalawang kamay bago nagsalita, "Oo, Meng. Asawa ko si Dr. Felix Saavedra.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD