Chapter 18

1761 Words

Kasalukuyang itinatali ni Calix ang sintas ng sapatos nito nang umagang iyon habang si Yñigo naman ay panay ang senyas sa kaniya. Sesenyas naman pabalik si Calix na tila sinasabing sandali lang. Panaka-nakang lumilingon si Yñigo sa kusina kung nasaan si Meng na kasalukuyang nag-aayos doon ng mga kalat o mga nagamit sa pagluluto. Nakaupo si Calix sa sofa habang inaayos ang sintas at si Yñigo naman ay nakatayo malapit sa pinto roon. Hindi na nakatiis si Yñigo at lumapit na ito kay Calix, "Bilisan mo bago pa na naman maunang lumabas si Meng para magbukas ng gate. Alam mo namang napaka agap niyan," tila nanenermon pang sabi niya kay Calix. "Sige na, sige na. Eto na," kunwa'y naiiritang sagot ni Calix. Tumayo na ito at nagsimulang maglakad papuntang kusina kung nasaan si Meng. Eksakto naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD