Araw ng sabado, napansin nina Calix at Yñigo si Meng na tahimik kahit pa ng nagdaang mga araw. "Meng, ayos ka lang ba?" nilapitan ni Yñigo si Meng na nasa garahe at kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman. "Ha? O-oo naman," may pagkagulat pang sagot ni Meng. Napansin din ni Yñigo na panay ang lingon ni Meng sa bahay nina Maia. "Hindi ko na siya masyadong nakikita. Wala ba siya riyan sa kanila ngayon?" tanong ni Yñigo. Napabuntung-hininga si Meng bago bitiwan ang hose na gamit nito. Agad namang pinatay ni Yñigo ang faucet kung saan nakasalpak ang hose since malapit naman siya roon. "Actually, nagsabi naman siya eh. Na hindi nga muna siya makakalapit-lapit o makakapunta rito gaya dati," paliwanag ni Meng. Mataman namang nakikinig lang si Yñigo. Maya-maya ay biglang natawa nang pagak si

