Stephanie Marley Molina's POV Pakiramdam ko ay halos tumigil na ang tìbok ng puso ko ng dinampot na ng mommy niya ang tasa ng kape at inilalapit sa kanyang bibig. Diyos ko po! Naku hindi pwede. "Ah, mommy!" Natigilan si Mrs. Delgado sa pagtawag ko sa kanya pati na rin si Drake at parehong nakatingin sa akin ngayon ang mag-ina. Paano ba naman kasi napalakas ang boses ko na para bang nanghihingi ako ng saklolo. "Ano 'yon Stephanie? May problema ba?" Aniya sabay ibinaba niyang muli ang tasa ng kape sa lamesa, at tinignan niya ko seryoso. Tang-ina! Ano bang sasabihin ko?! Tapos lumingon ako kay Drake, at agad kong nabungaran ang pogi niyang mukha na seryoso din nakatingin sa akin at pagkatapos ay ibinalik ko ulit ang paningin ko sa mommy niya. "Magsalita ka Steph, may ginawa ba si Dr

