Stephanie Marley Molina's POV After namin kumain ni Mrs. Delgado sa isang mamahaling restaurant ay agad na namin sinimulan ang aming shopping galore. Iba talaga 'yung amoy at ganda ng tela ng mga expensive clothes kumpara sa mga damit na nabibili sa tiangge eh kaso sadyang sobrang mahal, isang dress umaabot sa two, three, four, five thousand and up na ikinalaki ng mga mata ko, sobrang nakakalula sa mahal. Diyos ko! Hindi ako makapaniwala na gagastusan ako ng ganito kalaki ng mommy niya, pano kaya kung malaman niya kung ano ang totoo? Naku po baka madoble demanda ako kapag nagkataon dahil sa mga mamahaling damit na ito! Ano ba itong gulong napasukan ko? Pero nandito na ko sa ganitong sitwasyon at mas malaki ang galit ni Mrs. Delgado sa nanira sa anak niya kaya hindi na ako pwede umat

