Drake Jordan Delgado's POV Nakauwi na ko sa bahay pero wala pa rin pala si Stephanie dito sa bahay. Pumunta ako sa kabilang bahay pero wala rin. Hindi pa pala sila nauwi ni mommy sabi ni daddy. Ilang beses kong tinext at tinawagan si mommy pero hindi sumasagot kaya 'yung bodyguard na lang ang kinontak ko. Balak ko pa naman sanang yayain mag-dinner date si my labs tapos ibibigay ko 'yung new cellphone na binili ko para sa kanya. Napapangiti pa ako dahil pareho kami ng klase ng cellphone, same brand and model. Magdadahilan na lamang ako na hindi na talaga makita 'yung dati niyang cellphone na binato ko sa pader. Kinuhanan ko na siya ng postpaid plan kaya bago na ang number niya at masyado ng maraming mga asungot ang nagtetext at tumatawag sa luma niyang number, at siyempre hindi lang

