Stephanie Marley Molina's POV Bakit siya ang nandito? Inilibot ko ang aking paningin, wala dito 'yung shop attendant tapos wala din ang mommy niya?! Tumayo na si Drake at naglakad patungo sa kinatatayuan, at hindi ko malaman ang aking gagawin, pabilis ng pabilis ang kaba ko habang papalapit siya ng papalapit, umiling-iling pa ko na parang sinasabi ko sa kanya na huwag siyang lumapit pero sadyang makulit ang lalaki hanggang sa makalapit siya sa akin. Napapikit pa ako ng aking mga mata pero agad ko din iminulat dahil mabilis na halik lang pala sa kanang pisngi ang ginawa niya. Mabuti naman, ang akala ko kasi ay susunggaban na naman niya ang labi ko at dadalhin sa loob ng fitting room para gawan ng masama pero hindi iyon ang nangyari. Pinuri niya ang suot ko at parang iba ang aura ng kanya

