Stephanie Marley Molina's POV Kaya pala nawala ang mommy niya dahil nauna na pala sa restaurant at ngayon nga ay patapos na kaming kumain at ewan parang gusto ko pang pabagalin ang oras or kung pwede nga lang tuluyan ng tumigil eh pano ba naman kasi gabi na naman ulit at magtatabi na naman kami ni Drake sa iisang kama pero teka bakit ba 'yun agad ang inaalala ko eh mag-uusap pa pala kami ng masinsinan about sa mga bagay-bagay. Tapos na kami kumain, at kinuha na ni mommy ang bill sa waiter, at tignan mo 'tong lalaki na 'to, ang kapal talaga ng mukha. Akala ko ba bawas muna sa paggamit ng cellphone pero ano 'yang ginagawa niya. Busying busy siya sa pagtipa, at mukhang seryoso pa. Sino naman kaya yang ka-text or ka-chat niya? "Excuse me, may importante tawag lang ako na kailangan gawin."

