Stephanie Marley Molina's POV Habang ginagawa ko ang special coffee ng aking soon to be husband ay parang napapitlag na naman ako sa gulat dahil si Mrs. Delgado na pala ang nasa may gilid ko. "Thank you Steph, natutuwa naman ako sa pagkukusa mo, yan ganyan nga alisin mo na 'yung hiya mo at kami na ang pamilya mo ngayon!" Aniya sabay hawak sa balikat ko. "Ah walang anuman po, at maraming salamat po Mrs. Del, hmm ma, mommy sa pagtanggap sa akin dito." Nagkakandabulol na sabi ko na naman sa kanya. Sobrang nakaka-shock naman kasi nangyari sa buhay ko parang namimili lang ako sa grocery kahapon eh tapos ngayon ay nakatira na ko dito sa bahay ni Drake at nagkaroon na ulit ng nanay ng wala sa oras. Ngumiti siya sa akin kaya gumanti din ako ng ngiti sa kanya na kahit ang totoo ay sobrang kaba

