bc

MY DARING LOVER

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
one-night stand
HE
fated
opposites attract
second chance
friends to lovers
badboy
kickass heroine
powerful
stepfather
mafia
gangster
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxg
lighthearted
serious
kicking
city
cheating
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Sa isang gabing maulan, hindi inaasahang nakilala ni Marian Ariza si Matthew Guardian, ang misteryoso at makapangyarihang pinuno ng isang kilalang pamilya ng krimen. Mula sa unang sandaling nasilayan niya si Marian, agad nahulog ang loob niya dito, at walang pag-aatubiling hinabol ang dalaga nang may matinding determinasyon. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nahuhulog din ang puso ni Marian kay Matthew. Sa kabila ng panganib at dilim na bumabalot sa mundo ng lalaki, pinili niyang makaramdam ng pag-ibig, isang pag-ibig na puno ng tapang, takot, at pangakong hindi tiyak ang bukas.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: ISANG GABING MAULAN
Malakas ang ulan nang gabing iyon, parang sinasadyang burahin ng langit ang lahat ng pangarap na minsang pinanghawakan ni Marian Ariza. Bawat patak ng ulan ay tila may dalang pait, bumabagsak sa malamig na semento ng kalsada habang nakatayo siya roon, suot pa rin ang puting bestidang ilang oras na ang nakalipas... simbolo ng pag-asa, ngunit ngayon ay tanda na ng pagkawasak. Limang oras ng iniwan ng mga bista ang simbahan. Ang mga bulaklak sa altar ay nagsimulang malanta, gaya ng puso ni Marian. Ang mga upuang minsang puno ng halakhakan ay ngayon ay tahimik, at ang orasan sa dingding ay patuloy na umuusad, paalala na ang oras ay hindi humihinto kahit gumuho na ang mundo ng isang tao. Hindi dumating si Gilbert Magsimuno. Ang kanyang groom, ang lalaking nangako sa kanya na magsasama na sila habang buhay. Pitong taon. Pitong taon ng pangakong pinaniwalaan niya. Pitong taon ng pag-ibig na inalagaan niya kahit siya ang laging nagbibigay, laging umiintindi, laging nagsasakripisyo. At sa isang araw na dapat ay simula ng kanilang habang-buhay na pag iisang dibdib, siya ay iniwan ng lalaking akala niya’y magiging tahanan niya. Walang tawag. Walang mensahe. Walang paalam. Sa huli, siya lamang ang naiwan, nakaputi, nanginginig, at pilit hinahabol ang hininga habang pinipigilan ang hikbi na gustong kumawala sa kanyang dibdib. Hindi niya maalala kung paano siya nakalabas ng simbahan. Hindi niya namalayan kung kailan siya naglakad palayo, hawak ang laylayan ng bestida, hanggang sa tuluyang bumuhos ang ulan at basain ang bawat hibla ng kanyang buhok at bawat piraso ng kanyang dignidad. Kasabay nang pagpatak ng ulan.. at mga luha na galing sa poot, at hindi kaligayahan ay nagdulot ng pagkabura ng kanyang make-up. Wala na... Hindi na naging maganda ang kanyang itsura, kahit ang kanyang magagandang ngiti ay tila lumisan na. Ang lungsod ay malamig sa gabi. Ang mga ilaw ng gusali ay kumikislap, ngunit wala ni isa ang nagbigay-init sa kanyang pakiramdam. Ang mga taong dumaraan ay abala sa sarili nilang mundo, walang nakapansin sa babaeng tila multong naglalakad sa gitna ng kalsada, dala ang pusong wasak. Huminto si Marian sa ilalim ng isang lumang waiting shed, nanginginig sa lamig at emosyon. Doon niya hinayaang bumagsak ang mga luha... tahimik, walang sigaw, parang pagod na pagod na ang kanyang kaluluwa sa pag-iyak. “Bakit?” mahina niyang bulong sa sarili. “Ano’ng kulang sa akin?” Hindi niya alam kung ilang metro na ang layo ng kanyang nilakad, dahil sa abalang isip at pusong wasak. Tila ang lahat sa paligid niya ay nawala, na mag isa niyang pinapasan ang mundo. Ngunit hindi niya alam, may matang nakakita sa kanya mula sa loob ng isang itim na luxury car. Tahimik ang sasakyan na ito. Mabagal ang takbo. Ngunit sa loob nito, may lalaking hindi sanay makaramdam ng awa, at lalong hindi sanay na mapansin ang sakit ng ibang tao. Si Matthew Guardian. Isang pangalan na hindi basta binibigkas. Isang apelyidong kinatatakutan sa ilalim ng lungsod. Pinuno ng Guardian Crime Family. Isang lalaking pinalaki ng karahasan, kapangyarihan, at malamig na lohika. Para sa kanya, ang mundo ay isang chessboard, at ang mga tao ay mga piyesa. Ngunit nang makita niya si Marian... May kung anong bumitaw sa loob niya. Hindi siya umiiyak nang malakas. Hindi siya nagwawala. Ngunit ang lungkot sa kanyang anyo ay mas malakas pa kaysa sigaw. Ang puting bestida na basang-basa ng ulan ay parang sugat sa madilim na gabi... isang kontrast na agad humila sa atensyon ni Matthew. “Huminto ka..,” malamig niyang utos sa driver. Agad na tumabi ang sasakyan. Bumukas ang pinto, at ang tunog nito ay tila pumutol sa katahimikan ng ulan. Napatigil si Marian nang mapansin ang presensiya ng lalaki sa kanyang harapan. Matangkad. Naka-itim. Ang itsura ay hindi palakaibigan, ngunit may kakaibang awtoridad sa bawat galaw nito. Ang kanyang mga mata ay madilim at mapanuri, tila kayang basahin ang lahat ng lihim na pilit niyang itinatago. “Miss,” mababa at kontrolado ang boses ni Matthew, “This place is not safe...” Napatitig lamang si Marian sa kanya. Wala siyang lakas para magtanong kung sino siya. Wala siyang lakas para magtaka kung bakit may lalaking tulad nito ang lumapit sa kanya sa gitna ng gabi. “Hindi ba lahat ay delikado na?” mahina niyang sagot, halos hindi marinig sa pagitan ng ulan. Hindi inaasahan ni Matthew ang sagot na iyon. May kakaibang tapang ang babae, hindi iyong sigaw ng matapang, kundi ang tahimik na pagtanggap ng isang taong pagod nang tumakbo. “Ihahatid kita...” sabi niya, hindi bilang tanong, kundi utos. Natawa si Marian, isang mapait at basag na tawa. “Hindi ko alam kung saan.” Isang segundo ng katahimikan ang lumipas. Pagkatapos, bahagyang inabot ni Matthew ang kanyang kamay. Hindi marahas ngunit siya ay mapilit. “If that so...” sabi niya, “you can join me in my car" At sa gabing iyon, sa ilalim ng ulan, gumawa si Marian ng isang desisyong hindi niya kailanman inakalang babago sa takbo ng kanyang buhay. Ibinigay niya ang kanyang kamay sa isang estranghero. Hinawakan ni Matthew ang kanyang malambot na kamay na hindi tumingin sa kanyang namamagang mga mata. Hindi niya alam na ang lalaking ito ay may dugong nakadikit sa mga kamay. Hindi niya alam na ang mundong papasukin niya ay puno ng baril, lihim, at kapangyarihan. Hindi niya alam na ang lalaking ito ay magiging pinakamapanganib na pag-ibig na mararanasan niya. Ngunit sa sandaling isinara ni Matthew ang pinto ng sasakyan at umandar sila palayo, may isang bagay na malinaw.. Ang ulan ay hindi lamang bumagsak upang basain ang gabi. Ito ang gabing hinugasan ang lumang buhay ni Marian… at sinimulan ang kwento ng mapangahas niyang mangingibig. Tahimik ang loob ng sasakyan, ngunit ang katahimikang iyon ay mas maingay pa kaysa sa kulog sa labas. Ang ulan ay patuloy na bumabagsak sa salamin, gumuguhit ng mga landas na tila luha, walang direksiyon, walang pahinga. Nakaupo si Marian Ariza, katabi ng set-driver, hawak ang basang laylayan ng kanyang bestida, nakapako ang tingin sa dilim sa labas. Ang lungsod ay dumaraan sa kanyang paningin na parang mga alaala na unti unting lumalabo, at hindi niya mahawakan. Sa ngayon, ay hindi na siya umiiyak, may mga matang tila pagod na. Para bang ang lahat ng luha ay naubos na sa simbahan, sa pagitan ng mga bulong ng mga kamag-anak, sa mga matang may halong awa at paghusga. Ang natira na lamang ay ang bigat, isang mabigat na bato sa dibdib na hindi niya alam kung kailan mawawala. Sa kanyang kaliwa, tahimik si Matthew Guardian. Hindi siya nagtatanong. Hindi rin siya tumitingin sa salamin para usisain ang babae. Ngunit dama ni Marian ang presensiya nito, parang aninong nakabantay, parang pader na biglang sumulpot sa gitna ng bagyo. Hindi siya sanay sa ganitong katahimikan na hindi mapanghusga. Sa mga oras na ito, inaasahan niyang may magtatanong, may magsasabing, “Ano’ng nangyari?” o “Kasalanan mo rin siguro.” ngunit wala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook