CHAPTER 4: SA ILALIM NG KANYANG MADILIM NA MUNDO

1063 Words
Tumayo si Marian nang mapansin na hindi na nagsasalita si Matthew at nakatitig lamang ito sa kanya. “Pasensya ka na kung na istorbo kita” agad niyang sabi. “Aalis din agad ako bukas.” Hindi siya tumingin sa kanya na parang natatakot. Hindi rin parang humahanga. Tila normal lamang siyang kausap... at iyon ang ikinagulat ni Matthew. “Hindi ka istorbo,” sagot niya. “At hindi ka aalis hangga’t hindi ka handa.” Napatingin si Marian sa kanya. “Hindi mo ako kilala. Hindi mo ako obligasyon.” Lumapit siya nang bahagya, sapat para makita ang mga bahagyang pasa sa pulso nito, mga markang hindi galing sa ulan. Ang panga niya ay bahagyang kumuyom. “May mga bagay,” mababa niyang sabi, “na hindi kailangan ng obligasyon.” Tahimik silang nagkatitigan. “Bakit?” deretsong tanong ni Marian. Hindi agad sumagot si Matthew. Hindi siya sanay magpaliwanag para sa sarili.. lalo na sa isang babaeng halos hindi niya kilala. “Dahil minsan,” nagsalita uli si Matthew “may dumarating na tao sa maling oras, sa maling lugar… at binabago ang mga bagay na akala mo’y matagal nang patay.” Hindi niya sinabi kung alin doon ang tinutukoy niya, ang konsensya, ang damdamin, o ang sarili. Ngunit may isang bagay na malinaw doon, hindi siya iyong tipong basta na lang umaatras. “Hindi ko alam kung gutom ka, kaya nagpadala lang ako ng sopas, how was it?" tanong ni Matthew "Ay iyon ba. oo naman masarap at tsaka salamat ahh. Nakapabait mo naman. Ang swerte ko sayo" parang excited si Marian na sinabi ito sa kanya. Hindi niya alam na unti unti niyang nakakabig ang puso ni Matthew sa kanyang bawat salita at galaw. “Dapat kang kumain. You deserve better. " sinabi ni Matthew na walang ngiti sa labi, ngunit halatang may pinipigilan. “Salamat uli..” tugon ni Marian. “Hindi mo kailangan..." “Kailangan,” putol niya sa mababang boses. “The body cannot be neglected even if the heart is broken" Napangiti si Marian ng bahagya. “Mukha kang hindi naniniwala sa nararamdaman ng puso.” “Tama ka,” sagot ni Matthew. “Pero mukhang mali ako.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang halik. Walang hawakan. Ngunit ang hangin sa pagitan nila ay nag-iba.... parang may sinindihang apoy na hindi pa handang sumiklab. “Matulog ka,” sabi ni Matthew, sabay umatras ang kanyang mga paa. "Tomorrow is another day.” dagdag pa niya. "Okay. Sige. goodnight!" pahabol ni Marian bago magsara ang pinto ng guest room. Naiwan si Marian sa kwarto, hawak ang tasa ng tsaa. Sa unang pagkakataon at matapos ang lahat ng nangyari sa kanya, may isang lalaking dumampot at tumulong sa kanya ng walang kapalit. Natutuwa siya sa bagay na iyon. Ang itim na sasakyan ay hindi lamang sasakyan. Ito ang naghatid sa kanya mula sa pagiging babaeng iniwan… patungo sa babaeng may pagkakataong magsimula muli. At sa labas ng pinto, si Matthew Guardian ay nanatiling gising... alam na sa sandaling pinapasok niya si Marian sa kanyang mundo, ito ay wala nang atrasan. Bumalik si Matthew sa kanyang opisina nang may bigat ang bawat hakbang. Isang saglit pa bago niya tuluyang isinara ang pinto, sapat lang para tiyaking walang ibang makakakita sa kanya, saka niya iyon mariing isinara. Huminga siya nang malalim at umupo sa likod ng mesa, ang upuan ay bahagyang umingit sa bigla niyang pagbagsak dito. Inabot niya ang puting folder na matagal nang nakahimlay sa gilid ng mesa, para bang matiyagang naghihintay. Saglit niyang pinagmasdan ang pangalan sa takip. Marian Ariza. Nang bahagya niyang buksan ang folder, tila mas naging tahimik ang silid. Ang tunog ng papel na nagkikiskisan ay tila masyadong malakas sa kanyang pandinig. Isa-isa niyang binasa ang laman, ang simpleng resume, ang listahan ng mga trabaho, ang malinaw na tala ng ipon, ang mabibigat na responsibilidad na pasan ng isang babaeng walang inaasahang sasalo. Habang umuusad ang kanyang mga mata sa bawat linya, unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa papel. Napansin niyang bumilis ang t***k ng kanyang dibdib, tila may humahabol na damdaming ayaw pa niyang pangalanan. Hindi ito engrandeng kwento. Walang marangyang detalye. Ngunit sa bawat salitang binabasa niya, may kung anong kumikirot, parang isang di-inaasahang suntok na diretso sa dibdib. Hindi niya alam kung kailan siya huminto sa pagbabasa. Hindi rin niya alam kung bakit naroon pa rin ang folder sa kanyang mga kamay. Ang alam lang niya, may biglang bumigat sa kanyang dibdib, isang bigat na hindi niya maipaliwanag, at mas lalong hindi niya matakasan. Isang babaeng marunong lumaban nang tahimik, handang magsakripisyo. At isang babaeng hindi nararapat masira. At doon, sa gitna ng madilim niyang mundo, gumawa si Matthew Guardian ng isang desisyong magbabago sa lahat. Hindi niya hahayaang masira si Marian. Kahit pa ang kapalit ay ang muling pagbukas ng isang pusong matagal na niyang ikinandado. Ang pangalan ni Matthew Guardian ay kilala sa dilim. Ngunit para kay Marian Ariza ito ay kabaliktaran, isa pa lamang itong simula ng kanyang pakikipag kaibigan. ------------------------------ Sa kabilang dulo ng lungsod, may dalawang taong hindi mapakali. Si Gilbert Magsimuno ay naglalakad pabalik-balik sa maliit na condo, pawis na pawis kahit malamig ang gabi. Hawak niya ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang screen... walang bagong mensahe. Wala na galing kay Marian, at mas lalong wala mula kay Maurene. “Dapat hindi ganito,” bulong niya sa sarili. “Dapat tapos na.” Ayon sa kanyang kinikilos ngayon. Siya ay isang duwag na takot matalo ng kalaban. Ngunit dahil sa hindi niya pagsipot sa sariling araw ng kanyang kasal, na dapat natapos kaninang hapon, tila hinahabol na siya ng kanyang konsensya ngayon. "Pasensya ka na Marian.." nasabi niya habang nakatingin sa bintana. Dinaramdam ang malakas na pagbugso ng ulan, habang nai-imagine niya kung gaano kalaskas ang pagiyak ni Marian sa simbahan. Batid niyang durog na durog ang puso ni Marian ngayon. Ngunit ang konsensya ay may sariling boses... at mas malakas ito kaysa sa katahimikan. Samantala, si Maurene Guardian, ang pinsan ni Matthew ay nakaupo sa harap ng salamin, nakatingin sa sarili niyang repleksyon. Maganda. Elegante. Ngunit sa likod ng ngiti ay may kaba. Alam niya ang pangalan ng pinsan niya. Alam niya ang kaya nitong gawin. At alam niya, kung malaman nito ang buong katotohanang ginawa niya, walang lugar sa mundo na may sapat na layo, para hindi siya makita ni Matthew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD