Dahil sa kagustuhang makaiwas sa dalaga ay nagpasya siyang matulog na lang sa ibang kwarto. Alam niyang naroon pa si Marian at baka kapag nakita siya nito ay hindi pa rin ito tumigil sa pang-aakit sa kanya. Alam niyang nasaktan ito sa ginawa niyang pagtanggi ngunit mas higit siyang masasaktan kapag nawala sa kanya si Jamie kapag nalaman ng dalaga na may ginawa siyang hindi maganda lalo pa at pursigido siyang ligawan ito. Nakuha na niya ang tiwala ng dalaga. At yun ang hindi niya hahayaang mawala dahil sa isang gabing pagkakamali. Nagpasya siyang tawagan muna ang dalaga bago matulog sa pagbabakasakaling gising pa ito at hindi nga siya nabigo dahil agad din itong sinagot ni Jamie. "Yes, Haphap?" malambing na sagot ng dalaga. "Hahahaha! Is that you Nene?" biro niya. "Hahaha, guess who?"

