Mas lalo pang nagkubli ang dalawa ng makitang hinahalughog na ng buong paligid ang mga tauhan ni Tirso. Buti na lang at nasa pinakamadilim silang sulok at hindi sila masyadong mapapansin dahil sumiksik sila sa malalagong halaman. "Jamie," mahinang bulong ni Luke. "Why?" "Nakikita mo ba yung direksyon na 'yon?" anito sabay turo sa gawing kanan niya. "Oo, bakit?" "Pwede kang tumakbo diyan at ilang saglit lang kalsada na 'yan Diyan din nakapark ang motor ko. Makikita mo yun agad lalo at galing ka dito..." pabulong na wika nito sa kanya. Sa sobrang lapit ni Luke ay damang dama ng dalaga ang mainit nitong hininga na tumatama sa punong tenga niya at kung may paraan lang para lumayo sa kanya ang binata ay pinalayo na niya ito sa kanya. "Ayoko, 'di kita iiwanan dito." "Jamie, makinig ka.

