Palihim na sinusulyapan ni Luke si Tirso mula sa kotse nito. Kita niya ang pagsalansan nito ng mga papeles na may mga larawan ni Jamie at maingat na inilagay sa attache case nito. Ng masiguro na nakasara na ng maayos ay maingat itong inilapag sa upuan at sumandal sa upuan at pumikit. Sa tingin niya ay iidlip ito pansamantala. Tiyempo na lang ang kailangan ng binata at makukuha niya iyon, kailangan niyang masiguradong mapapasakamay niya iyon dahil yun ang mga ebidensyang makakasira sa dalaga. "Makukuha rin kita, at maitatakas ko na rin si Jamie dito..." aniya sabay hakbang pabalik kay Jamie para mabantayan ito at masiguradong hindi ito gagalawin ng iba pang mga tauhan ni Tirso. "Mga pare, gusto ni'yo ba uminom? Sagot ko na." nakangiting aya ni Luke sa mga kasama pagkapasok niya sa loob.

