Ilang oras ng nakakaalis sina Bossing ay nananatili pa ring nakasalampak si Luke sa sahig habang hinahayaan ang pag agos ng malapot na dugo mula sa mga sugat niya. Masakit ang buong katawan niya ngunit mas masakit sa kanya ang isiping mapapahamak si Jamie dahil sa paghihiganti ng mga amo niya. Hindi niya hahayaan na mapahamak si Jamie dahil gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ang dalaga laban sa mga banta sa buhay nito. Dahil sa pag aalala niya kay Jamie ay biglang sumagi sa isip niya ang dating nobyang si Asuncion. Naalala niya pa ang labis nitong kaligayahan ng makapasok bilang private nurse ni Mr. De dios sa tulong niya. Palibhasa ay malaki ang tiwala niya sa mga ito kaya panatag siya na naroon ang dalaga. Ngunit hindi nagtagal ang dating masiyahing Asuncion ay biglang nagbago a

