Mabigat uli ang katawan ni Crissa pagkagising nya kinaumagahan. Pakiramdam nya ay sumabak sya sa gymnastic. Napahikab sya habang inuunat ang mga paang nadadaganan ng kanyang tabi. Mahigpit parin ang yakap nito sa kanya at halos nadadaganan sya ng kalahati ng katawan nito. Ingat na ingat nya ito hinarap. Medyo nakatingala sya dito. Inabot nya ang magulo nitong buhok. Wala man lang syang nakapang pagsisisi sa dibdib na isinuko nya ang sarili dito. Bagkus ay lalo lumalamin ang pagmamahal na kanyang nararamdaman. "Tsk! Bakit ang gwapo mo parin." Bulong nya habang ikinakabisa ang itsura nito. Mula sa guhit nito sa noo pababa sa medyo may kakapalang kilay nito. Sa pilik mata na daig pa yata ang sa kanya dahil natural na nakacurve at medyo may kahabaan ang mga iyon: Ang kinis ng kutis nito. P

