Mabigat ang katawan ni Crissa pagkagising nya kinaumagahan at parang umiikot ang kanyang pakiramdam. Pinikit nya uli ang mata para matanggal ang kanyang pagkahilo. Palagi nyang nararamdaman iyon pero iniisip nalang nya na baka dahil kulang lang sya sa tulog. Nang bahagyan ng guminhawa ang kanyang pakiramdam ay bumangon na sya. Kinuha nya ang towel sa kanyang sabitan at tinungo ang banyo. Minadali nyang maligo dahil baka malate sya sa una nyang trabaho. Nang magpapahid na sya ng lotion sa may hita nya ay may nakita syang malaking pasa doon. Napakunot sya dahil wala syang matandaan na bumangga iyon o nasaktan man lang. Nagkibit balikat nalang sya. Nadatnan nya sa baba ang kanyang lola at ang kanyang ama na nakabihis din. "May lakad ka Pa?" Tanong nya saka humalik sa pisngi nito. Gan

