Ngayong araw ay field trip namin sa school. May mga historical place, museum, at theme park kaming pupuntahan. Suot namin ang P.E uniform namin, school I.D at may baon kaming pack lunch.
Unang pinuntahan namin ang historical place sa Intramuros sa Maynila.
Matapos ang matagal naming pananatili rito bumalik kami sa bus para sa susunod naming distinasyon ang museum. Dito rin sa Maynila iyon.
First time ko lang nakapasok ng museum at marami akong kamangha-manghang bagay na nakita. Syempre kumuha kami ng maraming picture para remembrance.
Bumalik kami sa bus para sa huling distinasyon namin ang theme park sa Laguna. Isa sa pangarap ko noon ang makapunta sa isang theme park. Sabik na sabik kami ni Ashley.
Habang nasa loob ng bus na pangtatluhan hindi ko maiwasang hindi ma-excite. Nasa dulo ako katabi ng bintana, katabi ko si Ashley at katabi niya si Theo.
"Excited ka talaga, Mouse!"
"Oo naman, Ashley. First time ko kasi 'to!" natutuwang sabi ko. "Ano kayang unang rides ang sasakyan ko."
"Gusto kong sumakay sa Ferris Wheel at sa Carrousel!"
"Ako rin! Ipang huli natin ang dalawang iyon!" tugon ko kay Ashley.
Ang saya namin ni Ashley, okay lang na maingay sa loob ng bus. Pero, ang tahimik ni Theo mukhang hindi niya gusto ang mga ganitong lakad.
"Hindi ka ba excited, Theo?" usisa ko.
"Huh? Bakit naman ako ma-e-excite, ano 'ko bata?"
Grabe! Ang sungit niya. "Alam mo kaya ka tumatanda ng maaga kasi ayaw mong magsaya! Bakit bata lang ba ang pwedeng maglaro? Try mo kaya maging masaya minsan!"
Biglang napangisi si Ashley. "Alam mo kasi Mouse, may bad experience si Theo sa mga theme park. One time kasi no'ng pumunta kami roon, bigla siyang nawala. Iyak siya nang iyak tapos…"
"Tapos?"
"Hoy! Ashley subukan mong sabihin!" Tinaasan ng kilay ni Theo ang kakambal niya. Pinipigilan niya itong ituloy ang sasabihin. Pero, hindi nagpatinag si Ashley.
"Tapos, napaihi siya sa short sa sobrang iyak!"
Humagalpak ako sa katatawa sa narinig kong kuwento ni Ashley. Kaya naman pala hindi siya excited sa pagpunta namin sa theme park, may bad memory pala siya. Halos tumulo ang luha ko sa sobrang katatawa na parang wala nang bukas.
"Tsk! Baliw! Bata pa ako noon, noh." Naka-crossed arm na inisnab kami ni Theo.
Hanggang makarating kami sa theme park hindi pa rin nawawala ang kiliti sa tiyan ko. Nakapila kami nang pumasok sa loob. Manghang-mangha ang mga mata ko.
"Wow!" Parang akong nasa magical world. Ang ganda!
"Tara, Mouse! Sumakay na tayo para makarami tayo ng rides!" sigaw ni Ashley.
Hinawakan niya ang kamay ko saka pinasunod sa kanya. Mabilis namang sumunod sa amin si Theo.
Pumila kami sa roller coaster, hindi naman ito nakakatakot tulad sa ibang napapanuod ko na matataas at nakakalula sa haba. Ayos lang masaya rito!
"Wooohhh!!!"
Ang saya namin! Nakakatuwa!
Pagkatapos sumubok naman si Theo sa mga games. May nakita akong malaking teddy bear na kulay brown. Ang cute!
"Ako gusto ko 'yung, bunny!" Turo ni Ashley.
Sumubok si Theo sa shooting. Napanganga na lang kami dahil sa husay niya. Isang bunny at isang teddy bear ang naging prize niya sa dalawang magkasunod na beses niyang paglalaro.
"Hindi ko akalaing magaling ka pala rito, ah!" papuri ko sa kanya.
"Hmmp! Natural na kakayahan!"
"Wow! Yabang!" tukso ko.
Mayamaya nang papunta kami sa susunod na rides. Isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Natigil ako sandali, hinanap ang tinig na parang may kinakausap. Nang malingon ako sa tabi namin, may tindahan ng pagkain. Lumapit ako saka tinitigan ang isa sa tindera ng food cart.
"M-Moli?" paniniguro ko.
Nang magtama ang aming mga mata, kuminang ang paligid biglang lumukso ang puso ko sa sobrang tuwa.
"Mouse!" Lumabas siya at hinarap ako. Nagyakapan kaming dalawa.
"Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita!" pangungumusta ni Moli.
"Ayos na ayos lang ako! Ikaw? Teka, ano'ng ginagawa mo rito? Bakit wala ka sa bahay-ampuanan?" maraming tanong ko.
Bago niya sagutin ang mga katanungan ko nagpaalam muna siya sa kasamahan niya. May dalawa siyang kasama na mas bata sa kanya.
Nagpunta kami sa food court matapos siyang payagan ng isang matandang babae na kasama nila. Sa tingin ko isang pamilya sila na namamasyal dito sa theme park. Ibinahagi namin ang dala naming pagkain para sa tanghalian.
"Salamat sa pagkain, Mouse."
"Walang anuman," sagot ko sa pasasalamat niya. "Siya nga pala sina, Theo at Ashley. Kambal silang apo ni Mrs. Lewis, iyong matandang umampon sa akin."
"H-hi! Kinagagalak ko kayong makilala, Moli nga pala." Nakipagkamay si Moli sa dalawa.
"Ashley."
"Timotheo, tawagin mo na lang akong Theo," pakilala nila.
Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Moli kay Theo. May pamumula sa pisngi niya at para siyang hindi mapakali?
"Siya nga pala sa tanong mo kanina, Mouse. Umalis na ako sa bahay-ampunan. May umampon sa akin na mag-asawang matanda at walang anak. Kailangan nila ng makakatulong sa tindahan nila kaya umampon sila at ako nga ang inampon nila. Ang matandang nakita mo kanina ang matandang babaeng umampon sa akin. Kasama namin ang mga pamangkin nila sa kapatid ni Inang. Mabait naman sila at maayos ang turing sa akin."
"Gano'n pala ang nangyari…"
"Oo, nauna akong ampunin kay Lily. Naiwan siya sa ampunan pero ang balita namin may aampon din sa kanya na mayamang pamilya. Ang balak ko ay bumalik sa ampunan nabalitaan ko kasi na si Miss Mercedes ay aalis na sa bahay-ampunan. Hindi pa lang namin alam kung kailan, gusto ko sana maging tagapamahala ng ampunan para sa mga bata."
"Wow! Talaga?"
Nang marinig koi yon mula kay Moli, naalala ko ang sinabi ko noon na babalik ako sa ampunan para sa mga bata at sa mga bagong bata na mapupunta roon. Hindi ko alam na ganoon din pala ang nasaisip ni Moli. Pareho kaming may malasakit para sa mga kapwa namin ulila.
"Mouse, kapag bumalik ako sa ampunan sana…kasunod no'n ay ang pagbabalik mo para turuan ang mga bata!" Isang matamis na ngiti ang ginawa ni Moli. Kahit kailan hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin ang tumatayong parang ina sa mga batang mas bata sa amin.
"Wala naman daw problema sa kanila kung ano'ng gusto kong gawin sa buhay ko ang importante maalagaan ko ang dalawang matanda habang sila ay nabubuhay pa. Napamahal na sila sa akin kaya sila ang prioridad ko ngayon."
"Napakabait mo talaga, Moli."
Biglang nahiya si Moli sa papuri ko sa kanya. Pero, totoo mabait talaga siyang babae.
"Ikaw? Mukhang maayos na maayos ang kalagayan mo. Talagang nakapag-aral ka na ngayon sa tunay na paaralan tulad ng pangarap mo noon. Palagi mong sinasabi sa amin ng mga bata iyan."
"Oo! Utang ko ang lahat sa lola nilang dalawa. Tulad mo, mababait din silang lahat sa akin."
"Mabuti naman, Mouse."
Biglang lumapit sa akin si Moli saka bumulong, "Uhm…boyfriend mo ba 'yang si Theo?" bigla niyang tanong.
"Ha?!" na kinagulat ko. "H-hindi, noh!" tanggi ko pa.
Bigla siyang natawa na may pang-aasar. Pasimple siyang tumingin kay Theo. Pakiramdam ko may something sa mga tingin niyang iyon. Hindi kaya may crush 'tong si Moli kay Theo? Sabagay cute naman talaga kasi itong si Theo. Sikat siya sa school at maraming admirer.
Matapos namin kumain sinama namin si Moli sandali. Nakipag saya siya at nakisama sa mga rides na sinakyan namin. Huling sinakyan namin ang Ferris wheel. Dahan-dahan kaming umaangat. Tanaw na tanaw namin ang magandang tanawin. Malapit nang lumubog ang araw kaya hindi na rin maiinit at presko ang hangin dito. Bukas kasi itong bagon ng Ferris wheel.
"Masaya ako at nagkita tayong muli, Mouse." Nakangiti sa akin si Moli.
"Ako rin, Moli. Heto, kunin mo." Ibinigay ko sa kanya ang numero ng telepono sa dormitoryo para pwede kaming mag-usap kahit kailan namin gusto.
Matapos ang rides naming iyon tinawag na si Moli ng umampon sa kanya. Bago tuluyang magpaalam kinausap ni Moli si Theo nang silang dalawa lang. Mga ilang sandali rin silang nag-usap hanggang sa tuluyan nang magpaalam sa amin si Moli.
Bumalik kami sa loob ng bus kung saan naroon na rin ang iba pa naming mga kaklase. Habang nakaupo at bumibeyahe kami pauwi hindi ko naiwasang magtanong kay Theo.
"Ano'ng pinag-usapan n'yo kanina? Mukhang seryoso kasi kayo," tanong ko.
"Ah, wala naman may itinanong lang siya na sinagot ko."
"Ano naman 'yon? Ba't ayaw mong sabihin?" pagpupumilit ko.
"Basta!" pasungit niya sagot sabay isnab. Pumikit siya at nagkunwaring tulog. Pero, napansin ko ang pisngi niya…namumula ito?
Biglang natawa nang bahagya si Ashley. Parang may alam siya na hindi ko alam. Ano naman kaya iyon?
"Gusto mong malaman kung ano'ng tinanong ni Moli?"
"Ha? May itinanong ba siya? Ano 'yon?" usisa ko.
"Tsismosa!" hirit ni Theo.
Sabi ko na nagkukunwari lang siyang tulog.
Pagkauwi namin dumeretso ako sa dormitoryo at sina Ashley at Theo sa mansyon. Pagkapasok ko saktong tinawag ako ng head supervisor ng dormitoryo. May tawag daw para sa akin. Pagkasagot ko nagulat ako.
"Moli?" Ang bilis niyang tumawag kanina lang magkasama lang kami.
Matagal din kaming nag-usap. Nang sumenyas ang head supervisor na time is up na. Nagsabi na ako na kailangan ko nang ibaba ang telepono.
"Ah, Mouse…good luck sa inyo ni Theo!" bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
"Ha? Good luck?"
Matapos no'n bigla siyang natawa saka ibinaba ang telepono. Bakit siya nag 'good luck' sa amin ni Theo? Hmmm…?