The Lost Pendant

1744 Words
NAPAG-UTUSAN kaming dalawa ni Theo na bumili sa mall ng bagong balabal ni Mrs. Lewis. Inutusan ng matanda si Theo dahil mas gusto ng matanda ang kulay na pinipili ni Theo sa kanya. Dahil may sakit ngayon si Ashley kaya ako ang isinama ni Theo sa pagpunta sa mall. Sinadya niya akong puntahan sa dormitoryo kaninang umaga tapos sinundo niya ako. Pero, hindi kami nagsasakyan. Commute lang kaming dalawa ni Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep sa labas ng subdivision napansin ni Theo na suot ko ngayon ang heart shaped pendant na memento sa akin no'ng sanggol pa lang ako. Kasama ng pendant na ito ang isang sulat na hindi ko pa rin binabasa hanggang ngayon. "Ba't suot mo 'yan ngayon? 'Di ba importante 'yan?" nag-aalalang sabi niya. "Ayos lang naman, iingatan ko naman para hindi mawala," sagot ko. Nang makarating kami sa sakayan may nag-aabang doon na jeep. Nakapila nang maayos ang mga tao habang naghihintay ng pagkakataong makasakay sila. Pumila na rin kami para makaabot sa susunod na jeep. Habang naghihintay sa pila may isang lalaki ang palingon-lingon sa magkabilang gilid niya. Napansin ko kaagad si Theo, inakbayan niya ako saka tumingin nang seryoso. Nag-iba bigla ang pakiramdam ko. Naging alerto ang katawan ko sa paligid naming dalawa. Hanggang sa dumating ang isa pang jeep at sumakay kami. Kasunod namin ang kahinahinalang lalaki, naupo siya sa bandang dulo habang kami sa likod ng driver. Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe dahil na rin sa trapik nakarating din kami sa mall. Bumaba 'yong lalaki pati ang ibang pasahero. Akala namin okay na kasi hindi na namin siya nakita matapos niyang bumaba. Naglalakad kami ngayon papunta sa main entrance ng mall. Nauna si Theo, kasunod ako sa likod niya. Mayamaya naramdaman ko na lang na may bumangga sa akin na matangkad na lalaki. Napatingala ako dahil matangkad siya, mag-so-sorry sana ako nang bigla kong makita ang nakakatakot niyang mga mata sabay takbo nang mabilis. Nilapitan ako kaagad ni Theo, niyugyog niya ako dahil napatulala na lamang ako sa nangyari. "Mouse! Mouse! Okay ka lang ba?" Nanginig ang kalamanan ko. "T-Theo…" Napahawak ako sa dibdib ko nang makapa ko na wala na ang suot kong kuwintas na heart shaped pendant. "Theo…ang pendant ko…" nanghihina kong sabi kay Theo. Tumakbo siya at sinubukang hanapin ang matangkad na lalaki pero, bigo siya. Maraming tao sa paligid at malaki itong lugar. Bumalik si Theo, hinawakan niya ang kamay ko saka kinausap ang isa sa guard ng mall. Ine-report namin kaagad ang pangyayari. May malapit na pulis station sa kabilang kanto. Pinayuhan kami na magpunta roon at magsagawa ng pormal na reklamo. *** Nakapag-report na kami sa mga pulis at gagawa raw sila ng imbistigasyon sa kaso namin. May CCTV ang mall at nakuha rito ang eksena ng pagbangga sa akin ng lalaki. Sa ngayon wala pa kaming ibang mapapala dahil ipapakalat pa nila ang detalye sa pulis na hahawak ng imbistigasyon. Sa ngayon, napagpasyahan namin ni Theo na kumain muna dahil hinanghina talaga ako sa nangyari. Napakahalaga ng pendant na iyon. Iyon ang susi sa muli naming pagkikita ng tunay kong mga magulang. Hay! "Kumain ka na, kailangan mo ng lakas," mahinahong paalala ni Theo. "Salamat…" Sinunod ko naman siya para hindi na madagdagan pa ang alalahanin niya. Hindi ko malasahan ang kinakain ko dahil sa pag-aalala sa pendant ko na baka hindi ko na mabawi. Pinilit ko pa ring ubusin ang in-order naming pagkain. Pumasok muna kami sa mall at bumili ng pakay namin. Ayaw naman naming umuwi na walang dala na pinapabili ni Mrs. Lewis. Hindi rin kami nagtagal sa mall, wala kaming ganang tumingin-tingin pa ng ibang bagay. Naglakad kami nang naglakad, tumitingin-tingin sa bawat madaraanan naming iskinita. Nang makarating kami sa lugar na bakante. Madamo ang bakanteng lote na 'to, sa gilid may maliit na tulay na nagdurugtong sa kabilang panig. Mukhang may mga nakatira roon na mga tao. Nang makita ko ang isang lalaki, kahinahinala ang kilos. Nakaharap siya sa pader ng tulay bandang ibaba. Nang makita ko ang lalaki ito rin ang lalaki kanina bago kami sumakay. "Theo, tingnan mo. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'yan?" Sinilip namin ni Theo ang kahinahinalang lalaki nang makita namin ang isang kumikinang na bagay. "Ah!!! Ang pendant ko!!!" bigla kong sigaw. Narinig ng lalaki ang malakas kong boses saka tumakbo siya palayo sa amin. Mabilis naman ang naging kilos ni Theo. Tumakbo siya at hinabol ang lalaki. Ang bilis tumakbo ni Theo, sinunggaban niya ang lalaki mula sa likod. Nakipag-agawan siya sa lalaki, hawak nito ang pendant ko. Tumakbo rin ako papunta sa kinaroroonan nila. Sa gilid ng maruming ilog sila nag-agawan. Inindayan ng suntok ng lalaki si Theo sa mukha. Natumba si Theo, muling tumakbo ang lalaki. Agaran namang tumayo si Theo saka hinabol ulit ang lalaki hanggang sa makapitan niya ito sa laylayan ng damit sa likod. Hinatak ni Theo ang lalaki at natumba ito sa lupa. Mabilis na kinuha ni Theo ang pendant ko sa kamay ng lalaki. Nang tumayo ang lalaki saka inilabas ang maliit na pocket knife mula sa bulsa niya. Sinugod ng lalaki si Theo, mabuti na lang at magaling umiwas si Theo. "Theo, mag-iingat ka!!!" nag-aalala kong sigaw. "Diyan ka lang!!!" sigaw niya pabalik. Hindi ko alam ang gagawin ko, dapat na akong humingi ng tulong. Nang makita ko ang sasakyan ng pulis na nakaparada 'di kalayuan bigla akong tumakbo. Nabaling ang tingin sa akin ni Theo, nakita ko kung paano siya indayan ng saksak ng lalaki. Nakaiwas si Theo pero, nadaplisan ang laman niya sa baywang. Bumahid ang dugo sa kanang tagiliran ni Theo, natigil ako bigla sa gagawin kong pagpunta sa pulis. Napaluhod si Theo sa tinamo niyang hiwa. Nakaabang ang muling pagsaksak ng lalaki sa kanya nang bigla akong sumigaw. "Tulong!!! Tulungan n'yo kami!!!" Nakuha ko ang atensyon ng lalaking sasaksak kay Theo. Kitang-kita ko ang dahan-dahan niyang paglakad papunta sa kinatatayuan ko. "M-Mouse, t-tumakbo kana…" Narinig ko pa ang nanghihinang tinig ni Theo. Paatras akong humakbang, humakbang nang humakbang. Nang bigla akong makarinig ng warning shot mula sa gilid namin. "Ibaba mo 'yan at itaas mo ang mga kamay mo!" Nagliwanag ang paningin ko nang makita ko ang pulis na may hawak na b***l. Alam kong siya ang nagpaputok ng warning shot kanina. Kasama niya ang isa pang pulis. Lumapit ang isa sa akin at sinigurong ayos lang ako. Dumating ang dalawa pang pulis at mabilis na tinanggalan ng armas ang lalaki. Pinosasan nila ito saka isinakay sa loob ng sasakyan nila. "Ayos ka lang ba?" "O-opo!" Matapos no'n mabilis kong nilapitan si Theo. "Sir, kailangan po niyang magamot!" Pasalamat kami at hindi malubha ang tinamo ni Theo. Daplis lang iyon pero humiwa pa rin sa balat niya. Hindi naman gano'n kalala. Binigyan siya ng first aid ng pulis. Isinama rin kami sa presinto para tanungin ng ilang bagay. Sa pulis station, napag-alaman nilang kami rin ang nag-file ng robbery kaninang tanghali lang. Dahil iba ang ibinigay kong hitsura ng lalaking nakabangga sa akin at nagnakaw ng pendant ko, ibang tao naman itong napagkuhanan namin ng ninakaw sa akin. Sa pag-amin ng magnanakaw napag-alaman namin na magkasabwat pala sila. No'ng una pa lang minamatyagan na ako ng lalaking kahinahinala sa sakayan ng jeep. Tapos, ninakawan na nga ako ng matangkad na lalaki. Napunta ang pendant ko sa lalaking inaresto nila ngayon dahil nagka onsehan daw ang dalawang ito. Nagkatrayduran kaya ganito ang kinalabasan. Tumawag na rin ako kina Mrs. Lewis para masundo kami ni Theo. Matapos ang mahabang tanungan kaagad din kaming umalis sa presinto. Mayamaya pa'y dumating na rin ang sasakyan sakay si Mister Finn. Siya na ang nagsundo sa amin matapos niyang mabalitaan ang nangyari. "Mouse! Theo! Ayos lang ba kayo?" agad na tanong ni Mister Finn. "Okay lang po ako Mister Finn, si Theo…" "Huwag kang mag-alala, daplis lang 'to!" "Anong daplis? Hali na kayo, idadaan natin 'yan sa doktor para masuri nang maayos!" Hindi na nakatanggi pa si Theo sa nag-aalalang uncle niya. Iyon nga ang nagyari, pina-checkup muna namin ang sugat ni Theo para masigurong walang anumang pinasala ang natamo niya. Pwede kasing matetano siya kung may kalawang pala ang kutsilyong ginamit sa kanya. Mabuti na ang sigurado. *** Nakapagpahinga na rin kami ni Theo sa mahabang araw namin sa lansangan. Bago ako umuwi siniguro ko munang maayos ang lagay ni Theo. Dumeretso na rin ako sa dormitoryo pagkatapos no'n. Pagkauwi ko nagbihis ako at nahiga sa malambot kong kama. Narinig ko ang mabilis na yabag ng sapatos papalapit sa pinto ng kuwarto ko. "Mouse! Mouse!" tawag na katok ni Mrs. Drew. Pinagbuksan ko siya ng pinto saka pintuloy sa loob. "Mrs. Drew!" "Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa inyo ni Theo!" mabilis niyang litanya. Niyakap ako ni Mrs. Drew, damang-dama ko ang init ng yakap niya. Nang gabing iyon ikinuwento ko ang buong pangyayari para alam ni Mrs. Drew ang nangyari sa amin. Kita ko ang magkahalong takot sa mga mata niya habang nagkukwento ako. Matapos ang kuwentuhan namin dumating ang head supervisor ng dormitoryo. May bisita raw ako sa ibaba naghihintay sa lobby. Nagpaalam ako kay Mrs. Drew saka bumaba papunta sa lobby. Nakita ko si Theo na nakaupo sa waiting area. "Theo? Ano'ng ginagawa mo rito?" "May nakalimutan kasi akong ibigay sa 'yo kanina." Inilabas niya ang pendant ko, kinuha ang kamay ko saka ipinatong sa palad ko ito. Hindi ko maipaliwanag kung ano'ng mayroon sa gabing ito na parang…parang mahiwaga? Gumuhit sa mga ugat ko ang kakaibang kuryente na parang nagpapakilig sa akin. Sobrang init… "N-namumula ka?" nahihiyang bulong ni Theo. Bigla siyang nag-blush, saka tinakpan ang mukha gamit ang likod ng kamay niya. A-ang cute! Sumagi sa isip ko kung gaano ako kaswerte na may isang Theo na palaging nariyan tuwing kailangan ko ng tulong. Nang makita ko ang pisngi ni Theo, parang gusto ko siyang bigyan ng isang…ha-halik… "M-malalim na ang gabi, s-sige…ibinalik ko lang talaga 'yan." Matapos magpaalam lumabas siya ng pinto. Hindi ko maintindihan kusang kumilos ang mga paa ko't sinundan ko siya sa labas. "Theo!!!" tawag ko na kanyang ikinalingon. "Salamat!" Kusang humalik ang labi ko sa malambot at makinis niyang pisngi. Hindi ko alam kung bakit? Basta bigla ko na lang ginawa. "S-sira! B-ba't mo ginawa 'yon!!!" gulantang ni Theo sa halik na ginawa ko. "Ano ka ba, pasasalamat 'yon! Walang ibang—" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya saka…saka siya humalik dito. K-kung wala ang kamay niyang tumatakip sa labi ko siguradong… "Sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon! Hindi mo lang alam kung gaano ako nag…" pinutol niya ang sasabihin niya saka ibinaba ang kamay na tumatakip sa bibig ko. Wala akong naisagot, hindi ako nakaimik. Para akong tuod na nanigas sa ginawa niya. Iba 'yon, as in iba! Tumalikod siya sabay walkout. Naiwan akong nakatayo at pinamamasdan ang likod ni Theo. Nagkalad siya nang naglakad pauwi sa mansyon. Bigla akong napahawak sa aking dibdib…a-ang lakas ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD