Foundation Day part - 2

1672 Words
SUMAPIT ang unang araw ng foundation day. "KAYA mo 'yan! kapag naramdaman mo ang kaba, tumingin ka lang sa harapan mo at naroon ako pinapanuod ka," Ito ang mga katagang tumatak sa isip ko bago mag-umpisa ang musical play namin. Pinalakas ni Mister Finn ang loob ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Nasa harapang silya sina Mister Finn, Mrs. Lewis at Miss Mendez. Unang araw ng foundation day, lahat kami kinakabahan sa magiging performance ngayon sa musical play namin. Pinatay na ang ilaw sa loob ng basketball gym nakasara ang telon ng entablado, nakahanda na ang sound system at props. Nagpalakpakan ang mga manunuod, nag-play ang intro, bumukas ang spot light at nagsimula na ang palabas. Maganda at maayos ang takbo ng mga eksena, malinis ang deliberation ng mga linya. Naka lip-sync kami sa pagkanta tuloy-tuloy ang galaw namin, mabibilis kumilos ang lahat. Nakikita namin sa mga manunuod na nag-eenjoy sila sa performance namin. Hanggang sa… Dumating ang isa sa highlight ng play, ang sayaw at pagkanta naming dalawa ni Theo. Hala! Bigla akong kinabahan nangangatog ang tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko. Mula sa backstage sumilip ako sa audience hinanap ko si Mister Finn, nang makita ko siya napahawak ako sa aking dibdib. Hay! Lalo pa yatang nakadagdag ng kaba ang makita ang presensiya niya sa harap. Isinara ang telon at mabilis inayos ng mga kaklase ko ang background. Bababa ako mula sa hagdan at aabangan ako ni Theo na gumaganap bilang si Beast saka tutugtog ang musika at kakanta kami habang sumasayaw. Hindi tuloy ako mapalagay kakaisip na baka maapakan ko na naman ang paa niya. "Hoy! Halatang kabado ka!" Bigla akong nilapitan ni Theo. "Mouse, relax ka lang kasama mo naman si Theo, sundan mo lang ang pag-lead niya," paalala ni Ashley. Tumango ako bilang tugon huminga muna ako nang malalim saka ibinuga ang hangin palabas. Hinawakan ni Theo ang kamay ko at nagtungo kami sa stage para pumwesto at ihanda ang sarili sa susunod na eksena. Bago ako umakyat mula sa ginawa naming props na hagdan, hinawakan ako ni Theo sa magkabilang balikat saka niya inilapit ang mukha niya sa tainga ko. Napaigtad ako sa gulat pero, hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa magkabilang balikat ko. "T-Theo?" "Wala kang ibang titingnan kundi ako, sa akin mo lang ituon ang mga mata mo at sa 'yo ko lang din itutuon ang mga mata ko." "A-ano?" Ramdam kong umangat sa mukha ko ang init na siyang nagpamula sa magkabilang pisngi ko. "Siya nga pala, bagay sa 'yo ang suot mo." "H-hoy! T-tumigil ka na nga!" Bigla ko tuloy siyang tinulak palayo sa 'kin. Nanigas ako na parang bato nang ngisian niya ako. May kasamang panunukso ang mga ngisi niyang iyon. Hanggang sa pumunta na siya sa kanyang pwesto at ako naman padabog na umakyat nang hagdan. Bakit kasi ngayon pa niya sinabi ang mga bagay na iyon? Hay! Pakiramdam ko ang init ng mukha ko, baka makita nila ang nagbu-blush kong mukha nakakahiya! Bumukas ang telon, tumugtog ang intro hudyat na lalabas ako at sisilip muna sa ibaba saka bababa habang nag-aantay si Beast sa bulwagan ng palasyo. Rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao. Dahan-dahan akong bumaba at nang magharapan na kaming dalawa, nagbigay galang ang gentle man na si Beast at inabot ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko iyon at nagsimula na akong kumanta habang nagsasayaw sa gitna ng bulawagan. Pagkatapos kong kantahin ang linya ko si Theo naman ang kumanta ng linya niya. Hindi ko magawang tumingin sa harap kung nasaan si Mister Finn, tuwing kumukuha ako ng tyempo para silipin si Mister Finn, hinahatak niya ako at iniiba ng dereksyon namin. Nawiwindang na tuloy ang mga paa ko kung saan dapat pumunta. "Hoy! Nahihilo na ako kakaikot-ikot mo sa akin," bulong ko habang kumakanta siya. Nakatitig lang siya at abot tenga ang ngisi. "Bleh! Sabi ko sa 'yo sa akin ka lang tumgin," bulong niya na may kasamang pambebelat. "I-ikaw!" Nakakainis na talaga ang lalaking ito humanda talaga siya sa akin pagkatapos nito! Hanggang sa magsabay kaming dalawa sa pagkanta hindi pa rin nawawala ang nakangisi niyang mukha sa harap ko. Nagtayuan ang mga manunuod at malakas na nagpalakpakan. Sa wakas nakita ko rin si Mister Finn, ang laki nang ngiti niya napapatango siya habang nakatitig sa akin, ramdam kong ipinapaabot niya na proud na proud siya sa performance ko. Hanggang sa sumara ang telon at bumalik kami sa backstage at nag-ayos para sa susunod na eksena. *** NAKAHINGA kaming lahat nang maluwag nang matapos ang musical play, maganda ang ipinakita namin at talagang pinaghirapan namin itong lahat. Bukas at sa isang araw libre na kami para manuod at magsaya sa iba pang happenings dito sa foundation day. Masaya naming nililigpit ang kalat namin at inaayos ang basketball gym habang nag-aayos kami biglang lumapit sina Mrs. Lewis, Miss Mendez at Mister Finn. Binati nila kami dahil sadyang mahuhusay kami sa ginawa naming play. Napagod nang husto ni Mrs. Lewis kaya inalalayan siya ni Miss Mendez patungo sa kotse habang nagpaiwan sandali si Mister Finn, tinulungan niya kami sa pag-aayos. "Mr. Finn, kami na po'ng bahala rito." Bitbit ko sa magkabilang kamay ang props na ginamit namin sa stage kanina. "Teka, tulungan na kita d'yan, Mouse." Nag-atubili siyang kunin iyon sa mga kamay ko at siya ang nagbuhat upang itabi ito. Sinundan ko siya at nagpasalamat sa ginawa niya. Tumulong na rin siyang mag-ayos ng mga upuan na ginamit ng mga manunuod kanina. Naririnig ko ang mga kaklase kong nagkakantiyawan, ang bait daw ni Mister Finn at napaka-gentle man. Lumapit si Theo. "Hoy, tulungan mo nga akong ibalik ito sa storage room!" Bitbit ang iba pang materyales na ginamit namin kanina. "Tutulungan ko na kayo." Lumapit si Mister Finn at aktong kukunin ang pinapadala ni Theo. "Hindi na Uncle, kami nang bahala rito ni Mouse." Naiwan si Mister Finn kasama nina Ashley. Habang naglalakad kami ni Theo, bitbit ang mga gamit tahimik lang siya at mabilis kung maglakad parang walang kasama. "Hoy! Maghintay ka naman, ang bilis mo kaya!" sigaw ko mula sa likuran niya. "Pagong ka ba? Ang bagal mo kasing kumilos!" pilosopo niyang sagot. Hindi talaga matino kausap itong taong ito! Mabuti pa hindi ko na lang siya kakausapin lagi naman niya akong binabara sa mga sagot niyang nakakaewan. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng storage room pinihit niya ito saka binuksan paloob. Pumasok kami at tumambad sa harap namin ang mga lumang gamit. May mga lumang upuan, kahoy at iba pang gamit sa pagkukumpuni. May dalawang lumang kabinet sa magkabilang sulok walang laman at inaalikabukan na. "Itabi mo na lang diyan 'yang mga pintura sa gilid, ilalagay ko itong mga kahoy doon," utos ni Theo. "Okay." Agad ko naman siyang sinunod. Matapos kong itabi ang mga pintura napansin ko ang isang lumang aklat na nakapatong sa lumang kabinet. Lumapit ako rito nang hindi namamalayang may nakaipit pa lang kahoy sa kabinet natisod ako rito at bilang na-out of balance. Nasagi ko ang kabinet nang madait ang katawan ko rito. Napansin ko na lamang na gumewang bigla ang kabinet at matutumba ito sa katawan ko. Napasigaw na lamang ako nang malakas! "M-Mouse!" Narinig kong tinawag ni Theo ang pangalan ko. Napapikit na lamang ako nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng kabinet. Namalayan ko na lang na nakahiga na ako sa sahig ligtas ako pero si Theo, nakapatong siya sa katawan ko at hindi makakilos. "Theo? Theo? Ayos ka lang ba? Hoy, sumagot ka! Theo!" nag-aalala ko siyang tinawag nang paulit-ulit. "Tsk, ayos lang ako, huwag kang mag-alala! Ugh!" "Theo!!!" Napaigtad siya sa sakit habang nakadagan sa katawan ko. Pilit kong inalis ko ang sarili ko mula sa pagkakailalim. "Theo, ang paa mo!" sigaw ko nang makita ang naipit niyang paa. "Sinabi nang ayos lang ako!" "T-Theo, sandali lang—tatawag ako ng tulong!" Pinilit kong ialis ang sarili ko sa pagkakaipit, kaagad akong lumabas ng pinto at nagsisigaw sa hallway. Narinig kong may tao sa labas sumigaw ako nang sumigaw hanggat marinig nila ako. Mga kaklase ko ang dumating nang makita nila ang sitwasiyon ni Theo kaagad silang humingi ng tulong sa mas nakakatanda. Dumating ang mga teacher at si Mister Finn. Nagtulong-tulong sila upang maiangat ang kabinet. Si Mister Finn naman ang bumuhat kay Theo at kaagad namin siyang dinala sa clinic. Mabilis namang nagamot ang galos niya sa paa mabuti na lang daw at hindi malubha ang tima niya at hindi nagdulot ng fracture sa paa. "Grabe! Alalang-alala kami nina Ashley sa 'yo, Theo." Nakaupo ako sa tabi ni Theo, habang nakasandal siya sa sandalan. "Okay na ako, 'wag kayong OA!" masungit niyang sagot sa akin. "Nasaan sina Uncle?" sabay hanap kina Mister Finn. "Umalis kasama sina Ashley at Mrs. Lewis, babalik land daw sila mamaya." Sandali akong tumahimik, lumapit pa ako nang husto halos magkalapit na ang mga braso namin. "S-salamat nga pala!" nahihiya kong bulong. "Ano? hindi ko narinig." "Ang sabi ko—salamat, bingi!" pasigaw kong sabi sa kanya. Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya para marinig niya. Isang malagkit na titig ang isinukli niya sa akin. Ililihis ko sana ang tingin ko nang bigla niya akong hawakan sa balikat. Hindi ako nakakilos, para akong bloke ng yelo sa paninigas. Dahan-dahan niyang inilapit pa ang mukha niya—kinakabahan ako! Ang lakas ng t***k ng puso ko. A-ano bang balak niyang gawin at ganyan siya makatingin sa akin? Napapikit na lamang ako nang biglang— "Aw! Ano 'yon?" Naramdaman kong pinitik niya ako sa noo. "Ba't nakapikit ka? Umaasa ka bang may gagawin ako?" sarkastiko niyang sabi sa harap ko. "Baliw! Tse!" Tumayo ako at humarap sa pinto. Nang lingunin ko si Theo, biglang nag-spark ang paligid. Sa unang pagkakataon nakita ko siyang tumawa nang malakas. Bumilis ang t***k ng puso ko para akong kinikiliti sa loob dahil ngayon ko pa lang siya nakitang tumawa. Sa tinagal ng pagsasama namin sa mansyon, ngayon ko palang nakitang tumawa na parang wala nang bukas. Ngayon ko lang napansin na…ang cute pala niyang talaga. T-teka? Sinabi ko bang cute siya? "Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin?" "W-wala!" sungit kong sagot. Sandali siyang naging seryoso saka nagsalita, "Sana…ako na lang." "Ha? A-ano'ng ibig mong sabihin?" "Wala!" Bigla niyang itinakip ang kumot sa buong katawan niya at ulo. "Manhid ka talaga! Umalis ka nga!" Hay! Ang g**o talaga ng lalaking 'to. Bahala na nga siya sa buhay niya! Hindi ko talaga siya ma-gets.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD