Wrong Confession

1694 Words
NGAYONG araw isinama kami ni Mrs. Lewis sa malawak nilang hacienda dito sa Quezon province. Marami silang alagang hayop may taniman ng samut-saring gulay at prutas. May malawak silang pastulan ng baka, kambing at may mga kabayo pa silang alaga. May malaking bahay na sinauna ang desensyo, mukhang panahon pa ng mga kastila iyon itinayo roon. Mala mansyon sa laki at maraming itong kuwarto. Ang sabi ni Mister Finn, dito raw nakatira ang katiwala nilang mag-asawa. Parehong matanda na at walang naging anak ang nangangalaga nitong hacienda. Sina Manang Leti at Manong Gusting na pawang nasa edad singkwenta anyos na. "Magandang umaga po!" bati ko kay Manang Leti. Naghahanda siya ng agahan sa kusina. "Magandang umaga naman, hija." Tinulungan ko siya sa ginagawa niya para mapabilis ang paghahanda ng almusal. Dumating si Ashley at tumulong na rin sa ginagawa namin. "Hindi ko kaagad na mukhaan si Miss Ashley, dalagang-dalaga na po kayo." "Si Manang Leti naman, Ashley na lang po." Kinuha ni Ashley ang hawak ni Manang Leti na plato at siya na ang nagdala sa mesa. "Matagal na rin po akong hindi nakakapunta rito, na-miss ko po ang hacienda." "Naalala ko tuloy kayo ng kakambal mong si Theo, ako pa noon ang nag-aalaga sa inyo kapag nagbabakasyon kayo rito." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Manang Leti. "Parang kailan lang naghahabulan pa kayo sa damuhan at sumasakay sa kabayo sa pastulan." Mukhang maraming masasayang alaala ang kambal dito sa hacienda. Hindi ko naman maipagkakailang napakaganda talaga rito. Kahit ako nasasabik na rin sa mga gagawin namin sa malawak nilang taniman. *** NAGSIMULA kaming maglibot sa paligid, hindi ko maiwasang mamangha sa dami ng ginagawa nila rito sa hacienda tulad ng: paggagatas sa mga baka, pagtapapakain sa mga kabayo, pagtatanim ng mga gulat at iba pang gawain dito. Nag-enjoy naman ako dahil first time ko sa ganitong lugar. "Kumusta ang experience mo rito sa farm, Mouse?" tanong ni Mrs. Lewis habang nakatingin sa aking pamimitas ng mga kamatis. "Masaya po! First time ko lang pong ma-experience ang ganito. Salamat po at isinama n'yo po ako, Mrs. Lewis." "Ha-ha-ha! Mabuti naman at masaya ka rito!" Maaliwalas ang mukha ng matanda nang ngitian niya ako. Ramdam ko ang saya ni Mrs. Lewis, siguradong mahalaga ang lugar na ito para sa kanya. Sino ba namang hindi mamahalin ang napapreskong probinsyang ito. Matapos kong mamitas ng mga kamatis inutusan ako ni Mrs. Lewis na dalhin ang mga pinitas ko sa bodega ng mga gulay kung saan inaayos ang  mga ito. Hindi iyon kalayuan dito sa taniman, binuhat ko ang isang basket ng mga kamatis saka naglakad patungo roon. Nang maramdaman kong may bumuhat nito sa tabi ko. "Ako nang magdadala n'yan," sambit ni Mister Finn. "S-salamat po, Mister Finn." Kinuha niya ang basket saka binitbit ito hanggang makarating kami sa bodega. Doon marahan naming ibinuhos ang mga kamatis sa iba pang mga kamatis. Ang daming iba't ibang klase ng gulay, ibebenta nila iyon sa mga suki nilang tendera na silang nagtitinda sa mga palengke. Matapos ang mahabang oras sa pagtulong sa taniman, inanyayahan kami ni Mister Finn na magmeryenda sa maliit na bahay-kubo sa maberdeng pastulan ng mga hayop. Ang sariwa ng hangin dito, madamo ang paligid tamang-tama para sa sariwang pagkain ng mga kambing, baka at kalabaw. Kasama ko ang kambal na Theo at Ashley, mukhang sanay na sanay na rin sila sa ganitong paanyaya ng uncle nila. "Tuwing pumupunta kami rito hindi pwedeng hindi kami magmemeryenda sa maliit na bahay-kubong ito," kuwento ni Ashley. "Mahilig si Uncle sa mga hayop, magaling nga siyang mangabayo." Itinuro ni Ashley ang puting kabayong nakatali sa ilalim ng malaking puno ng mangga 'di kalayuan. "Kay Uncle ang kabayong 'yon, pinapaalagaan niya kay Manong Gusting," sabi pa ni Ashley. "Mouse!" tawag ni Mister Finn. Nagulat ako nang hawakan ni Mister Finn ang kamay ko't niyaya niya akong lumabas sandali ng kubo. "Saan po tayo pupunta, Mister Finn?" atubili kong tanong. "Isasakay kita sa kabayo!" Sabay lingon niya sa 'kin nang nakangiti. Kinarga ako ni Mister Finn saka isinakay sa kabayo. Tinanggal niya ito sa pagkakatali pagkatapos sumakay siya sa likod ko't pinakbo niya ang kabayo. Dahan-dahan lang ang takbo ng puting kabayo pero ang puso ko kay bilis ng t***k. Nakadikit ang katawan ko sa dibdib ni Mister Finn, naaamoy ko ang pabango niyang napakabango. Hanggang sa bumilis nang bumilis ang takbo ng kabayo, napayakap tuloy ako nang mahigpit sa bewang niya. "Ayos ka lang ba, Mouse?" "O-opo! Ang sarap po palang sumakay sa kabayo!" sambit ko. Pero, ang totoo mas masaya ito dahil siya ang kasama ko. Nag-bu-blush tuloy ako. Para kaming prinsesa at prinsipeng nakasakay sa kabayo at tumatakas sa evil witch sa isang kuwento. Kinikilig ako, pakiramdam ko ayaw ko nang matapos ang mga sandaling ito. Nang ihinto ni Mister Finn ang pagpapatakbo niya sa kabayo, bumaba siya saka inalalayan akong bumaba rito. Nakahawak siya sa magkabilang baywang ko nang bigla akong matisod at sumbsob sa dibdib niya. "Oh—ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mister Finn. Para akong na-magnet sa dibdib niya na ayaw ko nang kumalas sa pagkakasubsob ko rito. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ni Mister Finn. Hay! "Uncle! Kumain po tayo!" tawag ni Theo. Bumalik kami sa kubo at doon nagpahinga. Pinauna na kaming kuamin ni Mister Finn, nagtungo muna siya sa labas para itali ulit ang kabayo sa puno. "Mukhang masaya ka, Mouse." Si Ashley. "Huh? Halata ba?" "Namumula ka, e." tukso pa niya. "Tsk!" sungit ni Theo. "Uy… may nagseselos," asar ni Ashley sa kakambal niya na hindi ko ma-gets. Bakit siya magseselos? Wala naman siyang dapat ikaselos, ah. ***  NAGING masaya ang buong araw namin, syempre lalo na ako. Umuwi kami sa malaking bahay at doon nagpahinga. Makailang saglit lang ng biglang dumilim ang kalangitan at nagsimula nang umulan. Kanina lang maaliwalas ang panahon tapos ngayon, biglang umulan naman. "Mukhang magdamag ang malakas na ulan," sambit ni Ashley na nakadungaw sa bintana. "Oo nga, may bagyo kaya?" napatanong ako nang lingonin ko si Ashley. Nagkibit-balikat lang siya. Nang muli kong ibinaling ang tingin sa bintana napansin ko si Mister Finn na nagmamadaling tumakbo sa ulanan at pinuntahan ang kuwadra ng mga kabayo 'di kalayuan dito sa bahay. Nagpaalam ako kay Ashley saka lumabas ng pinto't sinundan ko si Mister Finn. Nang makarating ako sa kuwadra, basang-basa ang katawan at damit ko sa ulan bigla akong napayakap sa sarili dahil sa lamig. "M-Mouse? A-ano'ng ginagawa mo rito? Ba't lumusob ka sa ulanan?" Mabilis na hinubad ni Mister Finn ang mahaba niyang coat at inilatag ito sa balikat ko upang hindi ako ginawin. "S-sorry po, Mister Finn. Nakita ko po kasi kayo kaya sinundan ko po kayo," rason ko sa kanya't napailing na lamang si Mister Finn, sabay yakap sa akin nang mahigpit. Ang init ng mga yakap niya, ang sarap sa pakiramdam… Dumating si Kuya Robert, isa sa katiwala na nag-aalaga sa mga kabayo. Ngayon ko nalaman na manganganak na pala ang isa sa mga inaalagaang kabayo nila Mister Finn. Nanatili ako sa kuwadra hanggang sa makita ko ang bagong silang na kabayo. Kulay brown ito tulad sa kanyang nanay, bigla akong nakaramdam pagkamangha para sa kanila. "Wow ang cute niya!" Narinig kong tumawa si Mister Finn, ngayon pa lang kasi ako nakakita ng kabayong nanganak sa harapan ko pa mismo. Malalim na ang gabi sinabihan na akong umuwi ni Mister Finn para makapagbihis na rin ng damit. Tumila na ang ulan nang lumabas ako sa kuwadra, naglakad ako pabalik sa bahay nang bigla akong makarinig ng kung anong tinig sa madilim na parte ng paligid, malapit ito sa mahalaman at mapunong lugar. Dahan-dahan ko itong inusisa, nang mapansin ko ang isang butil ng liwanag sa loob na parang pinapasunod ako nito. Mga alitaptap? Natulala ako sa sobrang pagtataka hanggang sa hindi ko na namalayang nakapasok na pala ako sa loob ng mahalaman at mapunong lugar. Para itong masukal na gubat, nakakatakot. Nang gustuhin ko nang bumalik, hindi ko na magawa dahil sa sobrang dilim. Hindi ko na makita ang munting liwanag na sinusundan ko kanina. Takot na takot ako hindi ako kumilos sa kinalalagyan ko, sumigaw ako nang sumigaw subalit parang walang nakakarinig sa akin. Nilalamig na ang katawan ko, ginugutom na rin ako't parang lalagnatin. Naalala ko ang araw na nagpunta kami sa party nina Ms. Rosalinda, ganito rin ang nangyari sa akin. Hay! Palagi na lang akong napapahamak sa katangahan ko. Mister Finn, tulungan n'yo po ako! Ilang sandali pa ang nakalipas… "Mouse?" "Mister Finn?" Lumukso ang puso ko nang makarinig ako ng tinig lalaki, si Mister Finn kaagad ang pumasok sa isip ko. Dahil sa madilim, hindi ko makita ang mukha niya habang papalapit siya sa akin, ang bilis ng t***k ng puso ko na parang gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. "Mister Finn, alam ko pong mahahanap n'yo rin po ako! Hindi ako nagkamali, alam ko pong ililigtas n'yo 'ko!" Nang makita kong malapit na siya sa akin, agad ko siyang sinunggaban ng yakap. Tuwang-tuwa ang puso ko sa sobrang saya. "Mister Finn, takot na takot po talaga ako! Salamat po talaga!" Sandaling inalis ko ang sarili ko sa pagkakayakap sa kanya. Tahimik lang siya't hindi nagsasalita kaya kinuha ko na ang pagkakataon para ipagtapat sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Tama, ang masarap at kakaibang pakiramdam kapagkasama ko siya. "Mister Finn, sa tingin ko po…may pagtingin po ako sa inyo!" nahihiya kong pagtatapat. "Palagi po kasi kayong nariyan para sa akin. Masaya po ako tuwing kasama ko po kayo…gusto ko po talaga kayo—" Nang makarinig ako ng ingay mula sa likod niya. Biglang lumiwanag ang paligid namin dahil sa lamparang nakatutok sa amin na dala ni… "Mouse! Theo! Ayos lang ba kayo?" sigaw ni Mister Finn? "T-Theo?" Nanlaki ang mata ko, halos gusto ko nang tumiklop sa sobrang hiya nang makita ko harap-harapan ang mukha ni Theo. Nakatitig sa mga mata ko. Napalihis ako bigla ng tingin sa ibang dereksyon, gusto ko nang bumiyak ang lupa't lamunin ako nito sa sobrang kahihiyan. Tumalikod si Theo, saka hinawakan ang kamay ko bago tuluyang maglakad lumingon siya't binigyan ako ng seryosong tingin. "Huwag kang mag-alala wala akong narinig," aniya. Ang tanga mo talaga, Mouse! Nakakainis! Nagtapat ako sa maling tao? At kay Theo pa mismo! Pero, bakit gano'n ang lamig ng presensya ni Theo. Ang lungkot ng paligid naming dalawa at ang kamay niya, napakalamig? Naglakad kami patungo sa kinatatayuan nina Mister Finn. Alalang-alala silang lahat sa akin. Nalaman kong si Theo ang unang nakapansin na nawawala ako at siya rin ang unang tumakbo sa loob ng gubat para hanapin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD