bc

Waiting For You

book_age16+
15
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
sweet
straight
highschool
office/work place
love at the first sight
office lady
engineer
classmates
like
intro-logo
Blurb

Si Kalen ay nangako sa kanyang sarili na kahit kailan ay hindi makikipagrelasyon at walang interes sa mga babae pero nagbago ang lahat ng kanyang pananaw ng makuha ni Gabriela ang atensyon niya, isang babae na kilala bilang isang masunurin na anak

Ngunit ang masunuring anak ay naglaho ng suwayin niya ang utos ng kanyang magulang para kay Kalen

chap-preview
Free preview
At the waiting shed
At exacly five in the morning my phone started to make a noise to wake me up. Bumangon na ako at nagsimulang maligo, 7:30 pa naman ang start ng class ko kaso sa bagal kong kumilos ay malamang malalate ako kaya naman napagdesisyunan kong maaga kumilos at mag ayos Isang jeep lamang ang layo ng aking eskwelahan at nasa kanto namin ang sakayan nito at tumatagal lamang ang byahe ng 45 mins at 15 mins sa paghihintay, pakikipag-unahan, at pagpila Gaya ko ay maraming tao ang naghihintay upang makarating sa kanilang paroroonan dahil nagsisimula rin ang araw nila ng alasyete ng umaga 6:45 ng makarating ako sa kanto namin at hindi pa ganoon kahaba ang pila ng mga naghihintay. Habang naghihintay ay nagsuot ako ng earphones at nakinig ng mga paborito kong kanta Maya maya lamang ay nagvibrate ang cellphone ko at nakita ko ang message sa akin ni mama Mama Reply ka kaagad kung nasa skul kana 6:50 am Sineen ko lamang ito dahil magrereply lamang ako kapag nasa school na ako. Malapit na ako makasakay ng jeep pero bigla akong nakaramdam na parang may tumutusok sa aking pwetan Dali dali akong lumingon upang tignan iyon, ang kahabaan pala ng gitara na bitbit ng lalaki ang tumutusok sa akin, hindi ito napapansin ng lalaki dahil busy siya sa pagtitipa sa kanyang selpon Matangkad ang lalaki at nakahoodie na puti at naka face mask kaya kalahati lamang ng mukha ang nakikita. Makapal ang kanyang mga kilay at mahaba ang pilik mata hindi sya maputi at moreno lamang Medyo nangalay rin ang leeg ko dahil mas matangkad siya sa akin. Ang suot niyang pang ibaba ang nagkumpirma sa akin na sa iisang eskwelahan lang kame pumapasok Nang makita na hindi naman nya ito sinasadya ay hindi ko na lamang pinansin at sumakay ng jeep ngunit hindi umabot ang lalaki dahil ako na ang huling pumasok. Nakatingin lamang ako sa kanya habang paalis ang jeep at laking gulat ko ng tumingin rin sya sa akin pabalik Kinalimutan ko na lamang ang nangyari at ang lalaki, bumaba na ako ng jeep at inihanda ang aking bag dahil chinecheck ito ng mga gwardya, ngunit ang katotohanan ay isang silip at tusok lamang ang ginagawa nila Sa dami ng lalagyan ko sa bag isang lagayan lamang ang nachecheck nila, such a waste of time. Nang matapos ang checkchekan ng gwardya ay dumiretso na ako sa aming building at umakyat sa aking klase Pangatlong palapag ang classroom ko at halos mag iisang linggo na ng magsimula ang klase. Sumilip ako sa classroom namin at nakitang iilan palamang ang naroon. Pumasok na ako at umupo sa aking upuan Dahil nga maaga pa lang at iilan pa lamang kami ay tahimik ang classroom at tanging ingay mula sa bulok na aircon lamang ang naririnig ko. Isang malaking scam na insahan kong malamig ang classroom pagpasok ko Nagreply na ako kay mama na nasa classroom na ako. Maya maya lamang ay pumasok na ang unang guro namin ngunit wala pa rin yung gaga kong kaibigan, malamang ay late nanaman iyon "Okay class sitdown, say "sir" when I call your name, dahil kahit naman sabihin kong "present" ang sabihin ay nauuwi rin naman sa sir" Natawa ang lahat dahil tama naman talaga si sir. Maya maya lamang ay may nagpadulas ng bag sa sahig na tumama sa aking paa, kilala at alam ko kung kaninong bag yon, nilagay ko ito sa upuan na ang mga kaibigan lang namin ang nakakakita "Suarez, Ainah?" Ani ni sir Lahat lumingon ng bumukas ang pinto at niluwa neto ang magaling kong kaibigan "Sir andito po ako! Nag CR lamang" pagsisinungaling ni Ainah. Tumango lamang si sir at nang nakatalikod na ito ay nakangisi itong pumunta sa kanyang upuan "Ainah liar ka talaga" ngising bulong ko sa kanya "Ate ko kase si Ayma liar gorl" sagot niya pa Natapos ang dalawang subject at vacant time na namin dahil may susunod na klase na gagamit sa aming silid kaya kailangan naming lisanin iyon "Tara na sa canteen nagugutom na ang inyong reyna" pagaanunsyo ni Airah na ikinalingon naming tatlo kong kaibigan "Hahahaha hay nako Ai tigilan mo nga kami at ang aga aga baka masapak kita" sagot ni JC kaibigan naming bakla "Oh talaga? Halikan kita dyan e" lalong pang aasar ni Ai kay JC "Eew mangilabot ka nga, at mukhang hindi ka pa nga nagsisipilyo grabe ambaho Ai" pag iinarte pa ni JC "Atlis hindi ko pinangsisipilyo ang tit.." "Shut up b***h" pagbabanta ni JC kay Ai Humalakhak naman si Ainah dahil alam niyang nagtagumpay sya sa kanila ni JC. Sanay na ako dyan sa ganyan ugali ni Ainah dahil kaibigan ko na sya noong high school pa lang at hanggang ngayong senior high Nasanay na rin ako sa ganyang asaran nilang dalawa ni JC. Nagtungo na lamang kami sa canteen at humanap ng pwesto para sa amin. Dalawang palapag ang canteen namin at sa taas kami pumwesto dahil puno na sa ibaba Sa di kalayuan ay natanaw ko ang lalaking nasa likuran ko sa waiting shed kanina, nakikilala ko ang hoodie niyang puti kahit na sya ay nakatalikod sa akin. May kasama siyang dalawa pang lalaki na may mga itsura rin "Shet! Shet! Shet! Hala andyan lang sina fafa Wren sa kalayuan" paghihisterikal naman ni JC "Yaaak laway mo nga bakla" pagrereklamo sa kanya ni Ai Inirapan lamang sya ni JC at nakatingin pa ren doon sa tatlong lalaki na tinitignan ko na ren kanina pa. "Ano may ipapasabay ba kayo?" Tanong ni Ai dahil bibili sila ni JC ng pagkain sa baba "Nope, may baon ako Ai" sagot sa kanya ni Chi Tumango lamang si Ai dahil alam naman niyang may baon ako. "So Gab? Anong club ang napupusuan mong salihan?" Tanong bigla sa akin ni Chi Required sa lahat ng senior high na sumali sa ibat ibang clubs dito sa school at hindi ko pa napag iisipan iyon. "Ikaw ba?" Tanong ko rin sa kanya "Dance club ang binabalak kong salihan" sagot nya at nagpatuloy ng kumain Nang matapos na kami kumain ay saka lamang dumating ang dalawa na halos nakabusangot ang mukha at alam naman namin ang dahilan non, kung hindi nasingitan ay mahaba ang pila sa baba "Grabee talaga sinisingot ko ang parehas na hangin na sinisingot nila fafa Wren" pagsingot singot pa ni JC "Shabu ata nasingot mong haliparot ka Hahahaha" Pagsagot naman ni Ai sa kanya Inirapan lamang ito ni JC, marami pa kaming natitirang oras kaya napagdesisyunan namin na isipin na lang kung saang club namin balak sumali

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
39.5K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.9K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
818.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.0K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
58.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook