Across the street

1121 Words
Natapos na ang vacant time namin ngunit nagpaalam ako kina Ai na pupunta muna ako sa Cr at mauna na lang muna sila sa classroom balak pa sana ako samahan ni Chi pero tinanggihan ko na lang din dahil saglit lang naman ako Kakalabas ko lang ng Cr at napansin ko ang lalaking lumabas din sa kabilang Cr, sya yung lalaking nasa sakayan ng jeep pero wala na syang hoodie ngayon at naka face mask pa rin Kitang kita ko kung gaano kaganda ang katawan niya, bagay na bagay sa kanya ang aming uniporme. Puting polo ito na may dalawang guhit na kulay asul sa balikat at black slacks Napatagal yata ang pagtitig ko sa kanya dahil kita ko kung paano nagsalubong ang kanyang mga kilay at nakakunot ang noo na nakaharap sa akin Nanlaki ang mata ko ng magtama ang mata namin at dali dali ako tumalikod at naglakad na lamang pabalik sa classroom pero nararamdaman ko naman sya na nakasunod sa akin Humarap ako sa kanya dahilan para tumigil sya sa paglalakad, nakakunot muli ang kanyang noo na parang tinatanong ako kung anong binabalak ko "Uhm.. excuse me? Sinusundan mo ba ako?" Lakas loob na tanong ko sa kanya Hindi sya sumagot pero nawala ang pagkakunot ng noo nya at dahan dahan syang lumapit sa akin. Pero para akong natuod dahil hindi man lang ako umaatras at parang hindi ako makagalaw "A..anong ginaga..wa mo?" " U..uma..tras k-ka nga!" Pakshet nauutal na ako dahil sobrang lapit niya na talaga sa akin, amoy na amoy ko ang nakakaadik niyang pabango at parang gusto ko na nga idikit ang ilong ko sa damit niya shet Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko dahil sa sobrang kaba.... Shet! Hahalikan nya ba ako? Virgin pa ho yung lips ko hindi po ako marunong humalik jusq! Pano ba yung may pasok ng dila? Shet! Di pa ako nakakapagtoothbrush Nakikipagtitigan pa rin ako sa kanya at nararamdaman ko na nanghihina narin ang tuhod ko, pinikit ko na lamang ang aking mata at hinintay ang mangyayari pero isang tunog ng pagbukas lamang ng pintuan ang narinig ko Pagmulat ko ng aking mata ay wala na sya sa aking harapan at pumasok sa katapat na classroom namin. Grabeng kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon kaya dali dali na lamang ako pumasok sa classroom namin "Oh anyare sayo? Bat namumula ang pisngi mo?" Pag aalala ni Ai sakin "Ah.. wala napakapal lang siguro ng blush on" pagsisinungaling ko kay Ai "Tanginang blush on yan! Popokpok kaba sa gabi?" Natatawang asar pa sa akin ni Ai "Onga pala Gab, nag-aaya sina Lou mag milktea after class, ano G ka?" Pagtatanong sakin ni Ai Tinanguan ko lamang si Ai dahil hanggang ngayon ay di pa ren mawala sa isip ko ang kahihiyan na nangyare kanina at kung paano ako pinag assume ng lalaking iyon Mabilis lang na natapos ang klase at maagang nagpaalam sina JC at Chi dahil may mga dadaanan at pupuntahan pa raw sila. Samanatalang kami naman ni Ai ay papunta na sa milktea shop na sinabi nila Lou Malapit lang ang milktea shop na iyon sa school namin kaya nilakad na lamang namin iyon. Halos hindi na mapigilan ni Ai ang kakatawa dahil sa aming binabasa Milktea Gang "Tangina napaka creative ng may ari ng shop na ito" natatawang sabi ni Ai Pumasok na lang kami at nakita namin sa isang table si Lou. Sa parehong school rin namin pumapasok si Lou pero HUMSS kase ang strand niya at ABM naman kami ni Ainah "MaLouwaaaaaang" sigaw ni Ai kay Lou pagkakita niya kay Lou "Ainahngina ka talaga" pagbabawi naman sa kanya ni Lou "Okay Im safe" natatawang sabi ko pa Bumeso ako kay Lou at ganoon rin si Ai. Lima kaming magkakaibigan since high school at kaming tatlo lamang ang nasa iisang school habang yung dalawa ay nasa kabilang school dahil mas malapit sa kanila iyon "Ano? Pupunta raw ba sina Denise at Sandra?" Tanong ni Ai kay Lou "Oo nagchat sila sakin, otw na raw" sagot naman ni Lou Hindi muna kami umorder at hinintay pa namin ang dalawa naming mga kaibigan. 1 week palang naman nung nagsimula ang school kaya hindi pa ganon kastress at puro requirements palang ang nagaganap "Halaaaaa! Aymisyu guys huhu" bungad samin ni Denise at pagkatapos ay nagbeso beso na sya sa amin Tinanguan lamang kami ni Sandra dahil hindi niya hilig ang mga physical touch at masyadong pambabaeng galaw. Kabaliktaran naman siya ni Denise na parang bata at napaka kulit "Hanep! Ang sexy natin MISS Sandra ah hahaha witwiw" pang aasar sa kanya ni Ai na sinusuri pa siya mula ulo hanggang paa At ngayon ko lamang napansin ang uniporme nila. Naka slit skirt sila na pula at polo na hanggang siko at may ribbon pa sa gitna tinernuhan pa ng 2 inch na heels. Matangkad si Sandra kaya naman ay bagay na bagay at makikitang maikli talaga sa kanya ang skirt niya "Tangina mo!" Sinamaan siya ng tingin ni Sandra at inirapan na lang ito "Omg guysss lets order naaaa. Im so thirsty na ugh!" Paghahaplos niya pa sa lalamunan niya Nang dumating ang mga order ay nagsimula na sila kumuha ng pictures and selfies "Pupusta ako ng limandaan kung nalate ngayong araw si Ainah Hahahaha" pagmamayabang pa ni Lou "No doubt Lou" I said Lahat kami ay natawa habang si Ai naman ay iniirapan lamang kami "Pupusta ako ng limandaan kung may bago nanamang crush si Denise" pangisi niya pang sabi at nakatitig kay Denise Lahat kami ay nag aabang ng sagot mula kay Sandra dahil silang dalawa ang magkasama sa school "Humss" tipid na sagot lamang ni Sandra at humigop na sa kanyang milktea "Hmp! Sandra naman eh bakit mo sinabi?" Pagtatampo pa sa kanya ni Denise habang kami naman ay natatawa sa kanilang dalawa. Monthly ang pagpapalit ng crush ni Denise kaya alam ni Ai na mananalo siya Mag-gagabi na kaya naman napagdesisyunan namin na umuwi na. Magkasabay na uuwi sina Sandra at Denise kaya naman ay hinintay muna namin sila makasakay sa jeep. Susunod na aalis naman ay si Lou at Ai Sumakay na ako ng jeep at nagmessage kay mama na pauwi na ako alam din ni mama na nagkita kita kami nila Lou at nagsend pa ako ng picture para may ebidensya Nang makababa na ako sa waiting shed sa kanto namin ay balak ko pa sana tumawid sa convenience store sa tapat para bumili ng pagkain pero nagulat ako ng makita ko ang lalaki nanamang iyon doon sa loob, prenteng nakaupo, naka face mask habang nagseselpon Laking gulat ko ng tumingin siya sa direksyon ko kaya naman ay dali dali na akong lumiko at umuwi na lamang
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD