See you?

1119 Words
6:50 ng makarating ako dito sa classroom, dadalawa pa lang kami ng kaklase kong babae dito. Maaga ko talaga nilisan ang bahay at maagang sumakay sa jeep para hindi ko makasabay at makita yung lalaking iyon Biglang nag vibrate ang phone ko at nakita ko ang chat sa akin ni Ai na 2nd subject na raw siya papasok at hindi niya naman sinabi ang dahilan "Balita ko mamaya na raw tayo tatanungin para sa club ah?" Sabi naman sa amin ni JC "Hala! Ambilis naman" angal pa nung isa naming kaklase "Oh ano? napag isipan mo na ba ang club mo Gab?" Tanong sa akin ni Chi kaya ay nilingon ako ni JC "Yeah, Im joining the GLEE CLUB" sabi ko sa kanilang dalawa Well, I can play a guitar and I can also sing so I think that is enough for me to join the club. Si Chi at Ainah ay sa DANCE CLUB sasali samantalang si JC naman ay sa FILIPINO CLUB Pagkalabas ni sir ay yun naman ang grand entrance ng magaling kong kaibigan "Wassup mga bobo" sigaw naman ni Ai pagpasok palang ng classroom. Tinawanan at kung anong hiniyaw hiyaw naman sa kanya ng aming mga kaklase "Bida bida ka nanaman!" Sigaw naman sa kanya ni JC "Imong mama bida bida" natatawa niya pang pagsagot kay JC Inirapan na lamang siya ni JC at tumabi na sa akin.Maya maya lamang ay pumasok na ang aming adviser. Inanunsyo niya na kailangan na namin mamili sa mga clubs dito sa aming schools Binigyan niya kami ng feel up form at kailangan checkan ang napupusuan mong club. Nang matapos ay ipinasa na namin iyon sa president "Okeeeh ABM lahat ng club ay may meeting to welcome you as their new members. The meeting will start at 2:30 pm" pag aanunsyo ng aming adviser "Okeeeeeeeeeey serrrrrr" pagsagot ng lahat Vacant time na pero hindi pa kami nagugutom kaya nagdecide kami na pumunta na lang sa library para magpalamig at dahil tahimik doon. Nag log in kami at humanap ng mauupuan. Naglabas naman ng gamit si Chi at ganoon rin kami para kunwari ay nag aaral Si Ainah naman ay nakasuot ng earphone at harap harapang natutulog, si JC naman ay nagseselpon lang at si Chi ay nagbabasa. Nilibot ko ang paningin ko at napansin kong nasa bandang likuran ko pala yung lalaking nakasabay ko sa sakayan ng jeep at nagbabasa Grabe kaya pala pamilyar ang amoy dito sa loob. Nilibang ko na lamang ang sarili ko pero para akong tanga na mayat maya ay nililingon siya. Nagulat ako ng biglang nagtama ang paningin niya sa akin at ngumisi Wala na siyang suot na face mask ngayon kaya mas lalo mong makikita ang pinagpala niyang mukha. Umiwas na lamang ako ng tingin at nagkunwaring hindi siya nakita Nagkunwaring nagseselpon na lamang ako pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na lingunin uli siya pero nang lingunin ko ito ay wala na siya dito kaya ibinalik ko na lamang ang aking tingin sa mesa Nang iangat ko ang aking ulo ay laking gulat ko na nasa katapat na mesa na namin ang lalaki habang diretsong nakatingin at nakangisi sa akin Iyinuko ko na lamang muli ang aking ulo pero sinisilip ko siya sa tuktok ng aking mata habang nakayuko. Napansin ko na may sinusulat siya sa isang notebook habang nakangiti Iniangat ko muli ang ulo ko upang tignan siya habang nagsusulat. Pagtapos magsulat ay tumingin siya uli sakin at ipinakita ang sinulat niya sa notebook Are you looking for me? Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko at nararamdaman kong namumula nanaman ako, balak ko rin sana siya sagutin pero dahan dahan niya itong ibinaba at nilipat sa susunod na page para ipabasa uli ang nakasulat doon See you See you? Nakakunot ang noo ko ng magkatitigan kami at gusto ko sana itanong kung anong ibig sabihin nito pero nginitian niya lang ako at naglakad na paalis Saan naman kami magkikita aber? See you? Nagising na si Ai dahil kanina ko pa ginugulo ang buhok ko dahil nga hindi pa rin mawala sa isipan ko yung mga nabasa ko kanina "Anyare sayo? Hindi ka naman nag aaral bat nangangamote ka dyan?" Tanong sa akin ni Ai Hindi ko siya sinagot at inayos na lang muli ang aking buhok. Tumayo na kami at nag unat unat pa para bumalik na sa classroom. Isang subject lang ang papasukan dahil pagtapos non ay meeting na sa kanya kanyang club ang mangyayari Hanggang makabalik sa classroom ay hindi mawala sa utak ko yung ngiti niya, yung ngiti na ang sarap titigan at hindi ka magsasawa. Yung ngiti niya na parang gusto ko ipagdamot kase makalaglag panty "SANCHEZ, GABRIELA?" Pagsigaw ni maam kaya naman ay nabalik ako sa kondosyon Sa sobrang gulat ay bigla na lang akong napatayo na ikinatingin ng lahat maski ni Ai at natatawa na dahil sa ginawa ko Nakatingin lang sakin si maam at nakakunot ang noo at hinihintay ang sasabihin ko "Present and sorry maam di na po mauulit" pagpapaumanhin ko pa Tanginang ngiti yan pahamak am. Tinanguan lamang ako ni maam at bumalik na sa pagtawag ng pangalan habang si Ai naman ay di mapigilan ang pagpigil ng tawa. Inirapan ko na lang siya at nakinig "Ano te? Bakit kaba kase lutang" tanong ni JC sakin "Oo nga eksena ka sa room kanina at pang limang beses na tawag na iyon ni maam sayo. Ano ba iniisip mo?" Sabi naman ni Chi "Panty" nadulas na sabi ko "HA? ANONG PANTY GABRIELA?MAY PINAGNANASAAN KA NOH?" makahulugang tanong sakin ni Ai "HOY HINDI AH! ANO.. AH INIISIPAN KO KASE BILAN NG PANTY YUNG PAMANGKIN KO" sigaw ko pa sa kanya "HAHAHAHAHAH" tawa ni Ai na parang wala ng bukas "Anong tinatawa tawa mo dyan ha!?" Inis na tanong ko sa kanya "Gaga nakakalimutan mo ata na lalaki ang pamangkin mo HAHAHA PAMANGKIN MY ASS" natatawang sabi sakin ni Ai Natahimik ako sa sinabi ni Ai at napagtanto ko yung pagkakamali ko. Putragis na panty kasi iyan e at lalo na nung lalaking iyon. Hindi ko na lang sya pinansin dahil hanggang ngayon ay tawa pa rin sya ng tawa at nang aasar akong tinitignan "Uhm..btw guys gogora na akes sa club at baka makahanap ako roon ng aking fafa" pagpapaalam samin ni JC at parang kinilig pa "Wala kaming paki" sabi pa sa kanya ni Ai "Hindi kita kausap" sagot naman sa kanya ni JC "Edi waw! Lumayas kana" pagtataboy pa sa kanya ni Ai Nagpaalam na rin sina Chi at Ai na pupunta na rin sa kanilang club. Sumakay na ako sa elavator at aakyat sa 8th floor dahil doon daw magmimeeting ang glee club

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD