Hindi mawala ang ngiti ni Lemon, habang nakatingin sa kanyang singsing na bigay ni Knight. Hindi niya akalain na sa araw na iyon ay tatanungin siya ng kasintahan, para maging asawa. Akala niya noon, pangarap na lang ang makatagpo ng isang lalaking katulad ni Knight. Sa libro at kwentong pambata lang, natutupad ang happily ever after at ang mahirap na babaeng inaapi ay nakakatagpo ng prince charming. Pero ngayon pakiramdam ni Lemon, isa lang siyang tauhan ng isang kwentong pambata. Pakiramdam niya siya si Cinderella, at nakuha ng prinsipe ang kalahati ng glass shoes niya. "I don't expected na ganito pala kasaya na tanggapin mo ang proposal ko. Walang romantic place, walang candle light dinner. Pero tinanggap mo ako, at pumayag kang pakasalan ako." Hindi rin naman maalis ni Knight ang ngit

