Saktong kakatapos lang namin kumain ng tanghalian ng dumating si Ma'am Danna ang assistant ni Papa na pinauna na niyang umuwi dito sa Pilipinas para magasikaso sa akin. May Kasama itong dalawang babae. "Naku Rayne, Nandiyan si Ma'am Danna hinahanap ka may Kasama na dalawang babae." Sabi ni Maria. Napatingin ako dito. Lumabas ako ng kusina. "Hi! Rayne. Pinapunta ako dito ni Papa mo. Sabi niya gusto niya daw Ikaw ang pinaka maganda ngayong gabi sa school niyo kundi matatangal ako sa trabaho." Sabi nito na natatawa. "Kaya naman halika na at ng maayusan ka na ng dalawa na ito." Sabi niya sa akin. "O hayan si Rayne, Gawin niyong pinaka maganda yan kundi hindi ko kayo babayaran. Dahil pag hindi naging maganda yan Wala na akong trabaho kaya wala na akong pambayad sa inyo." Sabi niya sa dal

