Bukas na ang JS namin. Kaya naman nakaayos na ang pagdadausan nito. Masayang masaya na ang mga studyante. Hindi masyadong nagklase ang mga guro dahil busy sila. Nagulat ako ng sikuhin ako ni Claire saka may nginuso sa gilid. Kasalukuyan nasa ilalim kami ng puno sa paborito naming tambayan. Napatingin ako sa tinuro niya. Nagulat ako ng makita si Kenjei. Nakasandal ito sa Isang puno habang nakayuko nasa tabi nito ang mga tauhan niya at si Wade.Nakita ko na may sinabi sa kanya si Wade aktong lilingon siya sa akin ng may tumawag sa kanya. Pagtingin ko nakita ko sila Rubina. Kaya umiwas ako ng tingin baka Kasi makita ako ni Rubina na nakatingin kay Kenjei magalit na naman ito sa akin. Rinig ko ang tawanan nila Rubina. "Kuya sino ang partner mo bukas?" Tanong ni Rubina kay Luther. "Sino pa si

