Paglabas namin ng sinehan kumain muna kami pagkatapos niyaya niya ako sa palaruan. Pinapanood ko siya habang binabaril niya ang mga laruan na tao na nakatayo. Tuwang tuwa ako ng matamaan niya ito lahat. Tinawag niya ako saka pinalapit sa kanya. Pinahawak niya sa akin ang laruang baril Saka tinuruan niya ako kung papano ko tatamaan ang laruan. Na tuwa ako ng matamaan ko ang mga ito. Tawa siya ng tawa sa akin.Nanalo kami ng Isang key chain bumili pa siya ng Isa para tagisa kami.Siya ang pumili ng para sa akin Snopy ang pinili niya para sa akin. sinabit ko sa wallet ko. Garfield naman ang pinili ko para sa kanya na nilagay niya sa mga susi niya. Hapon na ng bumalik kami sa school.Nagpaalam na ako sa kanya. Dumeretso na ako sa parking lot. Sakto naman lumalabas na sila Rubina. Sumakay na ako.

