***RAYNE POV#*** Ilang araw ng hindi ko siya nakikita. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nawala. Kaya Wala ako sa mood. "Hindi man lang siya nagsabi kung saan siya pupunta. Sa bagay sino ba naman ako para magpaalam siya sa akin no." Bulong ko sa isip ko. Naka yuko ako gumagawa kami ng assignment namin kagaya ng dati kasama ko na naman sila sa ilalim ng puno. Ilang araw na siyang wala, kaya wala akong tuturuan. Malungkot ako ng umuwi. Nakatingin ako sa keychain. "Kaya pala Pinasyal mo ako nun yun pala aalis ka hindi ka man lang nagpaalam ang tagal nating magkasama. Kausap pa kita nung Umaga. Wala ka manlang sinabi na aalis ka." Bulong ko sa isip ko. Pagdating ng gabi hawak ko ang Phone ko nagbabakasakali ako na mag massage man lang siya. Pero nakatulog na lang ako. Wala ma

