Chapter 8 *Vanessa* Ang kailangan kong gawin ngayon ay masigurong hindi sila magtagpo ni Papa. Mas mabuting huwag na lang niya ako ihatid. Tama, ‘yon nga. Papaano ba ito kukumbinsihin? Natataranta tuloy ako. Ano na ang gagawin ko? Hindi pwede ito. Tiyak magagalit sa’kin sina Ate at Papa kapag nalaman nila ang mga nangyari kagabi. Vanessa, isip. Mag-isip ka. “Huwag mo na ako alalahanin kasalanan ko rin naman, nagpaubaya ako,” wika ko. Pilit ko siyang kinukumbinsi na huwag na akong ihatid sa’min pero masiyado yatang mahirap kumbinsihin ang taong ito. “Vanessa, bata ka pa. At ako ang matanda sa ating dalawa. Kaya dapat lang na panagutan kita dahil sa pagkakamali ko,” sagot niya. Biglang nagbago ang tono ng boses niya bawat kataga na sinabi niya ay may diin. Pinapamukha ba talaga niya sa

