Chapter 9 *Vanessa* Maya maya pa’y may inabot ang guard mula sa gate doon sa driver, ang bag ko! Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan at inabot sa’kin ang mga gamit ko at agad kong ni-check ang laman. Una kong dinampot ang cellphone ko 10 missed calls from Ate Tina and 5 new messages! Binuksan ko isa-isa ang mga text niya sa akin. “Esang umuwi ako dito sa bahay hindi kita nadatnan.” “Pumasok ka ba ng maaga sa klase mo? Text mo ‘ko kung nasa school ka.” “Tinawagan ko si Lola wala ka daw doon nasa’n ka?” “Pupunta na ako sa hospital dadalhan sina Papa ng pagkain. Nagtira ako ng para sa’yo. Kainin mo ‘yon pag-uwi mo.” Mabasa pa lang ang mga text ni Ate sa’kin ay parang naririnig ko na rin ang boses niya sa personal. May pasok pala ako, nawala na sa isip ko at hinahanap pa ko ni A

