Chapter 12 *Rafael Gomez* Tinawagan ko ang driver ko kung meron pa bang open na mall ng ganitong oras, alas diyes na din pala ng gabi kaya wala na daw bukas na mall. Magpapabili sana ako sa driver ko ng mga damit para makapagpalit na siya. I scan my closet kung may maayos na damit akong maipapahiram sa kaniya. Boxer short lang at t-shirt ang meron ako dito. Pwede na siguro ‘to. Much better than a prostitute outfit. I mean, much decent. Binigay ko sa kaniya ang mga damit at sinabing maligo na siya at magpahinga. Bukas na bukas ay ihahatid ko na siya sa kanila. Pumasok naman siya agad sa kwarto. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng beer sa ref. Sa tingin ko kailangan ko ng pang pakalma dahil kanina pa ko nagpipigil sa kaniya. Hindi ko kasi maiwasang titigan ang labi niya parang nakakaba

