Chapter 13 Vanessa POV Paglabas ko ng pinto nakita ko sina Papa at Rafael na naghihintay. Nandoon na rin ang Mayor. Nakita ko ring medyo naluluha si Papa nang makita niya ako, si Rafael naman ay tulala na nakatunghay sa’kin. Hindi ko alam kung excited ba ‘to o napipilitan, hindi ko mabasa. Basta ang mga mata niya ay hindi inaalis sa’kin. At dahil sa mga titig niyang iyon ay tila naging triple ang dobleng kaba ko kanina. Huminga ako ng malalim para maibsan ang kabang nararamdaman, pero wala namang naitulong. Nakakapaso kasi ang mga mata niyang nakatitig. Hindi niya alintana na may kasama kami dito sa opisina ng mayor. Nagbaga yata bigla ang magkabila kong pisngi nang mailibot ko ang mga mata. Nakatunghay din sa’kin ang sekretarya ng mayor na ngayon ay nakasimangot sa akin. Kung titigan

