Chapter 14 *Vanessa Martinez* Nagising akong mabigat at masakit ang ulo. Nilibot ko ang mga mata at napagtanto kong hindi ito ang kwartong tinutulugan ko. Nakahiga ako ngayon sa isang king size bed at parang ang hirap bumangon. Napahawak ako sa ulo ko dahil talagang mabigat at masakit. Ano bang nangyari kagabi? Ang naaalala ko lang ay nagluluto si Rafael at ininom ko bigla ‘yung nasa lamesa. Ni hindi ko na nakita kung ano’ng laman no’n at alak pala. Nakatulog ako pagkatapos no’n at dito niya ako dinala sa kwarto niya. Hindi ko alam kung papaano niya ako dinala dito at kung ano’ng itsura ko noong binuhat niya ako papunta sa kwartong ‘to. Pero kung iisipin ko pa ‘yon ngayon ay mas lalong sasakit ang ulo ko. Pinilit kong tumayo at may nakita akong note na nasa lamesa. “Eat your breakfast

