Chapter 15 *Vanessa Martinez* Nagulat si Abby sa mga sinabi ko, hindi na ako nagtaka sa naging reaksyon niya. Dahil kahit ako ay hindi rin matanggap kung ano ang kinahinatnan ng paghahanap ko ng trabaho. Sobra talagang bilis ng mga pangyayari at hindi ko namalayan na kasal na ako. “Ano? Kasal ka sa lalaking hindi mo kilala? You mean, hindi mo boyfriend or what?” Hindi makapaniwalang wika niya. Nakakahiya man pero aaminin kong isa ‘yon sa mga katangahan ko. Binigay ko agad ang sarili dahil sa halik niyang iyon. At dahil doon, nagpakasal ako sa hindi ko kilala. Sana pala tumutol ako pero huli na, kasal na kami. Mahirap nang bawiin ang mga desisyon kapag nangyari na. Mahirap nang ituwid ang mga mali kapag sa una pa lang ay maling-mali na. Tama nga ang kasabihan, ang pagsisisi ay palagin

