Prologue
Nag madali akong pumasok sa loob ng bar, hindi ko na napagtuonan ng pansin ang guwardyang hinihingan ako ng identification card at agad na akong nag tungo sa kumpulan ng mga tao.
There, I saw Ace kissing a girl comfortably sitting on his lap.
"Woooh! There he goes!" kantyaw pa ng kumpol ng taong naka palibot sa kanila.
Nakakapanghina.
Hindi ako maka hinga.
Nanlalabo ang aking mga mata.
Gusto kong tumakbo papa layo ngunit mistulang naka semento ang aking mga paa sa sahig, nanlalamig.
"Should we get a room?" pabulong, nang aakit na bulong ng babaeng naka upo sa hita niya.
Tang***
"Hmm" tila lasing na bulong ni Ace, hindi nya pa din pansin ang presensya ko. Mukha namang wala na siyang pakialam kahit makita ko dahil labas na labas na pagtataksil ang ginagawa niya.
Sino ba naman kasing may sabi na gustuhin kita?
Simula pa lang naman ay alam ko na na ganiyan ka, mahilig sa babae.
Siguro ay matagal ka ng nagtitiis sa akin. Dahil ganito lamang ako, walang panama sa mga tipo mo.
Nang maka hugot ng lakas ng loob ay nagawa ko ng tumalikod. Malabo man ang paningin dahil sa luha at sa sadyang madilim na ilaw sa bar na iyon ay nagawa kong maka labas.
"Elizabeth.." nahinto ako sa pag lakad dahil sa mahinang tinig na iyon.
Hindi ko kayang lingunin ka, Alastair. Tang*** ka. Napaka sakit mong mahalin.
Habol hininga na ako sa pag iyak, wala na kong lakas pa para humingi ng paliwanag. Tila ba tinanggap ko na, na dito na tayo magwawakas.
"Ayoko na, Alastair. Tang*** haha. Ang sakit mong mahalin. Nakaka pagod. Nakaka ubos." halos bulong kong saad, ni hindi ko alam kung rinig ba niya pero wala na akong pakialam. "Hayaan mo na ako, hayaan mong mahalin ko naman ang sarili ko."
Ayoko ng makita ka pang muli.