Tears unshed, sweats dripping, unstable breathing. I've been running for so long. Unable to escape from someone whom I seem to be scared of. Tila ba isang masamang panaginip ang pananatili ko rito.
"Elizabeth!" napabalik ako sa ulirat sa sigaw ng katabi kong ngayon ay iwinawagayway na ang kanyang kamay sa mukha ko.
Agad ko iyong pinalis saka naupo ng maayos.
"Baka gusto mong masesante rito, Eli. Ano ba yang iniisip mo't tulala ka na naman? Napapadalas yan ah." tanging buntong hininga ang naisagot ko rito saka muling nag ayos ng mga gamit sa shelves.
Tunay ngang napapadalas ang pagiging tulala ko, at parating iyon ang pumapasok sa isip ko. Same event, at palaging sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang totoo, na parang hindi. Ewan.
"Nga pala, dinig ko ke madam na uuwi na raw 'yong mga pamangkin nya." nang balingan ko sya ay panay na ang paghagikhik nito
Palagi namang daw umuwi ang mga iyon dito tuwing bakasyon. Nasabi na iyon sa akin ni madam nung bago pa lamang ako. Bagaman hindi ko pa sila nakikita ay na eexcite na ako.
Mag iisang taon pa lamang ako rito sa mansyon ng mga De Dios, nag trabaho ako para sa aking ama na may sakit noon, kaso'y hindi na niya nakayanan pa. Sinamahan niya na sina mama at bunso sa itaas. Ako na lamang mag isa ang naiwan sa amin.
"Hindi na ako makapag hintay. Pero syempre, professional dapat tayo Penny." baling ko sa kanya saka muling nagligpit.
Sya nama'y hindi natinag at lumapit pa sa akin para alugin ang balikat ko, kumukurot kurot pa.
"Asus! Wari koy maging ikaw naman ay hindi na magkandaugaga riyan. Talaga namang nakakalaglag ng panty ang tatlong iyon!" histerya pa niya, nailing na lamang ako saka sya tinalikuran.
Kung tatanyahin ay matanda lamang sa akin ng ilang taon si Penny, kung ako'y dalawampu't dalawa ngayon, siya naman ay dalawampu't walo, kasamahan ko sya rito sa mansyon ng mga De Dios. Pareho kaming kasambahay rito, ako rin ang punong abala sa kusina.
"Eli, I will hand you later the lists of the foods that you'll need to prepare for tomorrow. Those brats wants various dishes. They have so much requests. Such a pain in the ass." ani madam nang mag tanghalian.
Si Penny ay hindi magkandaugaga sa paglalagay ng juice sa baso ni madam. Nginiwian ko ito nang matapos.
"Ayos lang po iyan madam, tuwing bakasyon lang naman po sila narito. Pagbigyan nyo na." mababang tono na ani ko, nailing naman ito saka nagtaas ng kamay sa akin.
"Whatever, they rock the house too much. I think I'll need to renovate this soon." nagpatuloy na rin ito sa pagkain ng matapos sabihin iyon.
Ako nama'y nagtungo muna sa kusina upang magligpit ng posibleng kalat na naiwan doon.
Tama si madam, talagang napaka gulo daw dito sa bahay tuwing nadidiyan ang magpipinsan ayon kay Penny. Palaging akala mo ay ngayon lamang nakawala sa hawla kung mag ingay. Madalas pa raw mag iwan ng mga kalat sa kung saan, kaya natutuwa man daw si Penny ay minsa'y naaasar rin siya tuwing nariyan sila.
"Eli, tawag ka ni madam." binalingan ko si Penny saka tumango. Nagpunas na muna ako ng aking mga kamay saka nagtungo sa hapag.
Naabutan ko roon si madam na nagpupunas na rin ng kanyang bibig, marahil ay tapos na sa pagkain.
"Do you have your birth certificate, Elizabeth?" matamang anas ni madam na ikinagulat ko, bahagya pang nangunot ang aking noo.
"Mayroon po ako sa kwarto madam, bakit nyo po naitanong?" nag aalinlangan man ay nagawa ko pa rin iyong sagutin
Sa gilid ko'y si Penny na bakas rin ang pagtataka sa mukha mula sa tanong ni madam.
"I recommended you to my kumare, she runs a scholarship program. Prepare the things you'll need. That will be two days from now, Elizabeth." sa bigla ay hindi ko kaagad naintindihan ang sinabi ni madam.
Nahinto ako sa pag aaral, sana ay graduate na ako sa college kung hindi ako nahinto ng mahigpit isang taon.
"Madam, m-maraming maraming salamat po!" nahihiyang ani ko saka bahagya pang tumungo, tumayo naman na si madam saka bumaling sa akin.
"Thank yourself, you are intelligent, you worked hard, and you are deserving." walang pagsidlan ng tuwa na nararamdaman ko ngayon, napaka swerte ko sa amo ko!
*
*
*
Maaga akong gumising kinabukasan, na pag pasiyahan namin na mag ayos at mag linis na muna ng bahay bago ako mamalengke para sa mga bisita mamaya. Tanghali pa naman daw ang dating ng mga ito.
Nag tungo ako sa mga guest room upang palitan ang mga bed sheet nito, nang sa gayon ay maaliwalas silang makakapag pahinga pag dating nila mamaya.
Hindi sa pag papa bida ngunit nais kong matuwa sila sa akin dahil ngayon pa lamang kami magkikita mag mula ng mag trabaho ako rito.
"Penny, pasabi naman kay Mang Dante na--" luminga-linga ako sa paligid upang hanapin si Penny ngunit wala siya. Siguro ay nasa banyo ito.
Lumabas na ako sa bahay upang hanapin naman si Mang Dante nang makita ko ito na kasama ang nangangalaga sa kabayo mula sa di kalayuan.
"Mang Dante, maabala ko lang po kayo saglit. Mag papasama po sana ako mamaya sa may bayan, mamimili po ako ng mga ingredients na gagamitin ko mamaya." pagkuwan ay napapalinga ako sa kabayo, nakakatakot kasi itong tumingin.
Akala mo ay mayroon akong malaking kasalanan sa kaniya. Noon pa man ay hindi na ako nagustuhan ng kabayong ito.
"Oo naman, tawagin mo na lamang ako uli kapag aalis na tayo." ngumiti na lamang ako kay Mang Dante at bumalik na sa mansyon.
Pagka pasok ko ay narinig ko kaagad na parang mayroong umiiyak sa may kusina. Dagli ko itong pinuntahan at bumungad sa akin si Penny na naka salampak sa may sahig.
"Penny! Anong nangyari? May problema ka ba? Ito naman oh, pakaba ka palagi eh." naiiyak na ring turan ko saka naupo sa may harapan niya.
Nag angat ito ng tingin sa akin saka naka ngiting umiyak. "Eliiii! Nag propose na sa akin si bebe ko!" nangingiyak pang sabi nito.
"Talaga?! Congratulations, Penny!" hindi kami pareho magkandaugaga, parehong natutuwa at naiiyak sa balita.
Paano'y mahigit walong taon na daw sila ng boyfriend niya, ayon sa kwento ni Penny sa akin. Madalas itong mag kwento ng tungkol sa nobyo niya.
"Bridesmaid kita ha, Eli? Nakuuu, excited na ako sa honeymoon! Hahaha!" natawa na lamang ako sa sinabi nito
Akala ko naman ay excited na siya na makasama habang buhay ang nobyo, sa honeymoon pala hahaha.
Nang mag alas otso ay nag pasama na ako kay Mang Dante patungo sa bayan. Kailangan ko pang mamili ng mga sangkap at dadaan na rin ako sa may mall, nagpa pabili si Penny ng dress, gusto daw niyang maganda ang suot niya pag nag kita sila ng fiancé niya.
Nang matapos sa pamimili ng ingredients ay iniwan ko muna ito sa sasakyan, sa pangangalaga ni Mang Dante. At nagtungo naman ako sa mall.
Wala pa man sa pintuan ng mall ay tanaw ko na kaagad na tula mayroong pinagkakaguluhan doon.
"Ano naman kaya ang eksena sa bandang iyon? Ke aga aga pa para magkaroon ng chismisan rito ah." bulong ko sa sarili at nag simula nang mag hanap ng dress na babagay sa pansala at pananamit ni Penny.
Maganda ang pangangatawan ni Penny, malaki ang hips, maliit na baywang at katamtaman na sukat ng dibdib.
Ang gusto daw niya na dress ay yung madedepina ang hugis ng kanyang katawan.
"Hi ma'am, try nyo po itong body fitting dress namin. Maganda po ang tela, kumportable." naka ngiting baling sa akin ng sales lady.
Nginitian ko rin ito pabalik, "Dress na pang date po sana ma'am." nahihiyang sagot ko rito.
Baka kase akalain niya na para sa akin iyong dress. Hindi naman ako nagsusuot ng ganoon.
"Ah, sige po ma'am. Saglit lang po, mayroon po kami ritong nababagay sa ganyang event." bumaling siya sa likuran saka may hinanap na dress.
"Ang ganda.." tanging nasabi ko noong inilabas niya ang kulay peach na flowy dress, wala itong manggas, simple ngunit elegante. "Kukuhanin ko na po iyan." naka ngiting sambit ko.
Paniguradong matutuwa si Penny sa dress na ito dahil napaka ganda at siguradong babagay sa kanya.
Nang maka labas sa stall na iyon ay kaagad na naagaw ng atensyon ko ang nagsisigawang mga babae.
"I am his girlfriend!" halos mamula iyong babae sa pag sigaw saka bumaling doon sa lalaki, "Tell this b*tch that I am your girlfriend, babe!" tila wala namang paki alam sa kaguluhan yung lalaki 'pagkat tumayo na ito sa akmang aalis.
Naka talikod ang mga ito sa gawi ko kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha. Pero isa lamang ang masisiguro ko, mayayaman ang mga ito.
"Where the hell are you going? Settle this first or I'll break up with you." hindi gaya nung naunang babae kanina, kalmado at halatang mataas ang pinag aralan nito.
Gaano kaya ka-gwapo yung lalaki para pag awayan nila? Kung gwapo man ito, halata namang walang manners at panget ang ugali nito.
Walang matinong lalaki ang magagawang mambabae kung mahal nito ang partner niya.
Mga kabataan nga naman ngayon, oo. Napaka dali sa kanila na pumasok sa isang relasyon pagka tapos ay hayaan itong masira.
"Just to be clear," pa unang aniya saka humarap sa gawi ko at ngumiti "I don't have a girlfriend." nagawa pa nitong kumindat saka nag lakad palapit sa akin.
Maganda ang kanyang pangangatawan, ibibigay ko iyon sa kanya. Hanggang tainga ang kulay chokolate na wavy nitong buhok. Kulay chokolate rin ang kanyang mga mata.
Bakit patungo ang lalaking ito sa direksyon ko? Baka akalain nung dalawang babae ay isa rin ako sa kanila.
"Hindi ako interesado sayo-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang dumiretso ito ng pag lalakad patungo sa likuran ko.
Kaagad ko itong nalingon saka napa sapo na lamang sa aking noo.
Nasa daan ka patungo sa labasan, Elizabeth. Nakakahiya ka, please lang.
Dahil sa kahihiyan ay mabilis rin akong lumabas, narinig ko pa ang busina ng motor nung lalaki na tila nang aasar.
Aaaah nakakainis. Bakit kase kailangang tumingin pa siya sa akin ng ganoon.