Chapter 2

1633 Words
Nang maka uwi ay kaagad na akong nag simula ng pagluluto ng caldereta, menudo, lumpia at pansit. Lutong bahay kase ang request ng mga pamangkin ni madam. Paano'y puro daw sila fast foods noong bago mag bakasyon. "Hindi ko alam kung kaya kong isuot yung dress, Eli." nagtatakang nilingon ko si Penny, bumuntong hininga pa ito saka muling nag patuloy sa pagsasalita "Hindi ko kase alam kung babagay sa akin, o kung magugustuhan ba ni Jason kung isusuot ko yun." "Penny, ano ka ba. Hindi mo malalaman kung bagay sa iyo o hindi kung hindi mo susubukan na isuot. At saka, hindi mo kailangan isipin kung magugustuhan ni Jason ang suot mo o hindi." saad ko, namwestra pa ang kamay habang nagsasalita. Hindi naman kailangan magpa ganda ng mga babae para sa lalaki, kundi para sa kanilang sarili. "Maganda ka at alam kong bagay sa iyo iyan. Higit sa lahat, kung mahal ka talaga niyang si Jason, kahit ano pang suot mo ay magagandahan siya sayo. Ikaw lamang dapat ang pinaka maganda para sa kanya." naka ngiti nang ani ko, napa ngiti rin si Penny saka marahang tumango, sumasang-ayon. Alas diyes na nang matapos ako sa pagluluto, hindi pa naman nakakarating ang mga bisita kaya tamang tama lamang. Na pag pasiyahan ko na munang maligo habang si Penny ang nag babantay sa kanilang pag dating. Wala kaming uniform bilang kasambahay, ang gusto kasi ni madam ay pamilya kaming lahat dito. Walang pananamit ang maghihiwalay sa estado namin sa buhay. Kaya naman talagang hanga ako kay madam, dahil maganda na, mabait pa at mataas ang pinag aralan. Nag suot ako ng desenteng pananamit dahil mayroon nga kaming bisita na darating, short na hanggang sa itaas ng tuhod ang aking pambaba at maluwag na t-shirt naman ang aking pang itaas. Bago lumabas sa aming silid ay inihanda ko na muna ang mga papeles na kailangan kong dalhin kay Miss Divine, yung kumare ni Madam na binanggit nito kahapon. Naka ngiti akong lumabas sa kwarto saka masayang nag hum ng awitin. "The Beatles." napa hinto ako sa hindi pamilyar na tinig, kaagad ko itong nilingon, ngumiti ito saka nag taas ng kamay. "Hi, I'm Steven. You must be new here." nahihiyang tumango ako sa nagaalinlangang kumaway sa kaniya. "A-ah, oo. Ako si Elizabeth, punong abala sa kusina ni madam." pagpapakilala ko sa mababang tinig. Ngumiti naman ito saka nag patuloy sa pag lalakad patungo sa may salas. "C'mon, Enzo. Pahiram lang naman ako saglit niyang ps4 mo e. I'll just show you my shooting skills." dinig kong usal ng isa pa sa kanila. Hindi pa nila nararamdaman ang aking presensya, kinakabahan ako, gusto ko ng mag laho. "Uhuh, you ain't got no skills, Kiel. Stop embarrassing yourself." bumaling ito sa gawi ko saka ngumiti, "Hi! Ikaw ba si Eli? Nabanggit ka samin ni tita. I'm Enzo!" naka ngiti at masiglang bati nito saka lumapit at nakipag apir pa sa akin. Naupo naman iyong isa pa saka nag taas lamang ng kamay, "I'm Kiel, don't worry about us too much. We're not handful. You can do your thing without looking after us." aniya nang hindi ako nililingon. Wala naman sa akin iyong ganon bagamat hindi ako sanay na hindi ka tinitignan kapag kinakausap. Ganoon siguro sa lugar nila, naka sanayan na. "Mag aayos na ako ng lamesa, para makakain na kayo." sambit ko saka nahihiyang ngumiti. "Eli, ano? Kamusta?" bulong sa akin ni Penny nang maka rating ako sa kusina. "Ang gugwapo hindi ba?" natawa na lamang kami pareho saka nag handa na ng hapag kainan. "I dare not to." dinig kong ani Steven habang papasok sila sa dining area. Siguro ay nag aasaran na naman sila. Dapat na akong masanay na ganito, 2 buwan rin silang mananatili rito. "There's a horse roaming around outside, it seems like it has escaped from its cage." na alarma ako sa sinabi ni Kiel, delikado kase kapag naka takas ito, malapit lamang ang bayan, baka ito ay maaksidente. "Yeah, no one's chasing after it though." ani Enzo saka nag simula ng mag tingin ng pagkaing naka hain. "Mukhang masarap ang mga ito Eli ah." ngumiti ako sa papuri nito ngunit hindi ko maaalis sa isip ang kabayo. Mahalaga kase ito kay madam, kaya mahalaga din ito sa amin. "Hanapin ko lang si Mang Berting, Penny." bulong ko saka, inexcuse ang aking sarili sa hapag. Dinig ko ang pag pigil ni Penny ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Malapit na sa labas ng gate ang kabayo, hindi na ako nag dalawang isip pa at mabilis kong tinakbo ang distansya namin. "Hey, be careful!" sambit ni Steven, na hinto siguro sila sa pagkain. Ngayon ay nasa may pintuan na sila ng mansyon. "Mang Berting!" hiyaw ko sa tinutuluyan nito, ngunit walang sumasagot. Nag patuloy ako sa pag takbo pa lapit sa kabayo nang huminto ito kasabay ng malakas na pag preno ng isang motor sa harap ng gate. Nahinto ako sa pagtakbo at nag takip ng mata. Dahil sa lakas ng preno nito ay hindi ko makita kung sino ang lalaking iyon, lumikha kase ng tila sand storm ang motor. Kinabahan ako ng makitang lumapit ito sa kabayo at hinawakan. Baka kuhanin niya ito at itakas! "HOY MAGNANAKAW NG KABAYO!" sigaw ko saka mulling pinag patuloy ang pag takbo. Bago pa man ako maka lapit ay sumakay na ito sa kabayo, "Who are you accusing?" dinig akong manghang tanong nito. "Sino pa ba? Ikaw! Bumaba ka riyan sa kabayo!" sigaw ko saka saka siya idinuro ng maka lapit. "Mukhang bago ka lamang rito, pero kung makapag yabang ka, akala mo kung sino ka!" pagpapatuloy ko, natatawa lamang ito saka pinatakbo ang kabayo papunta sa loob, malapit sa kulungan nito. Inis naman akong tumakbong muli, pabalik roon. Bumaba ito sa kabayo saka bumaling ng tingin sa akin. Natigilan ako sa pamilyar na mukha. Siya yung kanina sa mall! Yung cheater! Siya yung babaero! "I dare you to sue me, then." hindi ko alam kung anong nakaka tawa pero kanina pang ngiti ng ngiti ang isang ito. Nakakapikon ang perpekto niyang ngiti. Halatang walang magandang gagawin. "Ha! Talaga! Makakarating ito kay madam!" taas noo kong sambit, nagmamalaki. Paniguradong hindi na muli makakatapak ang isang ito sa lupa ng mga De Dios! "How terrifying." walang gana, at sarkastikong aniya. Patuloy na hinahaplos ang kabayo. "Shouldn't you call someone to lock her up in cage?" natigilan ako sa sinabi nito, tama siya. Dapat ay tawagin ko si Mang Berting. "Mang Berting!" sigaw ko na hindi inaalis ang tingin sa kaniya, baka kasi biglang itakas nito ang kabayo. "Iha! Pasensya na, may inasikaso lamang ako." nagpapa umanhing ani Mamg Berting. Tumango na lamang ako sa kaniya. "Salamat, sir." baling nito duon sa lalaki saka kinuha ang kabayo. Tinapik naman nito ang balikat ni Mang Berting, napaka yabang. "So, I bet I should go now-" hindi ko hinayaang matapos nito ang sasabihin, kaagad akong humara sa daan saka siya pinigilang umalis. "What now? She's safe." bakas sa mukha nito ang pagka irita. Ako dapat ang mairita sa kaniya at hindi siya. Parang ako pa ang may atraso sa aming dalawa sa inaasta niya. "Hindi ka pwedeng umalis." pa unang ani ko, tinignan siya diretso sa mata ngunit kagad ko ring inalis sapagkat napaka lalim nito, nakakalunod. "Hintayin mo si madam, seryoso ako na isusuplong kita." pagpapatuloy ko, saka tumingin sa mansyon. Sa may terrace ay si Penny at ang tatlong pamangkin ni madam. Hindi ako sigurado sapagkat may kalayuan ang pwesto ko sa kanila pero bakas sa kanilang mga mukha ang pagka mangha, natatawa. Bakit? Mayroon bang nakaka tawa sa ginagawa ko? Wala naman e. Marahil ay natatawa sila dito sa bagong salta, napaka yabang kase. "I got a lot of things to do, got no time for sh*t though." nilingon ko ito, seryoso na ang kanyang tono at mukha. Seryoso din naman ako. Hindi kita papa alisin hanggat hindi mo na kakausap si madam. "What do we got in here?" ani Kiel ng maka lapit sa amin, naka pamewang pa ito. "Who do you think is he, Eli?" natatawang aniya. "Hindi ko siya kilala, sir. Ngayon ko kang siya nakita rito, sinubukan pa niyang nakawin yung kabayo." baling ko kay Kiel, tumango tango naman ito. "Why don't we stay at home while waiting for tita Jac?" naka ngiting aniya, "What do you think?" baling nito duon sa lalaki "Yeah, will do. Get me an iced tea or sum." hindi ako maka paniwalang sa suhestiyon ni Kiel at sa pag payag ng lalaking ito. Napaka lakas ng loob, napaka yabang. "Right, let's go inside Eli." baling sa akin ni Kiel saka sila nag paumuna. Ganito ba talaga sa Maynila? Iniimbitahan nila sa bahay nila ang isang kaduda dudang tao? Sumunod na lamang ako, hindi na sumabat pa sa usapan nila. "You know, if glaring can kill, I'm long dead." natatawang ani nuong lalaki, paano'y kanina ko pa itong minamatyagan. Baka kung ano na naman kasing gawin nito. Baka modus ang lalaki na ito. "Chill, Eli. Tita Jac will be here in a minute." paninigurado naman ni Enzo nang makita na hindi ako panatag na nandito yung lalaki. Gaya nang tinuran ni Enzo ay dumating na si Madam Jacqueline, nabuhayan ako saka tumayo sa likod ng sofa. "Oh, you're all here." pa unang bati nito saka kami tinignan isa isa, "Long time no see, Alas. What's gotten into you? Bored na sa work?" hindi ko na sundan ang sinabi ni madam, hindi ko alam kung sinong tinatanong nito. "Yeah, sort of, ate Jac." naka ngiti, bumaling ito sa akin. "Now, who are you gonna sue, Elizabeth?" puno ng pang aasar, ay may diing aniya sa akin. Ang lalaking pinagbibintangan kong magnanakaw at ang lalaking nakita ko sa mall na pinag aawayan ng dalawang babae ay kapatid ni madam?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD