"Should we contact our lawyer and file a lawsuit, Eli?" pang aasar ni Enzo, patuloy pa rin akong sinusundan na maski rito sa kusina ay hindi ako tigilan.
Nakapag tanghalian na ang lahat, bumalik na sa kani-kanilang gawain ngunit hindi ang isang ito.
Alam ko naman na nag kamali ako, malaking pagkakamali. Kamalayan ko ba na yung lalaking yun pala ang bunsong kapatid ni madam? Tapos ay wala namang nag sabi sa akin kanina, kung sana ay pinag sabihan nila ako kaagad ay hindi ako makakapag bintang ng kung ano ano sa kaniya.
Inis na umiling ako saka nag takip ng mukha, "Sir Enzo naman, huwag mo na akong asarin. Hindi ko naman na uulitin iyon e, alam ko na nag kamali ako." naka ngusong ani ko, tinawanan niya lamang ako saka naupo sa kitchen table at nag tipa sa kaniyang cellphone.
Nag patuloy na lamang ako sa pag huhugas ng plato bagaman patuloy akong binabagabag ng nangyari kanina lamang.
"Eli, sabi ni madam ay dalahan mo daw si sir Alas ng meryenda, nasa may kulungan ng kabayo daw si sir." nag pintig ang aking tainga sa biglaang sambit ni Penny.
Bakit naman kailangang ako pa? Aaaah, nakakahiya.
"Penny, ikaw na muna. Please?" nagpa cute ako hanggang sa abot ng makakaya ko, pero mukhang desidido na ito na ako ang lumabas at puntahan iyon.
"Nope, bilin ni madam na ikaw daw ang mag bigay para makapag usap kayo." kinindatan pa ako nito bago ipinagpatuloy ang pagliligpit sa may salas.
"You know what, Eli? Just go to tito Alas, he doesn't bite." pag baling ko kay Enzo ay naka ngiti na naman ito na ma pang asar "Unless, you wanna be bitten." pagka sambit niyon ay pumustura pa ito na parang mangangalmot.
Umiling na lamang ako saka bumuntong hininga.
Bibigyan ko lamang naman siya ng meryenda, wala ng iba pa. Mabilis lamang iyon.
Nang maka tapos sa mga gawain ay inihanda ko na ang meryenda na dadalhin ko kay sir Alas. French toast at cucumber juice na lamang ang inihanda ko para hindi gaanong mabigat sa tiyan.
"Penny, pupunta na ako. Ikaw na muna ang bahala rito." pag papaalam ko, nag okay sign na lamang ito dahil tutok siya sa panonood sa tatlong binata.
Nag lalaro sila sa TV, hindi ko alam kung anong tawag doon pero mayroon silang hawak na parang mga controller. Ngayon lang ako naka kita ng ganon, na pag iwanan na talaga ako ng panahon, masyado ng advance ang teknolohiya.
Nang maka labas sa bahay ay nag simula na naman akong kabahan. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay ito.
Tatawagin ko ba siya o ilalapag ko na lamang basta? Argh.
Nasa malayo pa lamang ako ay rinig ko na ang pag agos ng tubig, siguro ay pinapaliguan ni Mang Berting ang kabayo.
Dahil sa isiping iyon ay na panatag ako at mabilis na tinungo ang kulungan.
Wala rito ang Alas na yon, mabuti naman.
"Mang Berting-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin. Hindi ko na nakontrol pa ang panlalaki ng aking mga mata.
Sa harapan ko ay si sir Alas, naliligo kasabay ng kabayo.
Naka balandra ngayon sa harapan ko ang kanyang alaga, hindi iyong hayop kundi 'yung dapat ay naka tago.
Naka pikit pa rin ito at tila hindi narinig ang pag dating at pag tawag ko sa pangalan ni Mang Berting.
Magkaka sala ako sa lagay na ito, hindi ko maiiwas ang aking mga mata sa kanyang alaga. Bagaman ay hindi gising, halata pa din dito ang laki at haba. Maugat at tila manunuklaw kung lalapitan ng kung sino man.
Patuloy lamang siya sa pagsasabon ng kanyang katawan, hindi pa rin pinapansin ang aking presensya.
Kapansin pansin ang pag gising ng kanyang alaga nang dumapo roon ang kanyang kamay upang sabunan ang bahaging iyon.
Ano bang ginagawa ko? Bakit ko pa siya pinapanood?
Dagli kong nailapag ang dalang pagkain at inumin sa lamesa kung kaya't lumikha ito ng malakas na tunog.
Kaagad akong tumalikod pagka tapos saka nag simulang mag lakad. Ngunit bago pa man ako maka hakbang ay napansin na niya ako.
"So, you won't stay for the main event?" halata sa tono nito ang pang aasar "You are here for too long now, it's a bummer if you'll go without watching the whole show." dinig ko sa tono nito ang halong pang aasar at pang aakit.
Hindi ako madadala sa ganiyan, sir Alas. Trabaho ang ipinunta ko rito.
"Wala ho akong nakitang kung ano man, nag dala lamang ako ng pagkain at inumin para sa inyo sa utos ni madam Jacqueline." pa unang sabi ko, ni hindi ko na sinubukan pang lingunin ito. "Mauuna na ho ako." pag papaalam ko, sinusubukan pa ring maging propesyonal.
Nang tuluyan na akong maka labas ay kaagad akong nagsisi sa pananatili roon ng matagal, dapat ay iniwan ko na kaagad ang meryendang iyon doon pagka tapos ay mabilis na umalis. Hindi ko alam kung bakit tumigil pa ako roon.
Namangha lamang siguro ako sa tanawin- hindi! Para ko na ring kinain ang mga sinabi ko kanina kung ganoon! Umayos ka, Elizabeth.
"Hi!" natigilan ako sa pag bati ng isang maganda at sopistikadang babae, "I'm Amanda." pagpapakilala nito, ngumiti ako saka nakipag kamay sa kaniya.
"Elizabeth po ang pangalan ko, ano po ang maiitulong ko sa inyo?" magalang na tanong ko, binilinan na kase ako ni madam na lahat daw ng nakakapasok rito ay bisita niya dahil inaalam naman raw ng guard ang pakay ng mga ito bago papasukin. Ang ilan pa raw ay ibinilin na niya sa guard na pupunta rito upang hindi na matagalan sa pag pasok sa mansyon, kumbaga ay may appointment na bago pa sila pumunta rito.
Hindi ko iyon naisip noong unang beses kong makita si sir Alas dahil sa taranta na baka maka labas ang kabayo. Ngayon naman ay taranta man ako dahil sa nangyari kanina lamang, ay kaya ko na itong timbangin.
"I just wanna ask where Alastair is? People in the mansion told me kase na he's here outside with his horse e." palinga linga ito habang nag tatanong, sinisipat kung saan naroon ang hinahanap.
Tama ba na sabihin ko kung nasaan ito? Baka kase hubad pa rin ito gaya kanina.
Natigilan ako sa sariling iniisip, ano naman kung hubad pa rin siya? Labas na ako kung makita man nitong babae ang alaga-- ibig kong sabihin ay ang katawan niya. Marahil nga ay nakita na nito iyon.
"Amanda, why are you here?" napa baling kami pareho sa di kalayuan sa bandang likuran ko, papa lapit na sa amin si sir Alas. "I thought you were in Cebu?" pagpapatuloy nito ng maka lapit sa amin.
"Well, yeah. But I've settled everything and I came here because I miss you." walang alinlangang sambit ni Amanda saka yumakap kay sir Alas.
Tumingin naman ito sa akin habang yakap pa rin siya ng babae at kumindat.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon, malamang ay nang aasar lamang ito dahil sa nangyari kanina sa pagitan namin.
Hindi na ako nag salita pa at nag patuloy na lamang ako sa pag lalakad papunta sa mansyon.
"Eli, ang tagal mo naman. Pinag laro ako nila sir Steven, ang saya!" bungad sa akin ni Penny, kumakain pa ito ng chips.
Mukha ngang masaya ka, Penny. Hindi ko alam kung bakit ako ay hindi, puro na lamang kamalasan ang dumarating sa akin.
Ngumiti ako saka naupo sa kanyang tabi, wala pa naman kaming gagawin kaya ayos lamang na mag pahinga kami rito.
"You also want to try, Eli?" alok ni Kiel, iniaaro ang controller. "C'mon, it's easy. Steven and Enzo will play with you." sambit pa nito saka iniabot na sa akin.
"You just need to dodge by moving this, okay?" ngumiti ako saka tumango kay Enzo.
Nakakatuwang hindi nila kami itinuturing na iba sa kanila.
Nakakatuwang para kaming isang pamilya.
Pamilya...
*
*
*
"Yes, hija. You are qualified. Shall you have concerns, feel free to contact me, okay?" naka ngiting ani Miss Divine. "Anyway, class will start in August. Enjoy the rest of your summer, Elizabeth." tumango ako saka nag pasalamat.
Naka ngiti akong lumabas sa office ni Miss Divine, nag pasa ako ng requirements para sa scholarship na binanggit sa akin ni Madam Jacqueline.
Gusto ko pa sanang mag ikot dito sa EA University pero hindi ko magawa dahil nitong kasama ko.
"What?" taas kilay na bungad sa akin ni sir Alas ng maka rating ako sa sasakyan niya. "Ain't grateful that I'm driving for you?" seryosong aniya "You wanna drive me instead?" akala ko ay seryoso nga siya, pero dahil sa ganitong banat ay alam ko at sigurado na akong hindi.
Hindi ko alam kung bakit napaka lakas ng loob nitong mag sabi ng mga ganoong mga bagay sa akin. Kaya't ipinag kikibit balikat ko na lamang ito.
Nataon kase na wala si Mang Dante, kaya ko naman bumyahe ng mag isa. Pero nag alok ito at ipinag pilitan naman ng mga pamangkin niya.
"Umuwi na tayo, sir Alas." sagot ko, hindi na pinansin ang sinabi niya.
"You're not gonna look around your new school?" natigilan ako sa suhestiyon niya, hindi ko kase akalain na siya pa mismo ang magbabanggit noon. Akala ko ay gugustuhin niya kaagad na maka uwi.
"Sa sunod na lamang, sir. Salamat." mababang tonong sagot ko. Tumango na lamang ito pagka tapos ay sumakay na sa kaniyang sasakyan.
Nang maka uwi ay nag simula na akong mag handa ng pang hapunan.
Naka ngiti ako habang nag gagayat ng mga sangkap dahil talagang matutuloy na ulit ako sa pag aaral.
"Having a good time?" nag angat ako ng tingin kay Kiel, may hawak itong kape.
Tumango ako saka nag patuloy sa pag hahanda nang mayroong babaeng pumasok sa kusina.
Sino naman ito? Ang dami namang bisita na hindi ko kilala.
"I'll also eat here, cook for me." mataray na aniya, saka naupo sa may salas.
Marahil ay bakas sa aking mukha ang pag tatanong kaya humarap sa akin si Kiel at nag kibit balikat. "I saw her coming up to tito Alas' room, girlfriend siguro." aniya saka nag tungo din sa salas.
E ano niya iyong si Amanda kanina?