Chapter 34 - Time passed

1094 Words
Lumipas pa ang mga oras, pagkatapos maghapunan ay pinatulog na ni Leny si Abby, naghugas muna si Sasha, si Diego naman ay nakaupo sa may terrace, iniisip pa rin nito ang naging pag-uusap nila ni Luisa, pagkatapos maghugas ni Sasha ay nilapitan niya si Diego "Mahal" ani ni Sasha "Mahal ko, tapos ka na? Ihahatid na kita?" "Okay sige, may tatapusin pa kasi ako" "Okay" nakangiting ani ni Diego "Mahal, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" "Nakausap ko kasi si Luisa kanina" "Talaga?" "Oo, mukhang may balak nga silang kunin ang anak ko sa akin" "Bakit?" "Hindi ko alam, narealize raw ni Harold na mahal niya ang bata" "Pero mahal mo rin si Abby, mahal natin siyang lahat" maluha luhang ani ni Sasha, hinawakan naman ni Diego ang kamay niya "Don't worry Mahal ko, hindi niya makukuha si Abby, mamamatay muna ako bago niya makuha ang anak ko sa akin, ilalaban ko si Abby" ani ni Diego, yumakap naman si Sasha sa kanya "Nandito lang ako Mahal, dito lang ako para sa iyo, para sa inyo ni Abby" "Salamat Mahal ko" ani ni Diego at hinalikan si Sasha sa noo Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, unang pasko ni Abby kasama si Diego, masayang masaya ang bata dahil marami siyang gift at ramdam na ramdam ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya, nagpasko sila sa farm, at nagnew year sila kina Nenita, imbitado rin syempre si Alfredo, after the holiday season, ganun pa rin ang routine nila, isang araw, walang pasok sina Abby, pero meron si Sasha, kaya siya lang ang inihatid ni Diego "Mahal ko, ilang buwan na lang gagraduate ka na" ani ni Diego habang nagmamaneho "Oo nga" "Mabuti pa magplano na tayo para sa wedding natin, kailan ba tayo magpapakasal?" "Hmm, June?" "O dapat makapagpaschedule na tayo, di bale tatanungin ko si Liezl dun sa wedding coordinator na nag-asikaso ng kasal nila ni JC" "Sige Mahal, basta abay natin silang lahat, pati mga bata" "Oo naman, lahat sila" ani ni Diego "Excited na ako Mahal ko" "Ako rin, ano kayang motif natin?" "Hmmm, oo nga noh? Wag na kaya tayong pumasok pag-isipan na lang natin ang wedding" ani ni Diego, natawa naman si Sasha "Sira! Hindi pwede, saka pala Mahal, need ko na pala mag-OJT, pwede naman na raw, para hindi masyadong magahol, saan kaya ako mag-oOJT?" "Hmm, sana pala nagtanong ka kay JC baka pwede sa office" "Naku Mahal, sinabi ko na kay Kuya, tatry niya raw magtanong sa HR, kasi hindi niya sure kung tatanggap ng OJT, titingnan niya raw ang magagawa niya" "Sige mamaya tatanungin ko ulit yung tukmol na yun" "Meron naman inooffer sina Donni, sa company ng Papa niya, maliit lang pero tumatanggap sila ng mga ojt, may allowance din daw, 200 per day nga lang pero pwede na rin" "Ganun? Dun din mag-oojt si Donni?" "Hindi, dun siya sa engineering office ng tito niya" "Hanep ahh, alam na alam mo ah" "Eh syempre classmates kami sa ilang subjects" "O sige, basta priority sa amin" "Oo naman, pero Mahal, naisip ko rin na kausapin si Ate Liezl, baka pwede rin sa coffee shop, sakto pang magbubukas sila ng pangatlong branch" "Oo nga, kay Liezl kaya?" "Oo nga eh, para makapag ojt rin ako nang saturday and sunday, dagdag oras din yun" "Sabagay, pero paano natin maasikaso ang wedding natin?" "Hmm, eh ang kailangan ko lang naman 480 hours lang, pwede namang minsan 4 hours a day lang ako" "Sige Mahal ko" nakangiting ani ni Diego Lumipas pa ang mga oras, pinuntahan ni Diego si JC sa opisina nito "JC" "Ano nanaman Diego Silang?" "Siraulo" natatawang ani Diego "Mali kasi sila Tito Al, dapat ang pangalan mo Andres" "Bakit nanaman?" "Andres Bonifacio atapang atao, aputol akamay hindi atakbo, aputol apaa hindi atakbo..." "Shhh tumahimik ka nga baka ikaw ang putulan ko" ani ni Diego, tawang tawa naman si JC "Nagpunta ako dito hindi para alipustahin mo, nagpunta ako dito para ipaglaban ang akin" "Gago mo" Natawa naman si Diego "Huy ano nang balita sa pag-oojt ng Sasha ko?" "Nakausap ko na ang HR, tatanggap ang marketing ng OJT, pero baka magconflict sa oras ni Sasha, pwede siyang maghalf day dito, tapos pasok sa school, need niya magshift ng oras kasi full load siya" "Ganun?" "Oo, na kay Sasha yun kung tatanggapin niya, nakausap ko na ang HR at nakasave na ang isang slot sa kanya, anytime din pwede na siyang magstart, may allowance din, 600 a day if whole day, 300 if half day" "Hmm, pwede na rin" "O ikaw na ang magbalita niyan kay Sasha, tutal naman nuknukan ka ng daldal" ani ni JC "Grabe siya, hindi ka imbitado sa kasal ko" "Eh di wag, iimbitahan naman ako ni Sasha for sure at wala kang magagawa" tatawa tawang ani ni JC nang kumatok nag secretary niya "Sir okay na po ang conference room" "Okay salamat" ani ni JC at lumabas na ang secretary "Hoy may meeting ako, ano? Dito ka lang?" "Hindi ah, baka may mumu pa dito" "Gago mumu pa ang matatakot sayo" ani ni JC habang palabas ng opisina, nakasunod naman si Diego sa kanya, paglabas nila ay lumapit ang isang kaopisina nila kay Diego "Diego may naghahanap sayo sa may lobby" "Sino?" "Hindi ko alam eh, tumawag lang yung sa lobby" "O siya sige, bababa na ako, salamat" ani ni Diego, nagpunta naman na sa conference room si JC at bumaba na si Diego Ilang saglit ang lumipas nakababa na si Diego sa may lobby, napakunot siya ng noo nang makita ang naghahanap sa kanya, lumapit siya dito, tumayo naman ito nang makita siya "Anong kailangan mo?" ani ni Diego "Diego, ayoko ng gulo, gusto ko mag-usap tayo about my child" ani ni Luisa "My child Luisa" "Okay fine, wag na natin pahirapan ang mga sarili natin" "Makikipag-usap ako sayo, pero mamaya pa ang out ko" "Sige, tell me kung saan" "Sa may restaurant na lang dyan sa tapat, 5pm or maybe 5:15pm to be exact, tayo lang Luisa dahil tayo lang ang dapat mag-usap" "Okay fine, see you later Diego" "Sige" ani ni Diego at lumabas na si Luisa, tinawagan naman ni Diego si Sasha "Mahal ko" ani ni Sasha "Napatawag ka" "Mahal, pwede sa condo na lang tayo magkita?" "Hindi mo ako susunduin?" "Hindi eh, hindi kita masusundo sa school, mamaya ako mag-eexplain" "Sige Mahal okay lang, sa condo na lang, magluluto ako ng sweet and sour fish fillet" "Sige Mahal, ingat ka ha? I love you" "I love you too Mahal ko" ani naman ni Sasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD