Chapter 33 - Sinigang

1280 Words
"Anak, close pala kayo ni Tito Harold ah, bakit sabi mo dati hindi ka niya kinakausap?" ani ni Diego at tinabihan ang anak sa gilid ng kama "I'm telling the truth Daddy, ngayon nga lang ako kinausap ni Tito Harold, dati sabi ko kung Daddy ko siya, sabi niya po no daw, wala raw akong Daddy" ani ni Abby, kinuha ni Diego ang anak at niyakap, nagkatinginan naman sila ni Sasha, napaisip siya, bakit iba ang sinasabi ni Abby sa pinapakita ni Harold ngayon pati na rin ni Luisa. Lumabas na si Diego sa kwarto, pero napapaisip siya sa nangyayari, nasalubong niya naman si JC "Huy, anong nangyari sayo?" ani ni JC, kinuwento naman ni Diego ang nangyaring pag-uusap ni Abby at Luisa "Hmmm, parang Jake at Jessica lang yan ah" "Anong ibig mong sabihin?" "Eh ganyan din si Jessica nung gusto niyang kunin ang custody kay CJ, sinimulan sa video call, teka ang sabi mo hindi kinakausap dati nung Harold si Abby, and that's as per Abby, pero ngayon kinakausap niya ang bata na parang close sila, hindi kaya may plano siya o sila ni Luisa, baka kunin nila ulit si Abby" "Hindi ko alam, pero kung may plano silang hindi maganda sa anak ko, lalaban ako" "Ang sabi mo buntis si Luisa nung inihatid niya si Abby sayo, nakapanganak na ba siya?" "Ewan ko, hindi ko siya tinatanong" "Basta pag kailangan mo ng tulong sabihin mo, kausapin natin si Rico" "Sige" ani ni Diego, siya ring labas ni Sasha "Mahal" ani ni Sasha "May tinatanong si Abby sa akin" "Ano yun?" "Babalik na raw ba ang Mommy niya" "Kakausapin ko si Luisa, iisipin ko muna kung paano pero kailangan linawin niya sa akin ang lahat" "Tama, baka in the end si Abby ang mahirapan, kawawa naman ang bata" "Hindi ko pababayaang magiging kawawa ang anak ko" ani ni Diego saka hinaplos sa pisngi si Sasha "Anan natin" ani pa ni Diego siya namang labas ni Abby hawak ang kamay ni Callie "Daddy" ani ni Abby, binuhat ito ni Diego at niyakap, binuhat rin ni JC si Callie "Daddy's here baby, don't worry about anything okay?" "Yes Daddy" ani ni Abby saka humarap sa ama "Daddy swimming kami ni Callie please" "Tomorrow na lang anak, gabi na, baka ubuhin kayo" "Callie ayaw ni Daddy eh" "Ayaw Tito?" "Bukas na lang Callie" ani ni Diego "Bukat" sagot pa nito "Kiss mo nga si Tito" ani ni Diego, kumiss naman si Callie sa pisngi niya "Love mo si Ate Abby" "Lab Ate ko" ani ni Callie sabay turo kay Abby "I love you too Callie" ani ni Abby Lumipas pa ang mga araw, nasa opisina naman ni JC si Diego "Tawagan mo na Diego" "Paano kung hindi ko magugustuhan ang maririnig ko?" "Kaya nga, para magawan natin ng paraan if ever may plano pala sila" "S-Sige" ani ni Diego, nag log out si JC sa skype niya at pinag-log in si Diego, maya maya ay kinontak na niya si Luisa, pagkatapos ng ilang minuto ay sinagot ito ni Luisa "Diego" "Ahm, Luisa" "Napatawag ka? Pasensiya na nagluluto ako kaya hindi ko nasagot agad" "Ahm, about Abby" "Why? Something happen?" "W-Wala, nasa school siya ngayon" "Okay, ano naman yung sinasabi mo?" "I heard na sabi ni Harold na dadalawin niyo si Abby, ahm, kasama ba ang baby niyo?" Hindi agad nakasagot si Luisa "Why are you asking about the baby?" ani niya maya maya "Wala naman, kasi nung hinatid mo si Abby buntis ka kamo" "Honestly, the baby didn't survive, nagkaroon ako ng miscarriage" "Oh, sorry" "Okay lang, tanggap ko na, yun lang ba?" "Actually Luisa, I've heard so much about you and Harold" "And so?" "I know hindi close si Abby kay Harold" "Yeah, true, they're not close, pero gusto bumawi ni Harold, he realized that he loves Abby too" "Talaga?" "O-Oo, bakit ba?" "Luisa please, I need to know the whole truth" "What do you mean?" "Are you going to get Abby from me?" "Diego" "Kukunin mo ba si Abby?" "Maybe, iuuwi ko na siya dito" "No Luisa, hindi ako papayag, hindi ako papayag na kunin mo ang anak ko sa akin" "Anak ko rin si Abby, between us, mas may karapatan ako, she's only four years old, kung kaya mo siyang buhayin kaya ko rin, kung kaya mo siyang pag-aralin kaya ko rin, lahat ng kaya mong ibigay kaya ko ring ibigay" "Pero hindi mo siya kayang alagaan Luisa, and for all I know hindi mo nga ata siya kayang mahalin, at the age of three iniiwan mo nga siya sa bahay nang mag-isa, kinukulong mo ang bata" "Hindi na mauulit yun, once na bumalik si Abby dito, Harold will work for us at ako na ang bahala sa bahay at sa bata" "No Luisa, ilalaban ko si Abby, mamamatay muna ako bago mo makuha si Abby sa akin" "Diego, please don't make it hard for us, besides hindi mo naman makilala si Abby kung hindi ko siya binigay sayo" "Kaya nga, sino ba namang ina ang nakakatiis na mawalay ang tatlong taong gulang na anak niya sa kanya?" "Hindi ko ginusto yun" "Ginusto mo Luisa, sayo na nanggaling nuon na hindi tanggap ni Harold si Abby kaya nga binigay mo ang bata sa akin dahil mas priority mo si Harold, at saka ang sabi mo hindi mo kayang maging ina sa kanya, kulang na nga lang sabihin mo sa akin na magpasalamat ako kasi binuhay mo ang bata" "You're so mellow dramatic Diego, as per Abby, you have a special friend, magkakaanak din naman kayo" "Same as you, magkakaanak rin naman kayo ni Harold diba?" "Let's stop this nonsense Diego, at saka hindi pa naman namin kukunin si Abby sayo, may mga dapat pa kaming unahin kaya makakasama mo pa siya ng matagal tagal, pero hanggat hindi pa namin siya mababalikan, gusto ko maging close na siya kay Harold, besides pag bumalik na ang bata dito, si Harold na ang magiging ama niya" "Pwes, maghanap ka ng matatawagan para makausap si Abby dahil hindi ko na siya papakausap sayo" ani ni Diego sabay off ng call, pulang pula si Diego sa sobrang galit sa nalaman mula kay Luisa, tinapik tapik naman siya ni JC "Kausapin natin si Rico, hihingi tayo ng advise sa kanya" ani ni JC "Natatakot ako JC, paano kung makuha ni Luisa si Abby sa akin?" "Kaya nga hihingi tayo ng advise" "Hindi ko na kayang mawala si Abby sa akin, mahal na mahal ko ang anak ko" "Hindi mawawala si Abby sayo" "Sana nga" Lumipas pa ang mga oras, umuwi na si Diego, sinalubong naman siya ng anak "Daddy" ani ni Abby, binuhat naman niya ang bata saka niyakap "Andyan si Mommy, nagcook siya ng maasim" "Anong maasim?" "Yung kinain natin nung nagpunta tayo sa farm" "Talaga ba?" "Opo" ani ni Abby, siya namang lapit ni Sasha sa mag-ama, humalik rin siya sa pisngi ni Diego "Parang anak rin kita ah" ani ni Diego, natawa naman ni Sasha "Sa cheeks lang" ani pa ni Diego, dinampian siya halik ni Sasha sa labi "Nagluto ako ng Sinigang" "Wow naman, sinigang na ano?" "Sinigang na medyas, yung mga hindi pa nalalabhan, kasi mas malasa yun eh" ani ni Sasha, tawa naman ng tawa si Abby "Hala, tuwang tuwa ang bata" "Niloloko ka kasi ni Mommy" "Medyo bad din to minsan si Mommy noh? Kaninong medyas ang niluto niya?" "Medyas mo po" natatawang ani ni Abby Nanlaki ang mata ni Diego "Naku masarap nga yun" ani ni Diego, nagtawanan naman sina Sasha at Abby, tinitigan ni Diego ang anak na tuwang tuwa pati si Sasha, niyakap niya ng mahigpit ang dalawa, yumakap rin ang dalawa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD