Halos alas diyes na nang matapos sina Sasha, si Donni na ang bahalang magdala ng mga kailangan nila para sa report
"Ano? Sigurado kayo? Ayaw niyong magpahatid?" ani ni Donni sa mga kaklase niya
"Hindi na, kami na lang, kaya na namin to" ani ni Martha, hindi pa rin kumikibo si Sasha
"O basta ingat kayo" ani ni Donni at inihatid na sa may gate ang mga classmates niya, paglabas ni Sasha ng gate ay napangiti siya, andun si Diego nakatayo sa may tabi ng kotse nito, nakashorts na lang din ito at white tshirt, lumapit siya dito
"Mahal, andito ka" ani ni Sasha
"Matitiis ba naman kita?" ani ni Diego, yumakap si Sasha sa kanya, hinalikan naman siya ni Diego sa buhok, napangiti naman ang mga classmates ni Sasha, si Donni naman ay napayuko na lang
"Sasha, baka pwede kaming sumabay hanggang labasan lang" ani ni Martha
"Mahal?" ani ni Sasha kay Diego
"Sige Mahal, isabay na natin sila"
"Ahm lika papakilala kita" ani ni Sasha at hinawakan sa kamay ang boyfriend saka lumapit sa mga kaklase niya
"Hi Diego" ani ng mga ito, napangiti naman si Diego kasi alam ng mga ito ang pangalan niya
"Ang gwapo mo pala" ani ni Martha
"Naku, masyado ka namang honest" birong sagot ni Diego, pinakilala naman ni Sasha ang mga kaklase kay Diego
"Donni si Diego" ani ni Sasha, nagkamay naman ang dalawa
"Kamusta Diego, madalas kang maikwento ni Sasha sa akin" ani ni Donni
"Ganun ba? Sana yung magaganda lang naikwento niya"
"Oo naman" natatawang ani ni Donni
"Paano Donni, mauna na kami gabi na rin, isasabay na namin sila"
"Sige ingat kayo"
"Sige Donni" ani ng mga kaklase nila, sinabay na nila hanggang labasan ang mga classmate ni Sasha, dun na lamang ito sasakay pauwi sa kani kanilang bahay
"Mahal ko, nagugutom ako" ani ni Sasha
"Hindi ba kayo pinakain ni Donni?"
"Pinakain, kaso hindi ako nakakain ng husto, nagalit ka kasi sa akin"
"Sorry Mahal, sige kain muna tayo, gutom din ako"
"Burger"
"Gusto mo ng Burger?"
"Oo"
"O sige, magburger tayo" ani ni Diego
Maya maya ay nasa may Burger King na sila, umorder na si Diego habang nag-aantay si Sasha, maya maya ay bumalik na si Diego at tumabi kay Sasha saka inakbayan ito saka hinalikan sa pisngi
"Akala ko matitiis mo ako" ani ni Sasha
"Actually wala na talaga sa plano ko ang sunduin ka, pero mahal kita eh, mahal na mahal kita, nag-aalala ako na baka may mangyari sayong hindi maganda"
"Mahal rin kita alam mo naman yun diba?"
"Oo alam ko naman, sorry sa nangyari ah?"
"Sorry rin"
"Dapat siguro turuan kong magluto si Leny, eh prito lang ang alam iluto eh"
"Ganun Mahal?"
"Oo"
"Di bale pag maluwag naman ang schedule, pagluluto ko na lang kayo"
"Talaga?"
"Oo naman" ani ni Sasha, siya namang dating ng order nila "Ayan na, gutom na talaga ako eh"
"O sige kain na tayo"
Pagkatapos kumain ay hinatid na ni Diego si Sasha "Mahal, hindi na ako bababa ha?" ani ni Diego "Almost 12am na rin"
"Sige, ingat ka ha? Text mo ako pag nakauwi ka na"
Hinawakan ulit ni Diego ang kamay ni Sasha at hinalikan ito sa labi "Sunduin na lang kita bukas okay?"
"Oo, pero maaga rin ang uwi ko bukas, didiretso na lang ako sa condo para magluto ng dinner"
"Talaga?"
"Oo, ano ba ang gusto mo para sa dinner?"
"Ikaw ang gusto kong dinner"
"Salbahe" nakangiting ani ni Sasha
"Magdala ka na ng damit Mahal, para if ever hindi ka makauwi may damit ka na sa condo, tulad ngayon, hindi mo mawari ang panahon"
"Hmm, sige bukas magdadala ako"
"Ayan, o paano? Tulog agad ha?"
"Opo, ikaw rin, magpahinga ka rin agad"
"Opo na po" ani ni Diego, muli siyang hinalikan ni Sasha sa labi
"I love you Diego Cristobal"
"I love you more Sasha Cortez soon to be Mrs. Sasha Cortez Cristobal" ani ni Diego at niyakap si Sasha, maya maya ay bumaba na sa kotse si Sasha at umalis naman na si Diego
Naging ganun nga ang routine nila, pag maaga ang uwi ni Sasha ay didiretso siya sa condo para magluto ng dinner, ihahatid naman siya ni Diego pauwi, pag friday naman, pupunta si Abby at Leny sa school ni Sasha at sabay na silang uuwi kina Nenita para makapagbonding naman sina Abby at Callie, at dun na sila mag-ispend ng weekend
Isang biyernes ng gabi, habang nagkukulitan sina JC at Diego sa may poolside ay tinawagan naman muli ni Luisa si Diego
"Luisa"
"Diego, si Abby?"
"Wait lang" ani ni Diego at pinuntahan si Abby at Callie sa kwarto ni Sasha "Abby, Mommy Luisa wants to talk to you" ani pa niya, nagkatinginan naman sila ni Sasha, kinuha ni Abby ang phone
"Mommy" ani ni Abby
"Hi baby, how are you?"
"I'm good po"
"I miss you baby, do you miss me?" ani ni Luisa, tumango lang si Abby, kinuha naman ni Sasha si Callie dahil nakikitingin ito sa kausap ni Abby "Ahm, baby, someone wants to talk to you" ani pa ni Luisa at iniabot kay Harold ang phone
"Hi Abby, how are you?"
"Tito Harold?" ani ni Abby
"Yes Abby, but baby can you call me Daddy Harold?" ani nito, napakunot naman ng noo si Diego
"Why po?"
"Don't you like it?"
"I already have my Daddy, his name is Diego Cristobal"
"Ahm, yeah but I can be your daddy too"
"Are you sure Tito Harold?"
"Yes of course baby, and someday we will go to the Philippines to visit you"
"Really?"
"Yes baby"
"Baby Abby, nag-aaral ka na raw" ani ni Luisa
"Yes Mommy, I have many friends"
"Very good naman ng baby ko"
"Sabi kasi ni Daddy at Mommy dapat good girl ako sa school"
"Sino ang nagsabi?"
"Si Daddy at Mommy"
"Mommy who?"
"My Mommy Sasha"
"And who is she?"
"Daddy's special friend"
"Ohh, okay... Ahm baby, tatawag ulit kami, talk ulit tayo ha?"
"Okay po" ani ni Abby saka binalik ang phone kay Diego
"Anak, close pala kayo ni Tito Harold ah, bakit sabi mo dati hindi ka niya kinakausap?" ani ni Diego at tinabihan ang anak sa gilid ng kama
"I'm telling the truth Daddy, ngayon nga lang ako kinausap ni Tito Harold, dati sabi ko kung Daddy ko siya, sabi niya po no daw, wala raw akong Daddy" ani ni Abby, kinuha ni Diego ang anak at niyakap, nagkatinginan naman sila ni Sasha, napaisip siya, bakit iba ang sinasabi ni Abby sa pinapakita ni Harold ngayon pati na rin ni Luisa.