Dumating ang araw ng linggo, after lunch ay umalis na sila sa farm, hinatid muna ni Diego si Sasha sa bahay nina Nenita
"Uy andito na kayo" ani ni Liezl habang karga ang anak
"Ate!" sigaw ni Callie nang makita si Abby, binaba ito ni Liezl at nagyakapan ang magpinsan, bumeso naman sina Diego at Sasha kay Liezl
"Ate may dala kaming mga mangga"
"Wow naman, may mangga ulit tayo, makagawa nga homemade mango ice cream"
"Tita enge" ani ni Abby
"Sige Abby"
"Callie play tayo gusto mo? Piko play tayo"
"Piko?" ani ni Liezl
"Opo Tita, nilaro ko po yun sa farm"
"Hindi pa kaya ni Callie yun eh"
"Ay oo nga, maliit pa siya kasi, iba na lang laruin natin Callie"
"Ate luto"
"Sige yun na lang" ani ni Abby at pumasok na sila ni Callie sa loob ng kwarto
"Sila Tita?" ani ni Diego
"Nasa Singapore sila ni Tita Norma, naglalamyerda"
"Eh si JC?"
"Inutusan ko pumuntang coffe shop, pinahatid ko yung lasagna"
"Ahh okay"
"Dito na kayo maghapunan ni Abby ha?"
"Sige salamat"
"Ah Ate, pasok muna ako sa kwarto ako, tatapusin ko lang ang report ko, finishing na lang naman" ani ni Sasha
"Tulungan na kita" ani ni Diego
"Kaya ko na yun Mahal"
"Anong gagawin ko dito? Wala naman si JC"
"Hmm" nakangiting ani ni Sasha "Sige tulungan mo ako, ilalabas ko na lang ang laptop ko"
"Okay sige" ani ni Diego
"Sige, kayo nang bahala dito, magchecheck rin ako ng inventory report eh, nangungulit lang si Callie kanina, buti nga dumating ang Ate Abby niya" ani ni Liezl
"Sige po Ate" ani naman ni Sasha
Maya maya ay tinatapos na ni Sasha at Diego ang report, siya namang dating ni JC
"Kuya" ani ni Sasha, tumayo ito at bumeso kay JC
"Kuya" ani rin ni Diego at bumeso rin kay JC
"Naabno ka nanaman noh?" ani ni JC kay Diego
"Namiss kita" ani pa ni Diego at yumakap sa braso ni JC
"Sasha, anong nangyari dito?"
"Ewan ko dyan Kuya" natatawang ani ni Sasha
"Hoy Diego tigilan mo ako, sasapukin kita" ani ni JC
"Ang init ng ulo mo bro"
"Paano dumaan ako sa opisina, until now hindi pa tapos ang lobby"
"Grabe naman, magtutwo weeks na yun ah"
"Kaya nga eh, darating pa naman sina Mr. Thompson sa weeked"
"Naku oo nga pala, saan pala sila tutuloy?"
"Sa hotel, naayos naman na, saka 3-4 days lang sila dito then sa India naman ang next stop nila"
"Ahh okay" ani ni Diego, siya namang labas nina Callie at Abby
"Daddy" ani ni Callie at yumakap sa ama
"Tito" ani rin ni Abby, binuhat naman ni Diego ang dalawang bata
"Anong ginagawa ng dalawang chikiting namin?" ani ni JC
"Luto Ate talap" ani ni Callie, natawa naman si Abby
"Anong niluto ni Ate Abby?"
"Medyas" ani ni Abby, natawa naman si Sasha at Diego
"Nagluto ka ng medyas?" ani ni Diego kay Abby
"Opo yung may maasim na sabaw"
"Kaninong medyas ang niluto mo?" naaaliw na tanong ni JC, nawala na ang init ng ulo niya
"Kay Callie po" ani ni Abby, tawang tawa naman si JC at hinalikan sa pisngi ang dalawang bata
"Nakakagigil kayong dalawa"
"Tito may salubong ka?
"Sorry wala eh, nagpunta kasi si Tito sa office"
"Next time na lang po?"
"Opo next time" nakangiting ani ni JC, yumakap naman ang mga bata kay JC.
Kinabukasan, ganun pa rin ang routine nila, sinundo nina Diego si Sasha at inihatid sa school
"O Mahal anong oras kita susunduin?" ani ni Diego
"Mahal, diba may gagawin kami?"
"Oo nga pala, itext mo na lang sa akin kung saan kita susunduin"
Ngumiti si Sasha "Sige Mahal ko, paano pasok na ako, bye, I love you" ani ni Sasha at dinampian ng halik sa labi si Diego, pati si Abby
"Babye Mommy, behave ka dun ah, wag kang makikipag away, dapat lagi kang friends sa mga classmate mo para hindi magalit si teacher" ani ni Abby
Napangiti si Sasha "Opo anak, behave lang si Mommy"
"Okay Mommy, I love you"
"I love you too" ani ni Sasha at bumaba na ng kotse
Lumipas pa ang mga oras, sabay sabay na nga silang magkakagrupo na nagpunta sa bahay nina Donni, maganda naman ang bahay ng nina Donni, nagpunta sila sa third floor at dun sila pumwesto para gawin ang report nila
"Kailangan natin matapos today kasi sa wednesday na to" ani ni Martha
"Oo nga eh" ani ni Sasha, siya namang akyat ni Donni kasunod ang katulong
"Kain muna"
"Wow may pameryenda si Mayor" biro ni Martha
"Ganun talaga" ani ni Donni at tumabi kay Sasha "Ahm Sasha, naibilin ko na pala na pag dumating si Diego paakyatin na lang dito"
"Ah ganun ba, baka mahiya yun, yaan mo na, magtetext naman siya"
"Kain muna tayo, pizza at juice, nagpadagdag na rin ako ng food para sa dinner, baka abutin pa tayo ng dinner dito, ihahatid ko na lang kayo"
"Naku Donni wag na, sobrang abala na to" ani naman ni Theo "Kaya na namin"
Lumipas pa ang mga oras, almost 7pm na nang dumating si Diego sa tapat ng bahay nina Donni, tinawagan niya si Sasha
"Mahal, andyan ka na?" ani ni Sasha
"Oo, hindi pa ba kayo tapos?"
"Medyo hindi pa eh"
"Ganun ba?"
"Bakit?"
"Wala naman, pero di bale sasabihan ko na lang si Leny na sa Jollibee na lang sila kumain ni Abby"
"Oo nga pala, kawawa naman si Abby, eh Mahal, wait bababa ako" ani ni Sasha at inoff ang phone "Donni, puntahan ko lang si Diego sa baba ah"
"O sige" ani naman ni Donni
Bumaba naman si Sasha at lumabas, lumabas rin si Diego sa sasakyan
"Matagal pa talaga kayo?" ani ni Diego
"Oo eh, kawawa naman si Abby"
"Matagal pa pala akong mag-aantay"
"Eh kasi sabi ko magtext ka muna bago magpunta dito eh"
"Ako na nagmagandang loob kasalanan ko pa?"
"Hindi naman sa ganun"
"O siya sige, babalik na lang ako, uuwi muna ako sa condo, uuwian ko na lang ng pagkain yung dalawa, text mo na lang ako pag malapit na kayong matapos"
"Ahm baka kasi malate na kami, ako na lang ang uuwi, magpahinga ka na lang, alam kong pagod ka"
"Ayus ah, para akong ibang tao ah"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Bakit? Kung sakali bang hindi kita masusundo ihahatid ka ni Donni pauwi sa inyo?"
"Hindi, magkasabay kami ng mga classmates ko, hindi niya kami ihahatid dahil sobrang abala na yun eh" ani ni Sasha, hindi naman na kumibo si Diego
"Magdesisyon ka Sasha, susunduin kita o sasabay ka mga classmates mo"
"Galit ka ba?" ani ni Sasha, hindi kumibo si Diego "Sige, sasabay na lang ako sa mga classmates ko, isang way lang naman kami, magtatricycle na lang ako pagbaba ko sa may Ever"
"Sige gusto mo yan"
"Diego, ayoko lang na mapagod ka"
"Sasha boyfriend mo ako, obligasyon ko na sunduin kita"
"Hindi kita inoobliga, alam ko namang may iba ka pang dapat intindihin"
"Sige, kung yan ang gusto mo, bye" ani ni Diego sabay sakay sa kotse niya, tumulo naman ang luha ni Sasha, pinunasan niya yun at bumalik na sa loob
"O Sasha san si Diego?" ani ni Donni nang masalubong niya ito galing kitchen
"Umuwi na"
"Nag-away ba kayo?" ani ni Donni, hindi naman kumibo si Sasha "Gusto mong pag-usapan?"
"Hindi na Donni, masyadong personal eh, tapusin na lang natin yung ginagawa natin" ani ni Sasha at nauna nang umakyat sa taas.