Chapter 29- Bloodle fight

1067 Words
Lumipas pa ang mga oras, pinakuha nga ni Mang Sol si McDonald at pinasakay ni Diego ang anak dun, alalay naman ni Mang Sol ang kabayo, habang naglalakad naman sila ni Sasha papunta sa may valley para magpicnic "Si Tatay?" ani ni Sasha "Andun na, sineset up na nila ang ihawan nung ibang tauhan, sila na raw ang bahala, kaya nga kanin na lang ang pinadala ni Tatay, magboodle fight daw tayo" "Wow sige, masaya yun" ani ni Sasha nang mapansin niyang tahimik si Abby "Nak, okay ka lang?" "Mommy ang taas ng horse" "Wag kang mag-alala anak" ani ni Diego "Mabait yang si Mcdonald" "Hindi niya po ako ihuhulog?" "Hindi yan, at saka andyan si Mang Sol" "Mang Sol, mabait ba talaga siya?" tanong naman ni Abby kay Mang Sol "Opo naman Abby, mabait tong si Mcdonald, wag kang mag-alala" Maya maya dumating na sila sa may valley, andun na ang mga tauhan at naglagay sila ng mahabang table "Kamusta po" ani ni Diego sa mga tao "Sir Diego" ani ng mga tao "Wow ang daming seafoods" ani ni Diego at kinuha ang anak "Ahm pinapakilala ko po sa inyo ang anak ko po si Abby, at saka fiancée ko po si Sasha" "Wow Sir Diego, mag-aasawa ka na" ani ng isang binatilyo "Oo naman" "Sa wakas Sir, magkakaroon na ng first lady ang farm" ani ng isa "Oo nga" ani pa ng iba, napangiti naman si Sasha "O dali tapusin na natin to at mukhang gutom na ang apo ko" ani naman ni Alfredo "Lolo Al" ani ni Abby at tumakbo sa lolo niya "Ang cute niya" ani ng mga tao Binuhat naman ito ni Alfredo at pinatuntong sa isang upuan "O sabay sabay tayo kakain, tapos nakakamay" "Walang plate?" "Wala, dito tayo sa dahon kakain" "Lolo asan ang chicken?" "Meron apo, naglechon din sila ng manok" "Lolo, gusto ko mango ah" "Opo naman, mamaya po" ani ni Alfredo, inihain na rin ni Diego ang dalang kanin, nagtulong tulong sila para sa boodle fight, pati si Abby ay tumulong, nagpicture picture pa sila, maya maya ay kumain na sila, ganadong ganado silang kumain lahat, pagkatapos kumain ay naglatag ng banig sina Diego sa ilalim ng punong mangga at naupo sila ni Sasha habang nakikipaglaro si Abby sa ibang bata, kausap naman ni Alfredo ang ibang tauhan "Busog na busog ako Mahal" ani ni Sasha "Pag bumaho dito alam ko na kung sinong umutot" ani naman ni Diego, napatingin tuloy si Sasha sa kanya "Ang kapal naman niya" natatawang ani ni Sasha "Joke lang Mahal ko, tingnan mo ang anak natin, marunong din talaga siyang makisama" "Oo nga eh, nakakatuwa siya" ani ni Sasha nang biglang may tumatawag kay Diego sa sss messenger niya, si Luisa "Mommy ni Abby?" ani pa ni Sasha "Ano kayang problema nito?" ani ni Diego "Sagutin mo baka importante" Ganun na nga ang ginawa ni Diego "Luisa" "Diego kamusta?" "Okay naman, bakit napatawag ka?" "Gusto ko lang kamustahin si Abby" "Ahm, okay naman siya, nag-aaral na" "Mabuti naman, pwede ko ba siyang makausap?" "Tulog eh, pinapatulog namin yun after lunch" ani ni Diego, napatingin naman si Sasha sa kanya "Ganun ba? Namimiss ko na siya eh?" "Talaga ba Luisa?" "O-Oo" "Okay, tawag ka na lang ulit kapag gising ang bata, paano? May pupuntahan kasi ako, pasensiya na" "Sige Diego, tatawag na lang ulit ako" "Sige bye" "Bye" at inoff na nila ang video chat "Bakit sinabi mong tulog si Abby?" tanong ni Sasha kay Diego "Hindi kasi ako kumportable na magkausap sila" "Bakit naman? Anak niya si Abby, may karapatan siya na makausap ang anak niya" "Sa susunod na lang" "Natatakot ka ba?" "Saan naman ako matatakot?" "H-Hindi ko alam, pero kasi" "Mahal ko, okay na, ipapakausap ko naman si Abby sa kanya pero wag ngayon" "Sige, ikaw ang bahala, ikaw naman ang ama" "Galit ka ba?" "Hindi ako galit, nagtataka lang ako, kasi kung ako siguro ang nasa katayuan ni Abby, baka gustuhin ko rin makausap ang Mommy ko" "Sige Mahal ko, mamayang gabi, pagkauwi natin, ako mismo ang tatawag kay Luisa para magkausap sila ni Abby" "Mahal, wag mong ipagdadamot si Abby kay Luisa, mag-ina sila" "Hindi ko naman pinagdadamot" taas boses na ani Diego tapos ay huminga ng malalim "Alam mo kung bakit ayoko ipakausap? Hindi ko alam ang purpose niya, ilang buwan na mula nang iwan niya ang bata tapos ngayon tatawag siya na parang wala lang, nagising si Abby nang wala na siya, ni hindi ko alam kung paano iaapproach ang bata, malay ko sa pagiging ama? Sinabi ko sa kanya yun pero ano ang sagot niya? Nakaya ko naman daw na buuhin si Abby, kakayanin ko rin paamuhin ang bata, alam mo yun, kaya sana naiintindihan mo rin ako" halos pabulong na ani ni Diego pero may diin ang mga salita "N-Naiintindihan naman kita eh" "Ewan ko Sasha, saka ako ang ama ni Abby, ako ang magdedesisyon kung kailan sila mag-uusap dahil nasa pangangalaga ko si Abby" ani ni Diego, hindi na kumibo si Sasha saka yumuko na lang, maya maya ay hinawakan ni Diego ang kamay niya "Sorry" ani ni Diego, tumingin si Sasha sa kanya "Ang sa akin lang, sana tinanong mo muna si Abby, kasi Mommy niya pa rin si Luisa, kesa naman sa bandang huli ikaw pa ang mapasama" ani ni Sasha, tumango naman si Diego "Sorry Mahal, sige mamaya, promise patatawagin ko si Abby sa Mommy niya" ani ni Diego kay Sasha saka ito inakbayan at niyakap at hinalikan sa noo Lumipas pa ang mga oras, nakauwi na sila sa bahay, nakaupo sila sa may veranda nang tanungin ni Diego si Abby "Nak, mamaya tatawagan natin si Mommy mo ha? Namimiss ka na niya" "Mommy?" "Oo Mommy Luisa" "Sige po" balewalang sagot ni Abby "Ahm, gusto mo call na natin siya?" "Okay lang po" "Kausapin mo ha?" "Daddy maya mo na lang tawagan si Mommy Luisa" "Bakit naman?" "Wala lang" ani nito saka tumayo at pumasok sa loob ng bahay at naupo sa sofa, sinundan ito ni Diego at Sasha "Anak, may problema ba?" "Daddy, hindi ko naman po kasi namimiss si Mommy Luisa eh" ani ni Abby, nagkatinginan naman si Sasha at Diego "Eh nak, namimiss ka niya" ani ni Sasha "Ayoko po siyang kausap, kasi iniwan niya ako" sagot ng bata "Sige ganito anak, pag tumawag si Mommy, kausapin mo ha?" ani ni Diego, tumango naman si Abby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD