CHAPTER 28- Farm
Halos alas nwebe na nang makarating sila sa farm, hikab na rin ng hikab si Abby, kinarga na ito ni Diego dahil mukhang wala na sa mood ang bata
"Andito na tayo, namiss ko rin tong bahay ahh" ani ni Alfredo
"Tay, dun na lang kami matutulog tatlo sa kwarto ko" ani ni Diego
"O sige kayo ang bahala" ani ni Alfredo "Mukhang antok na ang apo ko o" ani pa niya sabay himas sa likod ng Abby
"Eh Tay, si Mang Sol po?"
"Bukas pa darating si Sol, pinauwi ko rin siya nung dumalaw ako sa inyo"
"Ahh okay, O anak, goodnight na kay Lolo" ani ni Diego
"Goodnight Lolo"
"Goodnight apo" ani ni Alfredo at hinalikan sa pisngi ang apo "Kayo na ang bahala dito, matutulog na ako, madaling araw ang gising ko bukas dahil mag-iikot kami ni Erning"
"Gaano kaaga naman po yan?"
"4am gigising na para pag maliwanag na aalis na kami"
"Morning person po talaga kayo noh?" ani naman ni Sasha
"Oo nak, nasanay na ang katawan ko sa ganun, pag tinanghali ako ng gising, halimbawa, 5am o mas late pa, sumasakit ang ulo ko"
"Ganun po?"
"Oo, pero kasi hindi naman talaga pagod ang katawan ko, masarap naman kasi ang simoy ng hangin dito kaya nakakarelax pa rin"
"Opo nga po eh" nakangiting ani ni Sasha
"Bukas mamasyal tayo sa Manggahan, magpicnic tayo" ani ni Diego
"Sama ako Daddy" ani ni Abby na namumungay na ang mga mata
"Opo sama ka, tayo nila Lolo ang magpipicnic"
"Opo" ani ni Abby
"Mabuti pa Abby, linisan na kita ng katawan nang makatulog ka na" ani ni Sasha
"O sige" ani ni Diego at binaba ang anak "Pasok na kayo ni Mommy sa kwarto, kukunin ko lang ang mga gamit natin" ani pa ni Diego
"Mauna na ako sa kwarto" ani ni Alfredo
"Goodnight Tay" ani ni Sasha
"Goodnight" ani ni Diego saka tumalikod para pumasok sa kwarto niya, pumasok na rin sina Sasha at Abby sa kwarto ni Diego, hinubaran na ni Sasha ang bata at nilinisan na sa CR, paglabas nila ay andun na si Diego at binuksan ang tv saka inaayos ang higaan, binihisan naman ni Sasha ang bata
"O nak, sleep na ha?" ani ni Sasha
"Yes Mommy, goodnight, I love you"
"Goodnight, I love you too" ani ni Sasha, kumiss naman sa lips si Abby at pumwesto na sa gitna ng kama, saka pumikit, antok na antok na talaga to kaya ang bilis nakatulog
"Mahal, mauna na ako sa CR ah" ani ni Sasha
"Gusto mo sabay tayo?" nakangiting ani ni Diego
"Tse!" nakangiting ani ni Sasha, napakamot naman ng ulo si Diego
Lumipas pa ang mga sandali, nakahiga na sa kama sina Diego, Sasha at nasa gitna nila si Abby, tulog na tulog na talaga ang bata, yumakap ito kay Sasha kaya niyakap niya rin ang bata
"Ang sweet ng anak ko" ani ni Sasha
"Anak mo lang?" nakangiting ani ni Diego
"Anak natin"
"Gawan na natin ng kapatid si Abby"
"Para kang sira"
"Joke lang Mahal ko, hays! Alam mo hindi ko iniexpect na ganito ang mangyayari sa buhay ko, pero sobrang saya ko, dahil andyan ka, andito si Abby"
"Ako rin, sa totoo lang hindi ko na inexpect na makakapag-aral pa ako"
"Mabait ka naman kasi, pero si Sally, mabait naman talaga ang Ate mo, palagay ko takot talaga siya maiwan dahil na rin sa nangyari sa inyo nuon, naikwento kasi ni JC ang sinabi ni Sally sa inyo nuon, minahal niya lang talaga si JC at hindi niya naihandle ng maayos yun nung nagkahiwalay sila, at saka hindi talaga sila para sa isat-isa"
"Oo nga, sana someday makahanap si Ate ng totoong magmamahal sa kanya, hindi ko pa nga siya nadadalaw ulit"
"Gusto mo pagbalik natin, dalawin natin siya tapos sabihin na natin yung tungkol sa ating dalawa"
"Sige, namimiss ko na rin ang Ate ko"
"Alam mo nga, nung nasa Switzerland pa kami, sinabi ko talaga kay Sally na tutulungan ko siya na magkabalikan sila ni JC, pero pagbalik namin, buntis na si Liezl nun, at nakikita ko kay JC na mahal na niya si Liezl, imagine Mahal, hindi naniniwala si JC sa kasal pero pinakasalan niya si Liezl"
"Talaga?"
"Oo, sabi ko sayo, teka wala bang naikukwento sayo si Sally tungkol kay JC?"
"Wala eh, sa totoo lang, nalaman ko lang na may JC palang dumating sa buhay niya nung nakulong siya, dun ko lang nalaman, tapos iba yung kwento niya, na inagaw ni Ate Liezl si Kuya JC kaya ako bilang kapatid niya, alam ko nasaktan siya eh, naagrabyado, kaya yun pumayag ako na ipaghiganti siya, pero habang tumatagal nakikilala ko sila, nakokonsensya ako, yun"
"Di bale, tapos na yun" ani ni Diego "Sleep na tayo Mahal ko, para makapagpicnic tayo bukas"
"Sige Mahal, goodnight, I love you" ani ni Sasha
"Goodnight Mahal ko, I love you more" ani ni Diego saka hinalikan si Sasha sa labi at nahiga na sila saka natulog, maya maya ay tulog na si Sasha, gising na gising naman si Diego, nilingon niya ang dalawang babae sa buhay niya, napangiti siya at niyakap ang dalawa "Mahal na mahal ko kayo" ani ni Diego
Kinabukasan, maaga pa lang ay nagising na si Alfredo, siya rin namang dating ni Mang Sol
"O Sol, kamusta bakasyon?"
"Ayun masaya Sir, ano po bang almusal niyo?"
"Ah, maghanda ka ng almusal, andito sina Diego kasama ang girlfriend at anak"
"Ahh talaga ba? Naku Sir, meron tayong itlog na maalat dyan, gawa sa itlog ng itik saka boneless bangus"
"Sige maghanda ka na Sol, pakuha ka na rin ng gatas ng baka para sa apo ko"
"Sige po Sir" ani ni Sol at nagpunta na sa kusina
Alas syete na nang magising sina Diego, si Mang Sol na lang ang naabutan nila
"Uy Diego, andyan ka na pala, kayo pala" ani ni Mang Sol
"Kamusta Mang Sol?" ani ni Diego "Ah si Sasha po pala, fiancee ko, saka si Abby ang anak ko"
"Magandang umaga po" ani ni Sasha
"Magandang umaga rin" ani ni Mang Sol "Kain na kayo, naghanda ako ng boneless na bangus saka itlog na maalat, pati sinangag at gatas ng baka"
"Wow naman Mang Sol, ang sarap naman nito" ani ni Diego
"Oo masarap talaga yan"
"Alam mo Mahal" ani ni Diego kay Sasha "Nung last na nagpunta tayo wala si Mang Sol kasi nagkasakit ang asawa niya, pero siya ang nag-aasikaso dito, ayaw kasi kumuha ni Tatay ng babaeng makakasama, para iwas chismis daw"
"Ahh, sabagay nga" sagot naman ni Sasha
"Daddy, picnic tayo later?" ani ni Abby
"Yes po anak"
"Daddy I like the eggs with tomatoes"
"Sure baby" ani ni Diego sabay lagay ng itlog sa plato ng anak
"Mahal, gusto ko rin ng bangus" ani ni Sasha
"Syempre naman para sa Mahal ko"
"Thank you"
"Thank you lang?"
"I love you"
"I love you too"
"Daddy may horse ba dito?"
"Mang Sol andyan pa ba si McDonald?"
"Mcdo?" ani ni Abby habang nanlalaki ang mga mata
"Andyan pa Diego, gusto mo ipakuha ko?"
"Sige po Mang Sol, para naman makasakay sa horse ang anak ko"
"Horse si Mcdo? Clown siya diba?" ani ni Abby, natawa naman sina Diego at Sasha
"Yun yung pangalan ng horse" ani ni Diego
"Naku Diego, andyan pa nga Tropical saka si Jollibee saka si Andoks"
"Sayang nga, apat na lang silang natira"
"Kaya nga, pero at least gumaganda na ulit ang kita ng Manggahan kaya nasave yung apat"
"Opo nga po eh"
"Mahal, nakakatuwa naman pangalan ng mga kabayo"
"Ewan ko ba kay Tatay" nakangiting ani ni Diego.