Lumipas pa ang mga oras, pagkatapos kumain ay kinausap ni Nenita sina Diego at Sasha sa may poolside
"Diego, Sasha"
"Tita" ani ni Diego
"Diego, alam kong mahal na mahal niyo ang isat-isa, at wala ako sa posisyon para pigilan kayo, all I want is maging maayos si Sasha, maaaring hindi ko siya kadugo pero hindi na siya iba sa akin, mahal ko na rin ang batang yan" ani ni Nenita, tumulo naman ang luha ni Sasha at pinunasan niya yun "Alam niyo, pinagdaanan ko na yan, mahal na mahal namin ni Lito ang isat-isa, nabuntis ako nung nag-aaral pa ako, pero wala akong pinagsisisihan, ang punto ko dito, maaaring dumating ang panahon na hindi na kayo makapagpigil sa mga sarili niyo, na gusto niyong ipadama sa isat-isa ang pagmamahal niyo, kaya ang hinihiling ko sana ay mag-iingat kayo, para makagraduate si Sasha"
"Naiintindihan ko po Tita" ani ni Diego
"Mabuti naman Iho, ikaw ang magdadala kay Sasha, basta gusto ko lang makatapos siya"
"Opo Tita"
"O paano? Magpapahinga na ako, pag-iisipan daw ni Alfredo ang business proposal ko sa kanya" ani ni Nenita saka tumayo at tumalikod na, tumayo rin si Sasha at sumunod kay Nenita
"Tita" ani ni Sasha, humarap si Nenita sa kanya at niyakap ito ni Sasha habang umiiyak "Thank you po, Thank you sa lahat"
"Sssshhh, okay na, basta mag-iingat kayo okay? Hanggat kaya Sasha, wala sanang mangyari sa inyo pero, alam ko rin kung gaano niyo kamahal ang isat-isa, basta mag-ingat ka"
"Opo Tita"
"Mahal kita, hindi ka na iba sa akin"
"Mahal ko rin po kayo Tita, Mama na po ang turing ko sa inyo"
"Parang anak na rin kita, kaya gusto magkaroon ka ng magandang buhay"
"Thank you po ulit" ani ni Sasha saka yumakap ulit kay Nenita
"O siya, magpapahinga na ako, magpahinga na rin kayo, may pasok pa bukas"
"Opo" ani ni Sasha, tuluyan nang pumasok si Nenita sa loob, tumabi naman si Sasha kay Diego, niyakap naman siya nito
"Ssshhh, tama na Mahal" ani ni Diego "Tutuparin natin ang pangako natin kay Tita, wag kang mag-alala" ani pa niya, hindi naman kumibo si Sasha, nakayakap lang sa kanya
Lumipas pa ang mga araw, friday ng hapon ay bumabyahe na sila Diego pa-Batangas para ihatid si Alfredo, hindi na nila kasama si Leny para makapag dayoff naman ito kasama ang kapatid na si Lita, dun din muna ito kina Nenita matutulog
"Mommy" ani ni Abby sabay yakap kay Sasha, nakaupo sila sa backseat
"Bakit Abby?"
"Mommy hungry na po ako"
"Hala, Mahal, gutom na raw si Abby" ani ni Sasha
"Naku Nak, ano bang gusto mo?" tanong ni Diego sa anak
"Kahit ano po"
"Kumain muna tayo Diego" ani ni Alfredo "May malapit na bulaluhan tayong madadaanan"
"Sige po Tay" ani ni Diego, maya maya ay nasa bulaluhan na sila, bumaba na sila sa kotse
"Bahay Kubo" amaze na ani ni Abby
Napangiti naman sila sa sinabi ni Abby "Bahay kubo Nak?" ani ni Diego
"Opo, ganda"
"Mas maganda pa rin ang anak ko" ani ni Diego sabay buhat sa anak "Sus ang bigat mo na nak"
"Opo Daddy, galing noh?"
"Opo ang galing" natatawang ani ni Diego saka sila pumasok sa loob
"Anong gusto niyo?" ani ni Alfredo
"Fried Chicken" ani ni Abby
"Okay, fried chicken" ani ni Alfredo "O ikaw Sasha"
"Kayo na po ang bahala Tay"
"Tay Bulalo Sinigang" ani ni Diego, siya namang lapit ng crew
"Ahm, isang half na Fried Chicken, Isang Large Bulalo Sinigang, isang calamares, apat na pineapple juice, 1 platter ng rice"
"Apple juice" ani ni Abby
"May apple juice kayo?" ani ni Alfredo
"Meron po Sir" ani ng crew
"Sige tatlong pineapple juice saka isang apple juice para sa apo ko"
Ngumiti naman si Abby habang nilalaro ang lagayan ng toothpick
"Mommy para po saan to?"
"Pantanggal ng tinga sa teeth" ani naman ni Sasha
"Ano po yun?"
"Yung mga maliliit na sumasabit sa gilid ng teeth natin pag kumakain tayo"
"Paano po ganito?" ani ni Abby sabay kuha ng toothpick at tusok sa ipin
"Ganito o" ani ni Sasha at kinuha ang salamin saka pinakita kay Abby ang paggamit ng toothpick, siya ang nagtoothpick ng teeth ni Abby habang nakatingin ito sa salamin
"Mommy tutoothpick ako mamaya ah?"
"Okay sige" natatawang ani ni Sasha
"Mommy, bakit ang daming toothpick?"
"Ganun talaga yun"
"Mommy ibalik mo na yung toothpick, sayang po, hindi naman po putol"
"Ay grabe" natatawang ani ni Sasha, natawa rin sina Alfredo at Diego "Isang beses lang yun ginagamit, hindi pwedeng ulitin"
"Bawal yun?"
"Opo anak bawal yun"
"Mommy" ani ni Abby sabay yakap kay Sasha "I love you Mommy, happy po ako"
"Ha?" nagtatakang ani ni Sasha "Bakit?"
"Kasi po tinawag mo akong anak, dalawa na kayo ni Daddy tumatawag sa akin na anak" ani ni Abby, niyakap ni Sasha si Abby
"I love you anak" ani ni Sasha
"I love you too Mommy" ani ni Abby sabay kiss sa lips ni Sasha, nagkatinginan naman sina Diego at Alfredo at nagkangitian
Maya maya ay dumating na ang inorder nila, ganado naman kumain si Abby, pinupunasan pa ni Sasha ang bibig ng bata
"Mommy, penge akong sabaw, tikim ako"
"Eto nak" ani ni Sasha at sinubuan ng sabaw si Abby
"Hmm, sarap Mommy, asim"
"May medyas kasi yan" ani ni Diego
"Mahal ano ba?" natatawang ani ni Sasha
"Niluluto po ba ang medyas?" ani ni Abby
"Wag mong pakinggan si Daddy"
"Niluluto siguro ni Daddy medyas niya" ani ni Abby, tawang tawa naman si Diego
"Hoy Diego, umayos ka nga, bata pa yang anak mo" natatawang ani ni Alfredo
"Daddy, pag niluto mo ang medyas mo patikim po ako ah?"
Tawang tawa naman si Diego "Mahal, ano ba? Kung ano ano ang tinuturo mo sa bata" ani ni Sasha
"Nak, joke ko lang yun, hindi pwede iluto ang medyas okay?" ani ni Diego
"Yes Daddy" ani ni Abby sabay tingin kay Sasha "Mommy parang baliw ba si Daddy?"
Natawa naman si Sasha sa bata "Ano sa tingin mo?"
"Hindi ko po alam"
"Nak, alam mo ba yung baliw?" ani ni Diego
"Narinig ko lang sa classmate ko, sabi niya baliw yung isang classmate namin"
"Nak, bad yun, bullying yun, wag mong gayahin ang classmate mo, dapat friends kayo ng mga classmate ha?"
"Opo Daddy, hindi ko po yun sinasabi"
Bumulong naman si Diego kay Sasha "Matalino noh?"
"Mana sa akin" ani ni Sasha
"Kagaling! etsapwera nanaman ang Daddy"