Chapter 25 - Chicken Sopas

1130 Words
CHAPTER 25 - CHICKEN SOPAS Pagkatapos maghugas ay pumasok na sila sa kwarto, nilabasan naman ni Diego ng tshirt at short si Sasha habang nasa banyo pa ito, maya maya ay lumabas si Sasha at nagbihis na, tawang tawa naman si Diego sa kanya "Bakit mo ako pinagtatawanan?" malungkot na tanong ni Sasha "Naaliw lang ako Mahal ko, naalala ko si Abby nung unang iniuwi ko siya sa condo ko dati, naiwan namin ang bag niya sa inyo tapos wala siyang damit, tshirt lang pinasuot ko sa kanya nuon, sabi ko pa wag siyang iihi sa kama, sabi niya wag rin daw ako iihi sa kama" natatawang kwento ni Diego, napangiti naman si Sasha at naupo sa gilid ng kama "Ikaw naman mukhang tomboy" "Nabaliw ka naman, Saang side ako Mahal?" "Ikaw? San mo ba gusto?" "Dito na lang sa left side mo" "Sige, magpahinga ka na, magpepfreshen up lang ako, tapos tawagan natin si JC" ani ni Diego, tumango naman si Sasha at pumasok na sa CR si Diego, maya maya ay lumabas na siya, nagbihis na siya ng boxers at sando, nakaupo naman si Sasha sa kama at nakasandal sa headboard habang nanonood ng tv, tumabi si Diego sa kanya at nagkumot rin saka yumakap kay Sasha "Ang lamig Mahal ko" ani ni Diego "Mahal tawagan mo na si Kuya JC para makibalita tayo" "Sige sige" ani ni Diego saka kinuha ang phone niya at kinontak si JC "Hello JC" "Low?" ani sa kabilang linya, napakunot ng noo si Diego "JC?" "Dy la" ani ulit sa kabilang linya, napangiti si Diego at tumingin kay Sasha "Si Callie to, pakinggan mo" ani ni Diego saka inispeaker ang phone niya "Hello" "Low" sagot ulit ng bata, napangiti si Sasha "Hello Callie" ani ni Sasha "Ta?" ani ng bata "Opo, ang galing naman nakilala mo si Tita Sasha" "Ta uwi?" "Naku baby hindi makakauwi si Tita eh" "Uwi na Ta" ani ni Callie "Hello" ani ni JC "JC, ibigay mo ang telepono kay Callie nag-uusap kami" ani ni Diego "O sige, anak kausapin mo si Tito Diego" "To uwi" "Hindi na po uuwi si Tita Sasha, dito na siya titira" ani ni Diego biglang umiyak si Callie "Uwi na Ta" iyak na ani ng bata "Demonyo ka Diego pinaiyak mo pa ang anak ko" ani ni JC, tawang tawa naman si Diego "Bakit ka ba tumawag?" "Makikibalita sana kami dun sa babae kanina" "Ayun nga, anak pala yun nung guard, pinaupo muna dun kasi sabay rin sila uuwi, magmomotor na lang" "Hala, kamusta naman?" "Nadala sa ospital, under observation pa, kawawa nga, lintik lasing pala yung driver ng kotse at nawalan ng kontrol sa manibela" "Paano yan? May bagyo? Paano maaayos ang lobby?" "Yun na nga eh, nagpadagdag na kami ng Security sa may lobby, tapos nilagyan na lang muna ng lona kasi hindi pa siya magagawa" "Tsk, kawawa yung anak ng guard" "Kaya nga eh, isang anak lang pala yun kaya talagang pinagsisikapan na makatapos, sana nga maging okay siya, sana makaligtas siya" "Oo nga eh, sana makaligtas siya, asan na si Callie?" "Pinapatulog na ni Lita, hinatid ni Liezl sa kwarto niya, hoy Diego, alagaan mo yang si Sasha, ibalik mo ng buo yan, buo ha" "Grabe siya, oo iuuwi ko ng buo" tatawa tawang ani ni Diego "May kailangan ka pa ba? May gagawin pa ako, gagawa pa ako ng report dun sa nangyaring aksidente" "O siya sige bye" "Bye" ani ni JC at inoff na nila ang phone "Mahal, naawa tuloy ako kay Callie" ani ni Sasha "Alam mo minsan nga bago siya matulog dadaan muna siya sa kwarto ko, maggugoodnight siya, kikiss at saka maghahug" "Eh di ako muna ang Callie mo" ani ni Diego sabay halik sa pisngi ni Sasha at yakap dito "Loko ka talaga Mahal ko" natatawang ani ni Sasha sabay hikab "Matulog ka na, lika" ani ni Diego at nahiga na siya, pinaunan niya sa dibdib ang nobyo "Sleep ka na Mahal ko" "Goodnight Mahal ko, I love you" "Goodnight din Mahal ko, I love you too" ani ni Diego saka ito hinalikan sa labi, yumakap pa ng mahigpit si Sasha sa kanya habang nakaunan sa dibdib niya, kinuha naman ni Diego ang remote at inoff na ang tv, hindi pa siya natutulog, pinabayaan niyang matulog si Sasha, hinalikan niya ito sa buhok "Mahal na mahal kita" ani pa niya Kinabukasan, maagang nagising si Sasha, bumangon siya at nagpunta sa kusina, magluluto siya ng sopas, halos patapos na siyang magluto nang may biglang yumukap sa kanya mula sa likod "Mahal ko, gising ka na" ani ni Sasha "Ano yan?" "Chicken sopas, para sa mag-ama ko" "Ang sarap naman nun Mommy" "Siyempre mahal ko kayo ng Abby natin" "Mahal ka rin namin, mahal na mahal" ani ni Diego sabay halik sa labi ni Sasha, humarap si Sasha sa kanya habang naghahalikan at yumakap sa may leeg niya, bumaba ang halik ni Diego sa leeg ni Sasha, ipinasok nito ang kamay niya sa loob ng tshirt pataas sa dibdib ni Sasha nang pigilan siya nito "Mahal" ani ni Sasha sabay hawak sa kamay ni Diego na nasa loob ng tshirt niya "Si Tatay" "Istorbo" bulong ni Diego "Loko ka" nakangiting ani ni Sasha "Tay Good Morning po" ani niya kay Alfredo "Good Morning, grabe ang lamig" "Tay ang aga mo naman nagising" ani ni Diego habang kumukuha ng mga mangkok "Tay coffee po?" ani ni Sasha "Ahh sige iha, salamat" ani ni Alfredo "Ikaw talaga Diego, mabuti pa tong si Sasha inalok ako ng kape" "Si Tatay talaga alam ko namang aalukin ka ni Sasha, at saka ang aga pa kasi, at malamig ang panahon nagtataka ako ang aga mo gumising" "Oo nga eh, sobrang lamig" "Tay sure ka bang uuwi ka na sa sabado?" "Oo, uuwi na ako, nagpahatid nga lang ako dito, magcocommute na lang ako pauwi" "Bakit kasi hindi niyo dinala ang kotse?" "Naku Diego, tinatamad na ako sa pagmamaneho" "Sige Tay, ihahatid ko na lang po kayo" ani ni Diego "Mahal sama ka" ani nito kay Sasha "Sige Mahal" "Yan, mabuti yan, tapos sunday na kayo umuwi okay?" "Sige po" ani ni Diego "Friday night tayo umalis" "Naku, sige na nga Tay" "Tay kain po, nagluto po ako ng chicken sopas" ani ni Sasha sabay abot kay Alfredo "Wow naman, tamang tama sa lamig ng panahon to ah" "Opo Tay" nakangiting ani ni Sasha "Tatawagin ko lang si Abby at Leny" ani ni pa niya at pinuntahan na sa kwarto si Abby "Ang sarap ng may misis na nag-aasikaso sa bahay noh?" ani ni Alfredo sa anak Ngumiti si Diego "Sinabi mo pa Tay, kung pwede nga lang na pakasalan ko na siya eh, kaya lang nakapangako kami kay Tita Nenita, malaki ang utang na loob niya kay Tita eh"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD