CHAPTER 24
Lumipas pa ang mga oras, nakauwi na sila sa condo, nanonood naman ng tv ang mag-lolo habang nakaupo sa sofa
"Daddy, Mommy" ani ni Abby at sinalubong sila, kinarga ito ni Diego at kumiss sa lips niya pati na rin kay Sasha
"Buti dumating na kayo" ani ni Alfredo, lumapit naman sila sa matanda at nagmano "Balita sa tv ang nangyari sa opisina"
"Okay lang kami Tay" ani ni Diego, pero malungkot ito
"Bakit parang malungkot ka?"
"Mahal, magsiCR muna ako" ani ni Sasha
"Dun ka na sa kwarto ko mag-CR" ani ni Diego, tumango naman si Sasha, sumama pa si Abby sa kanya
"Bakit anak? May problema ba?" ani ni Alfredo, naupo naman si Diego sa tabi ng ama
"Hindi kasi mawala ang guilt ko, kasi po, pinapunta ko si Sasha sa opisina, kasi mas maaga ang uwi niya, iniwan ko siya sa looby kung saan nangyari ang aksidente, akala ko talaga siya yung babaeng nadaganan nung kotse Tay, sobra yung kaba ko"
"O anong nangyari? I mean, buti hindi siya kasama sa aksidente"
"Buti nga po nakaalis siya, buti nag-CR siya"
"Diyos ko po, buti na lang pala hindi siya nakasama sa aksidente"
"Kaya nga po Tay, dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala si Sasha sa akin"
"Anak, tama na please"
"Tay, bumalik kasi sa akin ang nangyari kay Nanay, hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya" ani ni Diego, hindi niya napigilan ang sarili na lumuha "Kundi dahil sa akin baka buhay pa siya ngayon, masaya sana kayo"
"Anak, tama na, mahal kita, hindi kita sinisisi sa nangyari sa Nanay mo, at sigurado ako na kung makikita ka niyang nagkakaganyan malulungkot siya" ani ni Alfredo sa anak, hindi naman kumibo si Diego
Sa kwarto naman, inaantay ni Abby na lumabas ng CR si Sasha nang mapansin nito ang isang figurine na ibon sa malapit sa tv, kinuha niya yun pero nabitawan niya kaya nabasag, saktong labas naman ni Sasha mula sa CR
"Abby!" ani ni Sasha, umiyak si Abby, siya ring pasok ni Diego at Alfredo at naabutan nilang umiiyak si Abby
"Nak, anong nangyari?"
"Daddy sorry, wag mo ako paluin please masakit yun" iyak na ani ng bata, binuhat ito ni Diego at niyakap, pinulot naman ni Sasha ang figurine, natanggal lang yung isang pakpak nito
"Sssshhh, hindi kita papaluin, tama na, don't cry na baby ko, ssshhh"
"Sorry Daddy"
"Okay na anak, tama na, hindi galit si Daddy"
"Si Mommy po kasi pag nakakabasag ako pinapalo niya ako"
"Ha?" kunot noong tanong ni Diego
"Opo, nagagalit siya sa akin pag nakakabasag ako, hindi ko naman po yun sadya eh"
"Okay na anak, wala naman ang Mommy Luisa mo dito, hindi ka na niya masasaktan"
"Daddy, pag bumalik ba si Mommy ibibigay mo pa ako sa kanya?"
"Ang tanong anak, gusto mo ba na bumalik sa kanya?"
"Ayoko po, mas happy ako kasama ka" ani ng bata, niyakap naman ito ng mahigpit ni Diego
"Tama na anak, kain na tayo okay?"
"Mommy" ani ni Abby kay Sasha at nagpakarga, kinuha naman ito ni Sasha
"Okay na yun ha? Wag ka na magcry papangit ang pretty baby namin" ani ni Sasha, yumakap naman ito ng mahigpit sa kanya
Pagkatapos nilang kumain ay siya namang buhos ng malakas na ulan at may kasamang hangin pa, naiwan pa sa dining sina Alfredo, Diego at Sasha
"Naku eto na ata ang bagyo" ani ni Alredo
"May bagyo Tay?" ani ni Diego
"Oo anak, balita yun kanina, akala ko nga fake news, ang init naman ng panahon kanina"
"Paano kaya to Mahal ko?" ani ni Sasha "Paano ako uuwi?"
"Wag ka nang umuwi Iha" ani ni Alfredo "Baka madelikado kayo sa daan"
"Oo nga" ani ni Diego
"Mahal, wala akong damit dito"
"Madali lang yan, pahihiramin kita ng tshirt at short"
"Ha?"
"Oo bakit?"
"Okay" ani ni Sasha, may baon naman siyang extra panty at pantyliner in case na bigla siyang datnan
"Ako na ang tatawag kina Nenita wag ka nang mag-alala" ani ni Alfredo
Bumulong naman siya kay Diego "Mahal pwede ako maglaba ng panty ko, sa CR ko isasampay"
"Oo nga pala noh? May baon ka bang panloob?" bulong na sagot din ni Diego, halos lapit na lapit ang mukha nila, nangingiti namang nakatingin sa kanila si Alfedo
"May extra akong dala na panty, pero wala akong dalang bra
"Okay lang yun" nakangiting ani ni Diego
"Bakit parang hindi ko gusto ang ngiti mo?"
"Kanina lang yun ang gusto mo ah"
"Behave ka, ah alam ko na, sa tabi ako ni Abby matutulog"
"Ayoko, masikip dun, si Abby lang ang kasya sa kama niya"
"Hindi ah"
"Masikip dun, wag kang ano" nakangiting ani ni Diego
"Sa tabi mo ako matutulog?"
"Oo naman, sa tabi ko lang" ani ni Diego sabay dampi ng halik sa labi ni Sasha
"Behave ka ba?"
"Pipilitin kong magbehave Mahal ko"
"Hala siya ang pilyo" ani ni Sasha sabay pisil sa ilong ni Diego
"Gusto ko na ulit ng baby Mahal" ani ni Diego sabay hapit sa bewang ni Sasha at halik sa pisngi nito
"Ehem" ani ni Alfredo, tumingin naman ang dalawa sa kanya "Andito ako"
"Matulog ka na Tay may edad ka na, bawal na sayo ang nagpupuyat"
"Damuho ka" natatawang ani ni Alfredo "Naku, dun na ako sa kwarto ko, kayo na ang bahala dito"
"Sige Tay tama yang gagawin mo" ani pa ni Diego, tumayo naman na si Alfredo at pumasok na sa kwarto niya, hinalikan naman ni Diego sa leeg si Sasha
"Hoy Diego Cristobal, ikaw talaga, nakakahiya kay Tatay" ani ni Sasha
"Mahal kita, mahal na mahal kita" ani ni Diego sabay halik sa labi ni Sasha, gumanti naman si Sasha sa halik na yun, niyakap siya ni Diego at hinalikan sa balikat saka sa leeg
"Mahal, magliligpit muna ako, saka maghuhugas" ani ni Sasha
"Tulungan na kita"
"Ako na, magpahinga ka na"
"Ayoko, baka takasan mo ako, baka dun ka nga matulog sa kwarto ni Abby, pampasikip ka dun, andun din si Leny natutulog" ani ni Diego, natawa naman si Sasha
"Parang siraulo nanaman siya o, kung ano ano nanaman ang sinasabi niya o" natatawang ani ni Sasha "Pero sino kaya ang babae kanina sa opisina Mahal?"
"Ewan ko, mamaya tawagan natin si JC, ako na Mahal ang maghuhugas, upo ka lang dito"
"Sure ka?"
"Oo naman, upo ka lang, feeling ko cancel ang klase bukas, ang lakas ng ulan, grabe"
"Kaya nga eh, parang nakakatakot, ramdam na ramdam dito sa floor niyo"
"Wag kang matakot, andito ako, kailangan matapos na to, baka si Abby tumabi pa sa atin"
"Eh ano naman?"
"Hindi pwede, itatapon ko siya sa bintana" natatawang ani ni Diego
"Grabe ka, pero sinasaktan nga kaya siya ng Mommy niya? Iba yung takot niya kanina eh"
"Ewan ko, pero hindi ako papayag na makuha niya si Abby sa akin kung sakali, baka kung ano pa ang maging buhay ng anak ko sa kanya" ani ni Diego, hindi naman na kumibo si Sasha.